buhay

nangyayari ang lahat ng ito sa hindi perpektong mundo. hindi lahat ng mga bagay na gusto natin na mangyari, iyon ang masusunod.  hindi ito komiks na ikaw ang tagapag gawa ng istorya.
dapat mong malaman na kahit gaano mo pinaganda ang kaharian mong gawa sa buhangin, kahit gaano mo ito pagtibayin meron pa ring rumaragasang alon at malakas na hangin na laging mananalo.  minsan maiisip mo na ang buhay ay walang pinagkaiba sa video games, ikaw ang may kontrol ng lahat, desisyon mo kung sa kanan o sa kaliwa, kung sa madilim o sa maliwanag ka pupunta, at kung lalaban o tatakbo ka. pero ang hindi mo alam, sa katapus tapusan isa ka rin lang palang character sa larong ‘yun at merong isang matabang tao talaga na tunay na naglalaro ng mundong kinagagalawan mo at nagko control sa inyong pare pareho. wala ka! wala kang pinagkaiba sa lahat.

sa bandang huli malilito ka sa nararamdaman mo, nasasaktan ka ba dahil tapos na at wala na s’ya o nanghihinayang ka ba na sa tinagal tagal sa ganito rin lang pala mauuwi ang lahat.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

10 thoughts on “buhay”

  1. kaya nga puro video games na lang gusto ko atupagin minsan…masarap kasing maramdaman na ikaw ang may kontrol ng lahat. pag maling skill nagamit mo at napatay ka ng boss na di mo pa nakakalahati man lang ang buhay nya. load mo na lang ulit yung saved game tapos labanan mo uli sya..haays

    buhay nga naman…walang reset…bawal din i-uninstall..

    :love:

  2. Awww…kung seseryosohin ko ang sinabi mo, nararamdaman kong para kang isang yelong unti-unting natutunaw sa basong may tubig. PS. Wag mawalan ng pag-asa, malulutas yan…kung anuman yan. Go! papa Jon, kaya mo yan. :nod: Awww…kung seseryosohin ko ang sinabi mo, nararamdaman kong para kang isang yelong unti-unting natutunaw sa basong may tubig. PS. Wag mawalan ng pag-asa, malulutas yan…kung anuman yan. Go! papa Jon, kaya mo yan.

  3. Bata ka pa Cabron at mukhang may konting dunong ka.

    Pero obviously majority ng choices mo sa buhay parang sablay. Kita ko sa mga posts mo.

    Ang hirap sa ‘tin pag tumatanda na wala nang nagpapayo. At malamang sa hindi ‘di na rin tayo tumatanggap ng payo, biyayaan man tayong bigyan ng iba. Pinapalala pa ‘to ng katotohanang akala natin alam na natin ang lahat. Pero hindi pala.

    Sabihin mo lang kung may maitutulong ako.

  4. pareho…masakit na pagkatapos ng lahat,sa ganon lang matatapos..nakakapanghinayang na lahat ng oras,lakas,pagmamahal na iniukol at effort na ini-exert,mapupunta lang pala sa lahat at magiging memory na lamang…pero nasa kamay pa rin naman natin lahat yon eh..hahayaan ba natin matapos sa ganon lang ang lahat o itutuloy pa natin..pero ang pagpapatuloy ay hindi nangangahulugang hindi rin kayo mauuwi sa ganito pagdating ng panahon..kaya naman malilito ka…gusto mo sana ulit sumubok pero baka palpak na naman,manghihinayang ka lang lalo..,syete! nakiki-drama din ako sa yo..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s