kapatid

nangyari ito nung isang araw, habang sakay ako sa unahan ng jeep sa alabang pabyaheng muntinlupa may sumakay na isang babaeng halos lumuwa na ang dede sa likod ng jeep na sinasakyan ko, at syempre bilang isang pilipinong pasahero ng isang pampublikong sasakyan, ginawa ko ang pinaka lohikal na dapat kong gawin, inabangan ko s’yang tumungo papasok ng jeep sa salamin na nasa may ulunan ko. hindi s’ya maganda at hindi rin s’ya ganun kaseksi sa totoo nga ang una ko agad naisip nung mga oras na ‘yun hindi ko makakayang patulan ang babaeng ‘yun kung may makakaalam, alam n’yo ‘yung ganung tipo?
tipikal na pilipina lang s’ya. hindi seksi pero seksing manamit. basta otomatik na ‘yun na mapapalingon ka talaga sa salamin para bosohan s’ya, natural na ‘yun kung hindi ka naman bakla.
hindi iyon ang kwento, kasunod n’yang sumakay ang isang babaeng mataba na nakaputing bestida at banat na banat ang nakapusod na buhok. pag abot ng bayad nung babaeng bagong sakay napansin n’ya ‘yung babaeng seksing manamit at napangiwi s’ya. natawa ako sa reaksyon n’ya kaya nalibang akong panoorin silang dalawa sa salamin.
hindi napapansin nung babaeng seksi manamit na titig na titig na sa kanya ‘yung babaeng mataba na napapangiwi sa itsura n’ya. maya maya may hinalungkat sa bag n’ya si babaeng seksi manamit at inilabas n’ya ang make up n’ya na may maliit na bilog na salamin. lalong nakaramdam ng pagka disgusted sa mukha ‘yung babaeng mataba na nasa harapan ng upuan n’ya.
pakiramdam ko sinusuring maigi ng babaeng mataba ‘yung babaeng seksi manamit sa harapan n’ya. pira piraso, parang bawat sulok ng pisikal na pagkatao ni babaeng seksi manamit hinahanapan n’ya ng pandidirihan n’ya.

maitim ang kili kili – yuck!
tungkab tungkab ang pulang kyutiks sa paa – yuck!
puro tigyawat – yuck!
pilit na itinatago ang tigyawat sa pamamagitan ng make up – yuck!
sumobra ang kapal ng make up – yuck!
naka tube pa laylay naman ang dede – yuck!
parang maitim na sa libag ‘yung strap ng bra – yuck!

kung totoo ang sumpa ng ihip ng hangin hindi ko alam kung papano n’ya maipapaliwanag sa mga tao sa kanila kung bakit nakangiwi na ang bibig n’ya at naka irap ang mga mata n’ya pag uwi n’ya ng bahay.
hindi pa rin s’ya nararamdaman ng babaeng seksi manamit. pero naramdaman ng babaeng mataba  ang mga mata ko sa bintana, tumingin s’ya sa akin at nakipagtitigan. at nung na klaro n’yang nakatingin nga ako sa kanya ngumiti s’ya at pasimpleng itinuro ng mga mata n’ya ang babaeng seksi manamit na tipong binubulungan n’ya ko sa mga mata ko gamit ang titig n’ya na “tignan mo s’ya, halika pandirihan natin s’ya” .. umiba na lang ako ng tingin.
at maya maya, humudyat ang babaeng matabang  nakaputing bestida at banat na banat na naka pusod ang buhok na kailangan n’ya ng bumaba ng jeep, at bago s’ya tumayo sa kinauupuan n’ya tinapunan n’ya ng isang matalim na irap ‘yung babaeng seksi manamit, at bumaba s’ya sa kapilya ng iglesia ni kristo para sumamba.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

6 thoughts on “kapatid”

  1. hahahah! natawa naman ako sa patuka sa utak. lurker din ako dito pero nagcomment naman ako paminsanminsan hehehe. wala ka namang galit sa mga iglesia na yan hahah! pero seriously mga kupal talaga ang iba dyan lalo na pagtatawid yung mga member nila sa kalsada nagtatraffic yung mga kasama nila pero pag di ka nila ka myembro pucha! bahala ka sa buhay mu😆

  2. naaalala ko ang kwento ng malapit kong kamag-anak…

    sabi ng mga INC sila lang daw ang isasalba ni lord sa panahon ng kalamidad.

    bumaha..

    binaha sila pati na rin ang church nila..

    sooooooo……….

    dun sila nagsievacuate sa simbahan ng mga katoliko…

    amf!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s