teh mighy jon cabron show

ang suliranin dito, hindi sa kung papano ko isinusubo at ipinapakain ang mga bagay bagay na sinasabi ko para sa mga mambabasa ko, ang problema dito may mga taong nginunguya ng pira piraso ang mga sinasabi ko..
at nilulunok bago pa nila malasahan ang gusto kong sabihin.

madali lang magsulat, alam n’yo kung ano ang mahirap?
ang bigyan ng sariling kamay ang sinusulat mo para kusang humigit at yumakap sa utak ng mambabasa mo.

– patuka sa utak / ang entry na walang pamagat (August 29, 2008 | 2:09 am)

minsan ang katwiran maihahalintulad mo sa isang chichirya. pagkaing umaapaw sa laman, nakakabusog pero walang sustansya. minsan may mga pangangatwiran naman na puno ng sustansya, pero nakakakabag. walang pinagkaiba sa isang taong sasalungat sa akin pag sinabi kong tanging mga babaeng lamok lang ang nangangagat at ipaglalaban n’yang nangangagat din ang mga aso.
minsan ko lang sasabihin ‘to “seryosohin n’yo ko” .. seryosohin n’yo ko sa sinasabi ko na ‘wag n’yong masyadong seseryosohin lahat ng pinagsasasabi ko sa blog na ‘to. kalokohan at katangahan. kung ang hinahanap mo ay kung papanong mabubusog mo ang utak mo ng protina ng kaalaman, ikinalulungkot ko na hindi ang blog ko ang dapat sa’yo at hindi ako ang blogger na kailangan mo. kung nagyoyosi na ako at relaks ng nakatunganga habang nagbubuga ng usok ilang minuto pagkatapos kong gumawa ng isang entry, at ikaw na mambabasa ko ay inaabot ng ilang oras o araw para matanggal ang epekto ng galit na namuo sa dibdib mo dahil sa kalokohang isinulat ko.. nalulungkot ako para sa ‘yo.
‘wag kang umasa na makakapulot ka ng  kabutihang asal sa blog ko, nagsasayang ka lang ng oras.  huli na ang lahat, dapat nung bata ka pa lang nakinig ka na sa teacher mo kung san nakakapitas nun. ‘wag mong isisi sa akin ang lupit ng mundo at ang maraming kakulangan sa ‘yo nung bata ka pa.
kung papaano ko inaako ang responsibilidad ko bilang manunulat sa mga entries ko walang pinagkaiba ‘yun sa dami ng p’wede mong sisihing sirkumstansya pag naghagis ako ng bato ng paitaas at walang direktang pinatatamaan.. lahat nakabase sa direksyon ng hangin, bilis at lakas ng bato sa pagbagsak n’ya, at katangahan mo kung papaanong hindi ka na nga umilag, ipinangsalo mo pa ang ulo mo.
hindi kasalanan ng gagamba na gawin n’yang hapunan ang inosenteng langaw na dumapo sa malagkit n’yang sapot, natural n’ya ‘yun. hindi naglalakbay ang gagamba na katulad ng isang leon para maghanap ng makakain. katulad din ng kung ano ako sa blog ko at kung ano ang nagiging sitwasyon ng ilang babae na naliligaw sa blog ko. minamahal ba nila ako dahil isa akong lalaking masipag magtrabaho at mapagmahal na anak sa mga magulang ko at tapat na kaibigan sa mga malalapit sa akin o gusto ba nila ako dahil ako si jon cabron sa mundo ng internet?
paninindigan ko ang sinabi ko na wala ng mas pinakakawawa pang tao sa isang taong siniseryoso ng todo ang internet, at alam mo kung anong kawawang nilalang ang sumusunod d’yan? ‘yung taong naghahanap ng pagmamahal dito.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

21 thoughts on “teh mighy jon cabron show”

  1. may mga tao na hindi natin mapipilit na tanggapin kung ano sa tingin natin ang tama; mga tao na hindi nililimi ang mga bagay bagay bago magbigay ng reaksyon; mga tao na masyadong nagpapaapekto kahit hindi naman dapat.

    sa tinagal tagal ko ng ginagawang dyaryo ang blog na ito, madaming pagkakataon na napapaisip ako kung saan hinuhugot ng nagsusulat ang mga ideyang sinusulat niya. sa dinami dami ng mga blog na nabisita ko, iilan sila na nagbibigay ng kuryosidad sa akin kung may bago na ba silang post.

    at tanggapin man ni jon o hindi, “hanga ako sa talento niya”.

