tagnimumu

sa totoo lang, ayoko ng mga tag tag na ‘yan. ayokong magpakasangkapan sa kung kanino mang malikot na utak nanggaling ‘yang tag na ‘yan.
pero dahil alam naman ni mumu na kahit papano e nagagandahan ako sa kanya..

ang rules daw:
magkuwento/magsulat ka lang ng 10 bagay bagay tungkol sa sarili mo. 9 dyan eh totoo, tapos isa eh kathang isip lamang
1. mahilig akong manghuli ng butiki dati dito sa compund namin, iniisip ko kunyari serial killer ako tapos sila ‘yung mga biktima ko. inilalagay ko sa plastik ng oishi pag marami akong napapatay sa isang gabi tapos ibinabaon ko sila sa lupa. binabalikan ko ‘yun makalipas ang tatlong araw. napakabaho. dumating ang panahon na sobrang bihira ka ng makakakita ng butiki sa buong compound namin, tapos sinalakay kami ng milyong milyong anay na may pakpak.
2. meron kaming katulong dati na matanda, bata pa ‘ko nun at walang malisya pero natutuwa ako pag pinapaihi n’ya ako. dahil kase sa katandaan nanginginig ‘yung kamay n’ya.
3. nahimatay ako nung grade 1 ako habang nagtuturo ‘yung teacher ko. bigla na lang akong natumba at nangisay sa sahig.
4. andami kong naging gelpren pero apat lang yata sa mga ‘yun ang sa idad kong ito e masasabi kong may itsura.
5. kinukuha ako sa commercial ng eggnog dati. ‘yung nagba bike na nakarinig ng binubuksan na plastik ng eggnog.
6. naging escort ako dati ng pinsan kong sumali sa ms. muntinlupa. nanakbo ako sa likod ng stage habang iniinterview s’ya dahil may ipis na lumipad sa gown n’ya.
7. napaka bobo ko nung grade 2 at grade 3 ako. isa ako sa mga itinatago ng teacher sa madilim na kwarto pag bumibisita ang mga tiga DECS sa eskuwelahan namin.
8. grade 4 ako nung unang nagka gelpren. second year high school s’ya nun, anlaki ng agwat ng idad kaya sinugod s’ya ng nanay ko sa bahay nila tapos ibinato ng nanay ko ‘yung mga GI JOE kong laruan sa kanya para patunayan na bata pa ako.
9. uminom ako ng eskinol dati nung sobrang emo ako. nanikip lang ‘yung dibdib at lalamunan ko. pero normal pa rin ako pagkagising ko.
10.
kaya kong patayin ang sigarilyo sa dila ko.

yehey tapos na!
nagenjoy ako sa tag na ‘to. kasing enjoy pag basa ‘yung kamay ko tapos pinapanood ko s’yang unti unting matuyo.

oh at may photoblog ako di ba?

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

9 thoughts on “tagnimumu”

  1. panalo yung no.7….lol

    nung na-transfer ako sa public school samin,5 lang kami magkakaedad,lahat matanda na samin.grade 3 ako,may classmate nako na nag-debut..garutay…

    pag me exam na kelangn dalhin sa ibang school ang result,tulong kmi 5 ng pagsagot sa test paper ng buong class…ang saya…

    πŸ˜†πŸ˜†πŸ˜†

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s