getting to know you. also, seks.

may bagong lipat sa tapat ng bahay ng nanay ko, dun sila sa paupahan ng mga tita ko. sila ‘yung matatawag na tipikal na probinsyanang nangungupahan sa isang apartment.

si kuya – nagtatrabaho sa isang pabrika sa laguna. dose oras araw araw ang pasok.
si ate – seksi. nagtatrabaho sa isang opisina.
yung pangalawang babae – seksi. nasa ibang bansa. may malaking larawan sa sala, habang nakapamewang at nakasandal sa isang mamahaling kotse. (obyus na hindi kanya)
bunso – first year college sa isang technical school.
si nanay – matanda at laging naka daster. mahilig magluto ng bagoong.
si tatay – patay na.
alam kong hindi tama ito, pero may kung ilang araw na ‘kong tumatambay sa terrace ng mga nanay ko para lang abangan ang paglabas ng kahit na sino sa tatlong babaeng magkakapatid na ‘yan. ang kikinis at ampuputi. sa ilang araw na pagtambay ko dun buhat nung nakita ko sila nung bagong lipat sila hindi lang apat o higit pang beses na dumaan sa akin ang pagkakataon para makilala at makausap sila. andyan nung dumaan ako sa bahay nila at inalok akong kumain ng nanay nila at magalang ko namang sinagot ng “sige ho, salamat kakatapos lang” , andyan din ‘yung hinangin ‘yung good morning towel na sinampay nila at pumasok sa may gate namin, at ilang beses na milisegundo ng titigan pag inaabangan ko silang matapos maglaba at nagsasampay na sa tapat ng bahay nila.
masasabi kong binago nila ang pananaw ko sa buhay, kung bibigyan ako ng pagkakataon na pumili ng mapapang asawa pipili ako ng probinsyana. masipag, malambing, masunurin, at maagang gumising sa umaga. seryoso, hindi ko alam kung saan hahantong ang kwentong ito na halos hindi pa nga nagsisimula. pero isa lang ang nasisigurado ko, handa na akong magmahal, at nakahanda akong magmahal ng walang halong malisya kung iyon lang ang paraan para mapatunayan ko sa kanya ‘yun .. dahil seryoso, kahapon lang habang nagyoyosi ako sa terrace at nakita ko s’yang nagsampay ng pulang thong n’ya muntik ko ng pisilin ang adams apple ko para lang mapigil ang sarili ko na ‘wag umalulong. napakadelikado ng kumbinasyon na ‘yun. seksi, maputi, thong na pula.. at probinsyana.
ewan ko pero pag tinitimpla ko sa utak ko ‘yang apat na rekadong ‘yan, hindi ko mapigil na hindi kilitiin ang sarili ko
… tulad ngayon.

oh at may photoblog ako.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

5 thoughts on “getting to know you. also, seks.”

  1. naalala ko tuloy yung kanta ng grin department—‘may bagong lipat sa aming tapat, may mga bagong borders sila aling barat….” hahaha

    yan yung namimiss ko nung nag-board ako sa baclaran. pagsilip ko sa terrace tuwing sabado ng umaga, iba-ibang babaeng naglalaba ang makikita mo sa baba. masayang mabuhay. :grinnod:

  2. thong na pula? madami ako nyan. hehehe. tapos probinsyana din ako. kaso mo hindi maputi. at hindi seksi. o e ano naman ngayon kamo? wala lang. nakwento ko lang. buti na lang ang nakatira sa tapat namin pinsan ng asawa ko.

    ganun pala ang dating sa mga lalaki pag nakakita ng babaeng nagsasampay ng nilabhang mga panty? hmmn. kaya siguro si manong karpentero na nag-renovate ng garahe ng tito ni hubby (katapat namin), iba ang tingin nung nagsampay ako ng mga panty kong kakalaba lang. inisip ko, imposibleng malisyosong tingin yun saken kse naman… naka-daster lang ako. promding-promdi ang dating. hehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s