  2. hmm ako ba to?…

    pagmamahal is such a strong word but i believe there is a fatal attraction going on..however merong tao din na matinding pakikipagkaibigan ang gusto na pag nawala ang ceter of attention nya,may tendency na hanapin nya ito…o kung sadyang nawala ang taong iyon,maari kayang me nagawa syang mali,nasabing masama..maraming dahilan..pero ang masasabi ko lang dahil s apost mo na yan,chick magnet ka!

    daming nababaliw s ayo…

  3. “paninindigan ko ang sinabi ko na wala ng mas pinakakawawa pang tao sa isang taong siniseryoso ng todo ang internet, at alam mo kung anong kawawang nilalang ang sinusundan n’yan? ‘yung taong naghahanap ng pagmamahal dito.”

    hands down..

  4. ang problema sa marami, masyado ka na nilang iminolde sa imaheng ipinakita mo sa net.

    walang masama run kung ang nais lang nila ay ‘yung tipo ng kaligayahan na nakukuha mula sa paghanga sa isang fictional character.

    ang masaklap dun, kapag lumabas na tayong lahat sa mundong saklaw ng DSL o dial-up… akala ng marami, isa pa ring “astig” na blog entry ang buhay mo. siguro dun sa mga nakakausap mo sa ym o fone, ipinapartner pa rin ‘yung boses mo sa kung ano ‘yung NARARAPAT na image mo… lahat sila, nais kang makasama (o sige, ‘yung iba, maka-sex) dahil ikaw si JON CABRON, the blogger, hindi si Jon Cabron na me asawa’t anak at empleyado sa isang hotel.

    ‘yun ang pathetic.

    pero hindi maiiwasan ‘yung mga taong ganyan. maraming kumakagat at nagseseryoso kasi sa totoo lang, sino ba naman sa atin ang hindi nakikiliti sa ideya na magkaroon ng bragging rights na “oy! nakita ko na ‘yang bad boy ng pinoy blogosphere na si jon cabron! at nahalikan ko na ‘yan! o ha!”

    lahat naman tayo, in one way or another, gusto ng fairy tale.

  5. AYos! makikisawsaw lang:) sadyang mayroon lang talagang mga ganyang tao. gayun pa man, dapat din sigurong isaalang-alang na masyadong personal ang pagkakatuto. ang tao ay iba-iba at marahil ay dala lang ito ng pagkukrus ng landas at wala ng iba:) LIVE AND LET LIVE mga parekoy! hehehe

  6. korek! hindi ganun kadali ang magsulat, paminsan kasi iba ang interpretasyon ng iba.. minsan kasi ang mga nagbabasa ng entry natin eh, iba ang nasa utak bago mo pa mareach yung kautakan nilang yun.. kinain na sila ng judgement..😦

  7. hi jon, whassamatter? may nabasa akong isang blogger na minura mura nung isang estudyante kasi ginamit ba naman sa thesis yung post nung blogger e hindi naman seryoso, o ayun, binalikan yung blogger dahil sya daw may kasalanan kung bakit sya bumagsak sa thesis nya, tama ba naman yun?

  8. oo na nga hindi ko na seseryosohin mga sinabi mo sa kin…hindi mo nga ako mahal…o sya anong magagawa ko. edi mag-move on. :no:

    seriously, tinamaan din ako dito. pero may point naman lahat ng sinabi mo jon kaya hindi totoong walang kaalamang mapupulot sa blog mo! Anuman ang mga sinasabi mo, gaano man kabagsik ang dila mo minsan at marami man ang nagdaramdam. Marami rin talaga akong bagay na naunawaan na hindi ko makukuha sa ibang blogs…o sya kahit alipusta-alipustahin mo pa ko. wala akong pakelam!

    salamat sa lahat ng naibahagi mo sa blogosphere…appreciated yun! :nod:

  9. hi sir jon! astig talaga lahat ng blogs mo! kahit nga minsan eh sumasakit na yung mata ko kababasa ng blogs mo eh tuloy pa din ako! nakakaadik ka este yung blog mo po pala! :]] keep it up sir jon! idol tlaga kita! :grinnod: :grinnod: [img]pics.tumblr.com[/img]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s