teh sign

kanina sa bus habang kasama akong nagpupuno ng pasahero ng drayber at kunduktor, nilinga ko ang mga mata ko sa paligid at napansin kong tatlong upuan na lang ang bakante sa bus para mapuno. ‘yung nasa tapat ko sa gilid, isa sa may likod, at isa sa tabi ko. magbebente minuto na yata akong nakaupo sa bus na hindi umaandar, nililibang ko na lang ang sarili ko. pag may umupo sa tabi ko na isang babaeng pwede, iyon ang sign na bago ako mag bertdey sa april may makakapiling akong babae. babaeng sasama sa akin na manood ng cable tv sa isang pribadong lugar na maginaw at may libreng sabon na maliit o pwede na din sa loob ng sinehan, sa lugar na tago madilim at mapanghi.
naunang may umupo sa likuran ng bus, isang nanay na hmmm pwede na din. naisip ko pa buti na lang hindi sa tabi ko umupo.. may pag asa! nakita ko ang isang babaeng naka dress na naglalakad sa may gilid ng bus na sinasakyan ko at pumasok sa pinto sa may likuran ko, pwedeeeeee! pero umupo s’ya sa bakanteng upuan sa may gilid ko. naisip ko na lang bah! kumbaga sa baraha gumaganda ang balasa, ayos. nakatingin pa rin ako sa babaeng kakaupo lang sa may gilid ko ng aksidenteng nadaanan ako ng tingin n’ya, at binigyan n’ya pa ako ng pangalawang tingin.. mas matagal at mas may init. alam mo hindi ko alam kung normal sa lalaki ‘to pero ako ang taong sa unang tinginan pa lang namin ng isang babae alam ko na agad kung kaya ko s’ya o hindi. ewan ko kung papano pero basta, meron tingin ang babae na pag sumalubong sa mga mata ko, may otomatik na nagkakalkula sa utak ko kung kaya ko ba s’yang yakagin kung saan o kung may pag asa ba ako o wala. at itong babaeng ‘to na nakipag laban ng titigan sa akin at binigyan ako ng pagkakataon na pangitiin ko ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya, makikipag palit ako ng kaluluwa sa singsing pari kundi bibigay sa akin ‘to.
nasa ganun kalalim ang isip ko ng biglang may pumagitan sa aming isang puting tela na tumakip sa paglalaro namin ng titigan, isang baklang payat na umupo sa tabi ko na may malamig at malagkit na braso. at empleyado ng PGH. dehemeeet! isa lang ang ibig sabihin nito kung totoo ang sign, malabong may babae akong madala sa mga lugar na nabanggit ko hanggang mag bertdey ako, napakalungkot na senaryo. pero hindi ko pinagbabalewala ang presensya ng babae sa gilid ko, hmmm naisip ko na pwede siguro na mabigo man ako sa hangarin kong makapamasyal sa mga lugar na ‘yun, malamang kahit half body meron naman siguro, hindi naman siguro ipag aadya na sa mismong oras na ‘yun na humihingi ako ng sign e may mauupo dun na babaeng ganun kung wala lang.
kampante kong ibinaling ang mga mata ko sa labas ng bintana habang nakasalpak ang earfone ko at nilulunod ang mukha ko sa hangin ng nakaramdam ako ng kalabit sa may braso ko, binakante ko ang isang tenga ko sabay harap sa baklang katabi ko
sir, pwede ba natin iclose ang window? na may kasama pang arte ng mga kamay n’ya na nakaturo pataas at pababa. putangina ambaho ng hininga! muntik na ‘kong mapasuka sa loob ng bibig ko. isinara ko ng konti ang bintana pero hindi ko isinagad.
pagbaba ko sa may vito cruz, nagulat pa ‘ko ng kasabay kong bumaba ‘yung babae sa gilid ko. sabay kaming nag abang ng jeep at may tatlo o apat na beses pa yata ulit kaming nagtitigan. sabihin mo ng feelingero ako o ano pero hindi naman siguro na nagkataon lang na pareho kami ng bus na sinakyan, pareho kami ng lugar na binabaan, at eto pareho pa kami ng jeep na sinakyan. nung inabot ko sa kanya ‘yung sukli n’ya sinadya kong pagtagalin ang paghulog ko ng dalawang bente sinko sa mga palad n’ya.. at wala akong naramdaman na inis o pagtanggi sa kanya.
pero kinailangan ko ng bumaba ilang hakbang mula sa normal na babaan ng mga pasahero dahil kailangan ko pang dumaan sa mini stop para bumili ng mga makakain. dinaanan ko s’ya habang nakayuko akong pababa ng jeep at mula sa dilim nakakita ako ng lungkot sa mga mata n’ya.
nakita ko pa nung tumigil sa mismong babaan ang jeep at bumaba s’yang nakatingin pa rin sa direksyon ko. pumasok na ako sa tindahan at ginawa ang mga dapat kong gawin. nawala na sa loob ko ang babaeng ‘yun. naglakad ako, nagsindi ng yosi, at tumawid, at nakita ko na naman s’ya na halatang naghihintay sa may kabilang kalsada, at nung nakumpirma n’yang nakita ko na s’ya, pumasok s’ya sa isang kilalang kapehan at umupo sa may bukana sa labas.
pero late na ako, at kailangan ko ng magmadali kaya sumakay na ako sa isang nakaparadang pedicab. pag ikot nung sasakyan sa harapan n’ya tumango s’ya sa akin, ngumiti sabay kumpas ng kanang kamay para senyasan akong lumapit.
sayang, late na ‘ko.
at hindi ko gusto sa babae ang naka dress na tinernuhan ng sandals na halos hanggang tuhod ang tali.

ps.
kung hindi ka naniniwala sa kwento ko, putangina itataya ko ang kredibilidad ko na totoo yan!
o sige, lahat ng kwento sa blog na ‘to sabihin mo ng imbento pero iyan talaga nangyari talaga ‘yan kanina.
peksman!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

5 thoughts on “teh sign”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s