hanggang sa muling pagkikita at blowjob.

wala itong pinagkaiba nung panahon na tinikman ni eba ang ipinagbabawal na prutas at inialok n’ya kay adan. matapos ‘yun nagsimula ng mawala ang inhibisyon nilang dalawa na nasundan pa ng ibang mga paglabag sa batas at pagsuway sa mga bagay na nakaugalian na, at iyon ang simula ng pagtakas nila sa mga bagay na nakasanayan na .. at dun sila nagumpisang naging masaya.
sinabi ko na dati, hindi ako lilitaw at hindi ako magpapakita sa kahit na sinong blogger. wala akong naiisip na dahilan at sa totoo lang hindi ako makahanap ng paraan para hiramin ang kaluluwa ko sa trabaho ko at iyan ang magagamit kong dahilan. ayokong makipag kaibigan, hanggat maari gusto kong ilayo ang mundo ng internet sa tunay na buhay.
nagkita kami ni lenggai nung nakaraan at may babaeng blogger na hinayaan kong makipag sulyapan sa akin sa isang mall, walang usap. titigan lang saglit.
nung biyernes lang ako bumigay para sa isang group EB, anim kami lahat. si az, lenggai, angel, yuri, at isang kaibigan ni lenggai na  hindi ko alam kung pwede kong tukuyin. at maaga s’yang umuwi. sa timog kami nagkita kita.
az-eb
nakadalawang bar kami, umalis kami dun sa una kase maingay daw. mabuti naman, mahina ang boses ko kaya kung dadalhin mo ko sa isang lugar na maingay, makikipag titigan na lang ako sa ‘yo kesa ubusin ang hininga ko para lang sa ilang pangungusap. nakita mo ‘yang picture sa taas? alam mo kung sinong nakaisip n’yan? ang pinakamatanda sa lahat.
maayos sa pinaglipatan naming pwesto. tahimik at hindi hassle mag cr. medyo sarado nga lang kaya pag labas mo, amoy sigarilyo na ‘yung suot mo. sobrang saya nung lakad na ‘yun. kung nama manongan ako kay az dahil ala siyete ang call slip na inilabas n’ya kaya halos mag aalas  otcho na yata ako kumilos at umalis sa bahay, ngayon alam ko na. nakakabitin, sobrang kulang ang oras para sa isang napakagandang pagsasama sama.
isang gabi ‘yun na parang ambigat nung paalamanan na, pero ambilis namin nagawa. nasa bahay na ako tsaka lang tinanggap ng utak ko ang lasa ng katotohanan na nagkita kami ni az, wala kaming ugnayan sa isa’t isa at lalong wala kaming relasyon, kung hindi dahil sa mundo ng internet wala sigurong posibilidad na magkakilala kami. milya milya ang layo namin sa isa’t isa.  nakakatuwa na dumating ang araw na ‘yun na nagkaharap kami, nagkainuman, at nagkakuwentuhan ng ilang oras. madaming sana, ansarap planuhin ng matagal tagal para lang mapag bigyan ang lahat ng sana na naiisip mo. sana hindi lang ganun,  at ansarap siguraduhin ng “sana” na sana maulit pa.
ito ang iilan sa mga lakad ko na masasabi kong malapit sa tinatawag na  perpektong lakad, sakto ang panahon malamig pero hindi umuulan, hindi ako nalasing, nagwala at nawala, at sakto ang lahat ng kasama ko. seryoso, naiisip kong hindi magiging ganun ang lakad na ‘yun kung meron wala sa aming anim. naisip ko, siguro nga handa na akong makipag kita sa kahit na sino matapos ang lakad na ‘yun. napatunayan ko na kaya ko ng humarap sa maraming tao, at hindi naman masamang makipag kaibigan. napakasaya ng gabing ‘yun at sigurado ako na ilang EB pa ang mapupuntahan ko, ilang mga kaibigan pa ang makikilala ko pero hindi kayang higitan nun ‘yung lahat ng nangyari nung biyernes ng gabi. sa totoo n’yan, kung nagka kanchawan dun, sa sobrang saya ko baka sa mismong harapan ng lahat, sa mismong harapan ng mga papoging batang waiters at mga amerkano sa kabilang table na may mga asawang pilipina, baka na blowjob ko si az.

salamat.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

24 thoughts on “hanggang sa muling pagkikita at blowjob.”

  1. nagulat ako may blowjob :grinnod:

    yung amerikanong katabing table natin, natapakan ko yung paa nung medyo lasing na ko.. ahm wala lang naalala ko lang :grinnod:

    at hinintay ko talaga yung gabing yon na na meet ko kayo, si kuya az (sa pangalawang pagkakataon) at syempre si lenggai at yung tropa nya na hindi ako hinayaang ma-op.

    meron pa sa april diba😎

    ..sobrang astig at napaka gentleman ni Jon Cabron.. yun lang :blush:

  2. pag nakuha ko na ‘yung lisensya ko jon, puwede na tayong magkita somewhere na hindi ka na masyadong bibiyahe… tulad ng cubao.

    at kapag gusto ko ng maraming kaaway, sasabihin ko lang kung ano ang nangyari nung nasa gasoline station na tayo…

    pero dahil wala ako sa mood, nais ko lang sabihin na sana sa susunod na EB, sana suot mo naman ‘yung NO FEAR mo na jacket.

    i. thank. you.

  3. huli na ang komento ko pero gusto ko lang sabihin na nag-enjoy ako sa kitakits na ito. tama ang sinabi mo na kung may kulang sa ating anim, baka hindi ganun kasaya ang ating gimik.

    sayang lang at di nasundan. nagkaloko-loko kasi ang ating mga skeds according to lenggai at nung pwede na yata kayo, nagkasakit naman ako.

    hindi bale, uuwi ako ulit sa december at malay natin, magkaharap harap tayong muli.

    PS: sa susunod ang call time alas kwatro ng hapon ha! kase bitin!!!!!!!!😆

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s