internats

payong kaibigan lang, ibangon mo ang dignidad mo isipin mo na lang na merong isang party, bukas para sa lahat ..pero hindi ka pinapasok dahil hindi ka nakasapatos o kaya bumaba si santa mula sa langit at nag bigay ng regalo sa lahat ng mga tao ..pero hindi ka kasama sa naabutan ng regalo dahil putol ang mga kamay mo.
mabait ka naman at malambing kaya lang may malaking kulang sa ‘yo, wala kang pinagkaiba sa sinigang na walang siling berde.. pwede na sana kaso lang nakakatamad kainin. nakakasuka pag sumobra. nakaka umay. nakakasulasok. pag idinighay lumalabas sa ilong.
dapat mong malaman na kung gaano kasaya ang nakikita natin sa mundo ng internet kapag nagsisimula pa lang tayong matuklasan ito, ganun din kasalimuot ang buhay dito habang tumatagal tayo. hindi mo dapat ibinubuhos ang buong pagkatao mo sa isang mundo na puno ng pagkukunyari, dog eat dog. palakasan at pataasan. kainan ng mahihina.lahat na lang mayaman, makapangyarihan, malakas, at may abs. 
magulo ang mundo ng internet, parang perya na libre ang pagpasok pero may bayad ang rides. at kung sakto lang ang pera mo kailangan mong tiisin ang gutom para may pambayad kang hiluhin ang sarili mo.
may taong para sa internet at may taong hindi para dito, mauubos ang isang taon mo kung pagkukumparahin mo ang dalawa, ang isang mundo ay para sa paglilibang at ang isa ay panseryosohan.. ikaw ang may hawak ng buhay mo, pumili ka kung alin dun ang alin.
hindi lahat ng tao nabibigyan ng pribilehiyong maging masaya dito. parang buto ng mansanas yan.. hindi mo pwedeng itanim yan kahit saan, kahit anong alaga mo dyan hindi rin tutubo ‘yan kase hindi s’ya para sa lugar na yun, tumubo man hindi rin tatagal.
dapat mong malaman ang pagkakaiba ng natatawa sa natutuwa, at ang matinding kaibahan ng sitwasyon na nagtatawanan kayo at ng sitwasyon na pinagtatawanan ka nila. sinubukan mong baguhin ang nasimulan na, iniangat mo ang kamay mo para manakit pero nakalimutan mong may ulong nakapatong sa balikat mo, sa mukha mo rin tumama ang sampal na dapat sana ay sa kanila.. minsan sa kakapilit magpumiglas ng isang tao lalo n’ya lang naisisiksik ang sarili n’ya sa kahon ng katangahan. hindi ko alam kung papayuhan kitang manahimik na lang dahil alam kong mali ‘yun, ayoko din naman na payuhan kang lumaban dahil alam ko naman na wala kang ibubuga at lalo ka lang masasaktan. subukan mong ilagay ang computer mo malapit sa bintana, baka sakaling pag ngalay na ang leeg mo at pagod na ang mga mata mo  matanaw mo ang buhay sa labas ng bahay n’yo at marealize mo na merong tunay na mundo sa labas ng internet.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

11 thoughts on “internats”

  1. nice one kuya jon…
    wag sanang hyaang mabuhay at umikot ang buhay sa internet lalo na kapag ito ay di para sayo, masarap din ang buhay sa labas nito… minsan hayaan mo ang sarili mong pagbigyan at makisalamuha sa iba baka dun mo matagpuan ang tunay na kasiyahan

  2. Hmm..kakaiba ka talaga Mr. Cabron. Marami akong napupulot sa mga sinasabi mo. Pamilyar sa akin ang senaryong yan. Sana mabasa nya yang mga cnabi mo, at maisip nyang lumabas sya ng bahay nila para makita nya ang realidad. Sana laging brownout sa kanila para malaman nyang may buhay sa labas ng PC nya.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s