mahal kita ‘day

nanggaling s’ya sa parteng likuran, andaming bakanteng upuan pero tumabi s’ya sa kinauupuan ko sa may tabi ng pintuan ng bus.   sabihin n’yo ng malisyoso ako, feelingero o ano pero naisip ko lang na siguro naman hindi s’ya tatabi sa akin ng ganun ganun na lang kung hindi s’ya naattract nung mula sa unahang pintuan ng bus sumulpot ako dun, bagong paligo, fresh na fresh at may bitbit bitbit na kasimpatikuhan habang ang mga mata kong humihigop ng kainosentehan kung makakatitig ay naghahanap ng bakanteng mauupuan kung saan pansamantala kong maihihimlay ang katawang kong larawan ng kakisigan.
palihim ko s’yang pinagmamasdan, nakasalamin s’ya, nakapa ipit ang buhok, naka dilaw na tshirt, at naka maong na pantalon habang yakap yakap n’ya ang backpack n’ya at nakaipit sa paa n’ya ang isang paper bag na nasilip kong naglalaman ng ilang pirasong mga damit at chichirya. pagdaan ng kunduktor sa pwesto namin narinig ko s’yang nagtatanong sa lugar na bababaan n’ya. s’ya ‘yung tipikal na probinsyana na inirekomenda ng tiyahing namamasukan sa maynila para sa kapatid ng amo n’ya, pinadalhan s’ya ng pamasahe paluwas dito, tinext ng address ng pupuntahan n’ya na inilipat n’ya sa kapirasong papel at iyon ang nagsisilbing mapa n’ya sa lawak ng maynila.
dalawa lang ang itsura ng probinsyana na kayang basahin ng mga mata ko:  una, malapad ang mukha, may kulot na bangs na nakalawit sa mukha, mataba, punggok, malalaki ang mga binti.
at ang pangalawa, sila ‘yung mga tisay at mga pagke gaganda.
iyang dalawa lang na ‘yan ang nabubuhay sa mundo ko galing sa probinsya nila. walang sakto lang, walang tama lang.
pag pangit talagang pangit, pag maganda.. sobrang ganda!
pinagmamasdan ko s’ya habang natutulog sa tabi ko. ang gandang babae, mukhang napakabait. sinubukan kong idikit ang siko ko sa braso n’ya at naramdaman ko ang lamig ng balat n’ya kaya bilang isang maginoo, isinara ko ang bintana sa tabi ko. ilang minuto pa ang dumaan, sinabayan ko ulit ang mabilis na pag liko ng bus para “aksidenteng” maidikit ko ang siko ko sa may braso n’ya. normal na ang temperatura ng balat n’ya. nakahinga ako ng maluwag.
bahagya pa akong nainis sa kunduktor nung kinalabit n’ya sa balikat ang katabi ko para gisingin at singilin. napakamanyak! narinig ko pa s’yang pinaalalahanan ang kunduktor na kunin ang atensyon n’ya pag andun na s’ya sa bababaan n’ya. naisip ko lang, sana kung tuwing nagbabayad tayo sa kunduktor kinakailangan din natin sabihin sa kanila ang pangalan at celfone number natin bukod sa mga lugar ng bababaan natin, .. andami ko na sigurong nakilalang babae sa bus.
hindi na s’ya nakatulog mula nun kaya sa malabong repleksyon na lang ng salamin sa bintana ko s’ya pinagmamasdan. nakita ko s’yang may kinakalikot, bumilis ang kaba sa dibdib ko.. wala sa loob na nasabi ko sa sarili ko na “syet sana mali ako, sana dinadaya lang ako ng paningin ko” .. pero kailangan ko ng kumpirmasyon, nagkunyari akong kinakamot ang likuran ng kanang tenga ko para mapalingon ako sa pwestong kinauupuan n’ya. at malinaw na inilatag sa akin ang kumpirmasyon, ang katotohanan… nangungulangot s’ya gamit ang kanang hintuturo n’ya, at ang nakukuha n’ya iniipon n’ya at pinaglalaruan ng hintuturo at hinlalaki n’ya sa kaliwang kamay.
maganda pa rin s’ya sa paningin ko.
.. may binabagayan din pala ang ganung kababuyan.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

10 thoughts on “mahal kita ‘day”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s