ang love at first sight ay libog lang

gusto mo ng katotohanan? ito ang katotohanan.
hindi nangyayari sa tunay na buhay na may makikitang babae ang isang lalaki at bigla s’yang mala love at first sight dun. ang totoo n’yan kung meron mang pakiramdam talaga na tinatawag na “love at first sight” mali ang pagkakahulugan nun kesa sa nalalaman mo, hindi iyon paghanga na bigla bigla mo na lang mararamdaman sa isang tao. mas tamang sabihin na libog ‘yun na hmmm medyo pinasosyal at pina wholesome ang dating. bakit mo kailangang paniwalaan ‘yan? dahil sinabi ko. bakit ko nasabi?
walang lalaki na sa unang kita n’ya pa lang sa isang babae habang nasa isang bar sila na maiisip n’ya agad kung marunong kaya sa kusina ang babaeng ito at masarap kaya s’yang magpochero dahil sa katotohanan at sa tunay na buhay isang bagay ang mas talagang unang papasok sa isip ng lalaki, masarap kayang birahin sa ibabaw ng lababo ang babaeng ‘to? iyan at marami pang makamundong isipin at marami pang iba bago pa papasok sa isip n’ya ang maliit na impormasyon kung kamusta ba ang pochero mo.
kulang ng impormasyon ang salitang “nung una pa lang kitang nakita, napansin ko na agad ang perpektong hugis ng mga legs mo kaya ako nainlove sa ‘yo” ang kumpletong detalye n’yan, “nung una pa lang na nakita kita, naimagine ko na agad na nakasampay ang mga legs mo sa balikat ko. ‘yan ang totoo, sa maniwala ka man sa akin o hindi.
ipinagpapaumanhin ko kung sa mga sinasabi kong ito ay nasasagasaan ko ang mga nakaugaliang paniniwala na tinatangkilik ng makaluma mong paniniwala na itinanim sa utak mo ng mga sinaunang tao at ng kakabasa mo ng liwayway magazines at mga tagalog pocket books, aaminin kong hindi ako sigurado kung pareho lang ng naiisip pagdating sa mga bagay na ‘yan ang lalaki at babae pero nakatitiyak ako na bilang lalake, ako ang magsisilbing boses ng kalalakihan sa usapin na ‘yan. ang love at first sight ay libog lang.
mas maganda naman kase talagang pakinggan pag love at first sight ang ginamit mo kesa ‘yung “alam mo nung una pa lang kitang nakita nalibugan na ‘ko sa ‘yo.” walang pinagkaiba ‘yan sa mga pinalamutiang kwento sa mga pocket books na pinag aaksayahan mo ng oras at mga kwentong wakasan sa komiks. pinapaganda ang mga salita at ginagawang kasing kulay ng bahaghari ang pag iibigan, na sa katotohanan itim at puti lang naman talaga ang kulay nito.

” naliligo kami sa batis ni efren, s’ya ang lalaking matagal ko ng kaibigan at lihim na minamahal. bigla akong nakaramdam ng pagkailang nung aksidenteng nagdikit ang mga katawan namin, umahon ako at tumakbo ngunit naabutan ako ni efren at sabay kaming nabuwal sa may puno, inukit namin ang mga pangalan namin sa katawan ng punong iyon sa loob ng isang pusong nakaguhit, nag amoy rosas ang paligid ng dinampian n’ya ako ng halik sa noo.”

ang totoo..

“sa batis pa lang naghihipuan na kami ni efren, ang aking fubu. bigla akong may naisip na kapilyahan, umahon ako at tumakbo habang hinahabol ako ni efren, manaka naka’y sinasadya kong magpakabagal ng takbo pag napapansin kong lumalayo ang distansya naming dalawa. hanggang sa inabutan ako ni efren at sabay kaming nabuwal sa may puno ng saging. nakahawak ako sa katawan ng punong iyon habang nasa likuran ko si efren. at ilang sandali pa, nag amoy clorox ang buong paligid ng sinunod sunod n’ya ang pagbayo.

napansin mo ‘yung pagkakaiba?

kaya babae, pag may lalaking sa kahit na anong lugar at pagkakataon ay nakipagkilala sa ‘yo at nagsabing na love at first sight daw s’ya sa ‘yo. alam mo na ang ibig sabihin nun at alam mo na ang dapat mong gawin.
sampalin mo.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

30 thoughts on “ang love at first sight ay libog lang”

  1. hahahahaha, tangnaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh, handaming nagsabiiiiiiiiiiiiiii sa akin nyan, pero ni isa wala pa akong sinampal sa kanila, well at list alam kong din sa sarili ko na hindi ako naniniwala sa lab at per sayt ….πŸ˜†

  2. i don’t believe in love at first sight talaga. kahit nga love in a couple of sights di rin ako naniniwala. di kse ganun kadali ang magmahal. kaya pag may lalaki na ni hindi mo pa nga boypren nagsabi na agad ng “i love you” kaututan yon. gusto ka lang ikama nun. o di kaya halikan ng hindi mo sasampalin.

    saken wala nagsasabi na na-love at first sight sila sa kin. so ibig sabihin, kelangan muna nila ako makilala bago sila malibugan saken. hahaha. parang mas masarap masabihan ng na-love at first sight sila saken. hahaha.

  3. hmmm sa unang pagkakataon ay pareho tayo ng pananaw…pero bat ako,di ako nalilibugan pag nakikita ko “crush” ko or ma-love at first sight man ako?…ang una kong naiisip,cute kaya magiging anak namin pag kami nagkatuluyan?..

    ewan ko kung ako lang pero pareho lang ang dating nung dalawang kwento sa kin,parehong romantic…πŸ˜‰

  4. panalo! kaya nga mas nagustuhan kong basahin ang mga kwento ni xerex e kesa sa mga romantic pocket books. bilang lalaki, una ko ring tinitingan kung may sex appeal ba ang isang babae bago ko masabing crush ko na sya. YNY (yun na yun!)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s