yelo

ito ay para sa lahat ng mga nakakulong sa isang relasyon na sa kasamaang palad ay nilipasan na ng pagmamahal. una ang lahat dapat mong malaman na kung gaano man kakipot ang pinto papasok sa isang relasyon, malaking kabaliktaran naman nun ang lawak at laki ng pinto palabas dun. ihakbang mo ang paa mo palabas at palayo hindi mo lang karapatan ‘yun para sa sarili mo, obligasyon mo rin ‘yun sa kapareha mo, ‘wag mo s’yang ikulong sa isang relasyon na alam mo naman na wala ng patutunguhan.
parang trabaho sa opisina din ang pakikipag relasyon, sandamukal na obligasyon at walang katapusang kailangang iresolba. kung hindi ka na masaya sa trabaho mo.. mag resign ka. hayaan mong palitan ng ibang taong karapat dapat ang pwesto mo. ‘wag mong hayaang malugi at magsara ang isang kumpanya ng dahil lang sa isang empleyadong nawalan na ng ganang magtrabaho.   ‘wag mo ng hintayin na umabot pa sa sitwasyon na simut na simot na ‘yung pagmamahal bago pa kayo magpaalamanan, dahil delikado na ‘yun malapit na ‘yun sa end stage ng cancer. ang susunod na kukunin sa inyo nun ‘yung respeto n’yo na sa isa’t isa. pag nangyari ‘yun baka kahit gakurot na masayang ala ala wala kang baunin pag alis mo. iwasan mo ‘yun. kung kinakailangang tanggalin ang kanang mata para hindi mahawa ang isa, tiisin mo. kung kinakailangan na putulin ang kaliwa para lumusog ang kabila, gawin mo.
madalas na tinitignan natin ang isang tao sa paraang nasa harap s’ya ng timbangan o sukatan. ilang porsiyento ang masama o ilan ang bilang ng mabuti. madalas na inuuna nating bilangin ang mahabang listahan ng ayaw natin sa isang tao hanggang sa mawalan na tayo ng ganang pagtuunan ng pansin ang mabubuting katangian n’ya. doon nagkakaproblema ang lahat. siguro kung matuturuan lang natin ang sarili natin na unahing tignan muna ang kabutihan ng isang bagay bago ang kakulangan n’ya, baka sakaling manghinayang tayong itapon ang halaga nun sa atin.
alam mo kung anong susunod na pinakamasamang gawin sa isang karelasyon bukod sa pangangaliwa?  ‘yung ipamukha mo sa kanya ‘yung pagiging walang halaga n’ya sa mundo mo. .. napakasaklap nun.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

9 thoughts on “yelo”

  1. tama, iba talaga ang nagagawa ng pagiging positibo sa lahat ng bagay…lalo na sa relasyon, dahil kung pagtutuunan mo tlaga ang mga mali,..malamang walang magtatagal…Wala namang perpekto, its just a matter of acceptance and appreciation….

  2. Kung ang inyong relasyon sa syota mo ay kasing lamig na ng yelo, kasing tigas na rin ng yelo ang puso ninyo at ayaw magbigayan sa lahat ng bagay, at maari na ring kuskusin at gawing halo-halo na ang inyong mga puso sa sama ng loob, aba di magkahiwalay na kayo. Huwag ninyon ikulong ang inyong mga sarili sa isang napakamig na relasyon.

    Huwag na rin kayong mag-sex kung kasing lamig lang ng yelo ang inyong damdamin sa isat-isa.

    Pero kung ayaw pa ninyon magkahiwalay, subokin ninyong painitin at pasiglahin ang inyong relasyon. Maging mainit kayo sa isat-isa. Sikapin na wala na kayong ibang iniisip kundi ang magmahalan at damhin ang kaligayahan bawat oras.

    Dito makakatulong ang mahabaan pag-si-sex. Not only once, not only twice, make it 5 times over night, hehehe.😆

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s