binyahe

tayong dalawa lang sa bus, nakita kong umuuga ang ulo mo at sumasabay sa galaw ng sinasakyan natin. antok na antok ka na. hinuli ko ang mga mata mo para ituro ang balikat ko, para ipahiram sa ‘yo at gawin mong unan. hindi ako nagdalawang salita, pumwesto ka at pinagpahinga mo ang ulo mo sa balikat ko.. kasabay ng pagpulupot ng mga kamay mo sa katawan ko. at pag huli sa kamay ko para humawak sa mga kamay mo.
hindi ko na maalala kung kelan ang  huling pagkakataon na nakipag holding hands ako .. sa bus, sumabog ang pawis ko, naiiilang ako. pakiramdam ko ang tanda ko na para makipag hawakan pa ng kamay. ang haba ng byahe at andaming stop over, nililibang ko na lang ang sarili ko sa paglalaro ng kamay mo na hawak ko. at paghalik sa ulo mo ng walang malisya. otomatik ‘yun, hindi pupwedeng lumipas ang kahit thirty minutes na hindi mo hahalikan o aamuyin ang ulo ng taong naka unan sa ‘yo.. walang batas tungkol d’yan pero kailangan mong gawin ‘yan kahit itanong mo pa sa mga matatanda, at maniwala ka man o hindi wala pang naitatalang babaeng nabubuntis sa ganung sitwasyon.
bilang tao, ipagpalagay natin na isa akong nagpapakahirap maging vegetarian na hinainan ng karne sa hapag kainan, ganun ang halos eksaktong nararamdaman ko nung mga oras na ‘yun. tinatalo ng kanang utak ko ang kaliwa sa pagdidikta na “wag mong sirain ang samahan… walang malisya” “bata pa yan!!” na sinasalungat naman kaliwang panig ng ” walang masama kung ita try mo!!!” ” bata ‘yaaaan, kakaiba!!” .. sa lahat ng ‘yan, isa lang ang naisip ko.. hindi kaya masakit sa katawan na subukan ang isang babaeng may tatlong pulgada ang taas sa akin? … ahhh andaming paraan, naguumapaw ang mga posibilidad.
pagbaba ng bus, naisipan nating magkape pero nagbago ang isip ko. naalala ko ang kwento sa libro ko nung bata pa ako alam kong isang patibong ‘yan at hindi ako ang inosenteng langaw na dadapo sa lagkit ng iyong mga sapot at tamis ng iyong imbitasyon. .. pero naisip ko pa rin ang posibilidad.
iniwan lang kita ng tingin nung lumipat ka ng upuan at natulog ka na sa sasakyang maghahatid sa ‘yo sa inyo. hindi ako nakaramdam ng panghihinayang pero naisip ko pa rin ang mga posibilidad. nagtext ka, “salamat kuya jon, napaka gentleman mo”

ulul! muntik ka na.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

14 thoughts on “binyahe”

  1. salamat KUYA jon…

    alam mo, ayon sa mga matatanda, kapag tinawag ka na na kuya ng isang babae, dun na nagtatapos ang pantasya mo sa kanya.. dahil ang KUYA, pamatay pag-asang salita yan.. indirect, but straight to the point (ano daw?).. hehehe..

    pero buti na lang kahit konti may sweet karne ka namang natikman… hehehe

    ingatz😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s