mahinang sigaw

halos isang oras na lang nun bago ako umuwi. tumawag ‘yung nasa function room kailangan daw ng assistance sa wifi. takbo ako agad. nahiya pa akong pumasok dahil halos nagsisimula na pala, ‘yung presentation na lang ang hinihintay. inabutan ko na sa loob ‘yung tiga engineering department na nag aayos ng sounds dun,  sa kanya ko na nalaman na mga HRM students pala ang mga andun. at dahil mala mission impossible ang pinapagawa sa akin, nawala sa loob ko ang pinaka lohikal na dapat gawin ng isang binatang katulad ko sa ganung sitwasyon .. ang maghanap ng babaeng maganda sa grupo.
abala ako sa pagkalikot ng laptop nang mula sa likuran ko may narinig akong sigaw na pabulong na nanggaling sa isang babae “.. jon!” hindi ko pinansin, ayokong tanggapin na may nakakakilala sa akin sa grupong ‘yun at ayokong may makakilala sa akin habang pawisan ako. pawisan dahil sa andaming nangailangan ng serbisyo ko mula umaga hanggang sa mga oras na ‘yun, at pawisan dahil sa hindi ko maayos ‘yung pinapagawa nila.   “..jon”  tawag na mahinang pasigaw ulit mula sa likod ko, dala ng kuryosidad lumingon ako sa likuran ko, ang plano ko talaga nun biglang tingin sabay bawi talaga. tangena ngayon ko lang naramdaman ‘yung ganun na hindi naman to love at first sight na libog lang pero ‘yung oras na nilingon ko s’ya at nagtama ang mga mata namin, pakiramdam ko obligado akong mag baba ng tingin dahil sasabog ang dibdib ko. parang biglang tumugtog ng live ‘yung pantera sa loob ng puso ko.
naging inspirado akong magkalikot ng laptop, nakuha ko pang tumakbo palabas ng function room para kumuha ng gamit na kailangan ko sa ibang department, at pagbalik ko sa loob ng kwartong ‘yun bumuwelo ako ng mahaba para mag backdive at summersault para magiliw na bumagsak sa mismong tapat ng laptop na inaayos ko at nakangiting nag split habang kinakalikot ko ‘yung program dun.

napagana ko naman at natapos ko ‘yung ginagawa ko. iniwan ko na ‘yung empleyado ng engineering dun pero tumambay pa ‘ko sa may labas para tanaw tanawin ‘yung babaeng sumisigaw ng pabulong. patingin tingin din s’ya sa akin pero napansin ko na iba na ang naging palitan namin ng sulyap. malaki ang pagkakaiba ng tingin ng “hmm halika magtitigan tayo at magpalitan tayo ng i love you sa mata” kesa sa “tangina ano ba problema nitong mamang ‘to at kanina pa tingin ng tingin sa akin”
bigla akong naguluhan. iniisip ko kung guni guni ko lang ba ‘yung mahinang sigaw n’ya ng pangalan ko. pero hindi ka pwedeng dalawang beses na maguni guni sa iisang sitwasyon lang. walang ganun.
nakatitig pa rin ako sa kanya ng lumabas ‘yung iniwan kong nag aayos ng sounds. at para akong tinampal ng langit at lupa sa pamamagitan ng name plate ng mamang ‘yun.
jonathan ang pangalan n’ya. bigla kong naisip na siguro habang nagpapacute ako, andun sa likod ko ang talagang pakay ng mga mata nung babaeng ‘yun. at hindi ko na kailangang maging napakatalino para maabsorb na hindi pangalan ko ang tinatawag n’ya.
at dahil ayokong matapos ang kwento ko na katulad ng mga nauna kong istorya, mag iiwan na lang ako ng payo para sa kanya at sa mga kagrupo n’ya nung tanghaling ‘yun. isang payo mula sa isang nakatatandang kaibigan,
‘wag kang mag HRM kung mataba at maliit ka, hindi ka ipupuwesto sa front office nun, ‘dun ka lang sa likod… o kung masarap kang magluto, dun ka sa kitchen.
.. mamatay ka dun sa init!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

6 thoughts on “mahinang sigaw”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s