bon voyage

naaalala ko ang usapan namin dati, may sakit na s’ya nun. sabi ko kung mamamatay s’ya ‘wag naman ‘yung panggabi ako, ayokong pumasok ng mabigat ang dibdib ko hindi ako makakapagtrabaho ng maayos, iisipin ko pa s’ya sa opisina. tawa s’ya ng tawa. napangiti ‘yung asawa n’ya buhat daw nung nagkasakit ‘yung tito ko dun n’ya lang ulit narinig humalakhak ng ganun. sabi ng tito ko pag patay na s’ya mumultuhin n’ya ko bago ko pa raw masindihan ‘yung yosi, kusa ng lalapit ang apoy sa dulo nun, s’ya na raw ‘yun. sabi ko pag minulto mo ko at tinakot maglalagay ako ng sisiw sa ibabaw ng kabaong mo para hindi ka matahimik.. tawa kami ng tawa, hanggang sa na morbidan din ako sa pinaguusapan namin.
apat na buwan matapos ang usapan na ‘yun at ilang maiikli at medyo seryosong usapan. namatay ang tito ko sa idad na limampu’t pito. matapos kong mag panggabi ulit at unang araw ko sa pang umagang shift sa opisina. naisip ko mapaghahandaan mo ang ilalaman mo sa bituka mo pag alam mong malapit ng dumating ang bagyo, makakapag hanap ka ng mapagtataguan pag nabalitaan mong may malakas na lindol na papadating, pero hinding hindi mo maihahanda ang sarili mo pag dumating ang kamatayan ng isang taong mahal mo, kahit pa matagal ng may sakit ‘yan, kahit pa ipinrogram mo na ang sarili mo na dadating ang araw na ‘yun para pa ring binagyo at nilindol ang pakiramdam mo pag dumating sa’yo ang balita na wala na s’ya.
nung narinig ko ang balita, nanginig at nanlamig ang pakiramdam ko. pinipilit kong tanggalin sa isip ko na wala na s’ya. nagplurk ako, nagbasa ng kung anu ano sa net. pinilit kong maging normal ang kilos ko, ayokong magpadala sa nararamdaman ko. wala akong problema sa pag iyak sa harap ng mga tao. ang kinakatakot ko ‘yung isang oras na nasa bus ako pabyahe pauwi. kung may patimpalak para sa pinaka plastik na tao nung araw na ‘yun. maguuwi ako ng tropeo
nakuha ko pang makipag biruan sa plurk at makipag usap ng normal sa mga tao sa labas ng department namin kahit na pakiramdam ko sasabog na ‘yung dibdib ko.
pag uwi ko nung araw na ‘yun, dinaanan ko lang ang bahay nila. kahit lingon hindi ko ginawa. kumain ako sa bahay ng nanay ko. nanigarilyo hanggang dumilim tapos pinatay ko lahat ng ilaw sa bahay at pinilit kong matulog ng wala akong nakikita sa dilim ng paligid ko. hindi man lang tumulo ang luha ko. ambigat bigat na ng dibdib ko.
kinabukasan na ‘ko nagpunta sa lamay.
humalik ang tita ko sa pisngi ko at niyakap ako bago ako sinamahan sa harap ng tito ko. nakuha n’ya pang magbiro
“oh bago mamatay ‘yan pinaalala n’ya ‘yung usapan n’yo” .. hindi ko na napigilan ang sarili ko, sumabog na ‘yung luha ko. wala akong pakialam. niyakap ako ng tita ko, “hoy jon wag ganyan, dapat daw sabi ng kuya benjie mo masaya” wala akong pakialam. pakiramdam ko pag pinigil ko ang sarili ko sa pag iyak, sasabog ang buo kong katawan at maliligo ng laman loob ko ang lahat ng tao na naglalamay dun.
hindi perpekto ang relasyon namin ng tito ko, may mga ilang pagkakataon din na nagkaron kami ng away. sa totoo lang hindi s’ya ang tipikal na tiyuhin na dadamputin mo pag binigyan ka ng diyos ng pagkakataon na pumili ng tito mo.
pero mahal ko ang taong ‘yun. at halos lahat ng nakakaintindi at nakakaalam sa lamay na ‘yun iisa ang sinasabi sa akin
“mahal ka n’yan” “ikaw ang paboritong pamangkin n’yan”
hindi lang tiyuhin ang nawala sa akin, nawalan din ako ng kaibigan, at tatay. hindi ko alam kung ano na ako pagkatapos nito. walang nakaka alam kung gaano ang epekto sa akin ng pagkawala n’ya at kung gaano kabigat ang nararamdaman ko ngayon. kung pwede lang iwasan kong dumaan sa bahay nila, sa tindahan dun na binabantayan n’ya. ‘yung kahit malayo na ako sinisigawan n’ya pa ‘ko para biruin. ‘yung mga kwentuhan namin ng kabastusan, palitan ng mga kwento ng pakikipag away, mga seryosong payo na mauuwi din sa kabastusan at tawanan. mamimiss ko ng sobra sobra ang taong ‘to. hindi na ako makukumpleto kahit kailan.
hindi ako naniniwala na may buhay pa pagkatapos ng lahat ng ito pero kung sakaling mali ako, hinihiling ko lang na pag ako naman ang nakakuha ng ticket para sa byaheng ‘yan.. ikaw sana ang sumalubong sa akin.
kwentuhan ulit tayo.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

2 thoughts on “bon voyage”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s