siyam na taon na ang anak ko at naiintindihan n’ya na kailangang matulog ng ama na magdamag nagtrabaho sa opisina.

maganda ang plano ko sa bertdey ng anak ko e, gagawa ako ng invitation card para sa mga kaklase n’ya tsaka  ‘yung nanay ko daw may mga bisita din, gawaan ko rin daw. ‘yung mga pinsan ni polin hindi na kailangang bigyan, pasasabihan na lang daw. nung gabi pa lang bago ako pumasok naririnig ko na silang naguusap tungkol sa handa. andaming iluluto. mula miryenda hanggang hapunan ang handaan. engrande.
pumasok ako, nagtrabaho magdamag. pag uwi ko ng umaga, naguumpisa na ang lahat na mag asikaso ng mga lulutuin, pumunta pa ‘yung tita ko para tumulong at hindi pumasok si mrs. cabron. si polin nasa eskuwelahan pa nun. pagkakita pa lang sa nila sa akin kinamusta nila agad ‘yung invitation na ginawa ko, patingin daw. sabi ko may nagawa na ako pero hindi pa napi print. matagal ng walang tinta ang printer sa bahay at bawal mag print sa opisina. ang natitira na lang na paraan ay makiprint sa computer shop malapit sa amin… maaga pa naman. mamaya na siguro ‘yun.  pag kabihis ko, tumingin ako ng luto ng makakain, wala pa daw.. habang naghihintay ako, napasarap sa pakikipag usap sa PLURK nagmistulang parang tubig sa isang baldeng butas ang oras. tumapon at inanod ang sarili n’ya.
isang bagay ang mahirap pag ganitong may handaan sa inyo, ‘yung pakiramdam na trabahador ka lang ng magulang mo sa dami ng utos. isang beses akong sumunod para bumili ng kung ano sa tindahan, pangalawa at pangatlo sumisigaw na ako, nagmumura, nagdadabog. nagkasumbatan kesyo anak ko ang may bertdey at iyon na nga lang ang maitutulong ko. luto na ang nilaga, pinuno ko ang isang mangkok at naglagay ako ng patis na pinigaan ng kalamansi sa platito, dinamihan ko ang kanin sa plato at nagkulong ako sa kwarto. bahala sila. nakakahilo ang nilaga pag sobrang dami, nakakapanlata ang kanin pag isang damukal ang kinain mo.. ng mabilis. tinigilan ko ang internet at nahiga.
tinraydor ako ng antok. pagkamulat ko alas nuwebe na ng gabi. wala ng mga bata.. ang mga tao na lang ay ‘yung mga bisita ng nanay ko. tapos na ang childrens party. hinihintay na ‘ko ng kapatid ko para mag inom.
hindi ako pinapansin ni polin. iniirapan n’ya ko pero alam ko hindi s’ya masyadong galit dahil napapangiti pa s’ya. ipinaliwanag ko sa kanya na sa susunod, kunin n’ya ‘yung mga email address ng mga kaklase n’ya para next time ipapadala na lang sa email ‘yung mga invitation na ganun, iyon ang uso. papano daw kung walang email address ang kaklase n’ya, sabi ko kahit ‘yung sa mga nanay o tatay na lang nila. papano daw ‘yung kaklase n’yang muslim.. wala daw email address dahil walang computer ‘yung mga ‘yun at hindi naman nag oopisina ang magulang nun.
sinabi ko na lang sa kanya na hindi s’ya dapat nakikipag kaibigan dun.


seryoso, napakaganda at pinaghirapan ko ‘yan. kung kaklase ka ni polin at natanggap mo sa email mo ‘yan baka otomatik na mapatayo ka sa kinauupuan mo para yakapin ang nanay mo at magpasalamat sa malaking tulong n’ya para sa pagsulpot mo sa mundo.

* ‘wag n’yo na lang intindihin ‘yung “please join us” .. hindi kami ganyan ka desperadong magkabisita.
* mali din ‘yung oras, walang childrens party ng madaling araw.
* ‘wag n’yo kong husgahan.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

13 thoughts on “siyam na taon na ang anak ko at naiintindihan n’ya na kailangang matulog ng ama na magdamag nagtrabaho sa opisina.”

  1. Haha! Natawa ko sa last 3 sentences. Napaka-witty mo Jon Cabron!😀 Taga-Muntinlupa din ako. Next year, pa-gatecrash naman sa birthday party ng anak mo. Ok lang? Haha. :grinnod:

  2. ay. i’m reading your post here in the office. shempre ang mga images missing. walang kwentang opisina. i’ll view it later when i get home.

    sa sobrang takot siguro sayo ng mga kasamahan mo sa bahay, di ka nila magawang gisingin para magparticipate sa birthday party ni polin. happy birthday sa prinsesa mo!

  3. Puhwede mo din sabihan yung mga kaibigan ni polin na gumawa ng account sa plurk at i-add ka as a friend, tapos dun mo i-display yung invitation… :grinnod:

    ahmmm tsk! kasama kaya dun sa “wag kang makipag kaibigan sa muslim” yung mga kilala kong magaganda na hawig nung mga anak ni robin padilla?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s