makalat na organisado

ano ang konsepto ng makalat na organisado?
pagkakatapos kong maligo para pumasok sa trabaho, diretso ako sa computer table ko para kunin ‘yung rosary bracelet ko tapos isang hakbang mula dun diretso ako sa aparador para mag deodorant at magpahid ng lotion tapos nun kukuha ako ng dalawang cotton buds at habang nililinis ko ‘yung tenga ko isusuot ko  ‘yung pantalon kong nakasabit sa likod ng pinto ng kwarto. iiwan ko ‘yung cotton buds sa ibabaw ng ref tapos kukunin ko dun ‘yung mp3 player ko na ilalagay ko sa kaliwang bulsa ng pantalon ko at ‘yung celfone ko. tatalikod ako para abutin ‘yung coin purse ko na nakasabit sa sabitan ng mga susi. iikot ako pakaliwa para abutin ang gel ko at ang suklay tapos babalik ako sa kwarto para isuot ‘yung naka hanger na polo sa aparador. at ang pinakahuli, babalik ako sa cr para kunin dun ang lighter at yosi ko.
lahat ng pwestong ‘yan isa o dalawang beses ko lang babalikan at dadaanan ng tingin, naka program na sa ‘kin ‘yan.
isang bagay lang sa mga ‘yan ang malipat ng pwesto, panigurado ako na kung hindi ko pa kakailanganing gamitin ang gamit na ‘yun, hindi ko pa malalaman na hindi ko pala nadala.

.. at tulad ng dati, hindi ko alam kung saan n’yo magagamit ang mga impormasyon na ‘yan.

patawarin n’yo ko sa mga minuto n’yong nasayang ko.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

5 thoughts on “makalat na organisado”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s