oh hai thur, year 2009

naaalala ko pa nung natanggap ko ang sweldo ko bago magpasko, tuwang tuwa pa ako dahil december twenty pa lang nun, napakaaga pa para sumweldo ako. tinext ko pa nga ‘yung kasamahan ko.. “may sweldo na yeheeey!” at hindi s’ya nagreply. nung magkaharap na kami tsaka n’ya sinabi ang mga agam agam at takot na bumabagabag sa loob n’ya.
pangit daw ang napapaaga ang sweldo, maaga rin daw kaseng nauubos ‘yun at mahirap banatin para umabot sa susunod na bigayan ng sweldo. hindi ako naniniwala sa mga pamahiin at kasabihan, nagkibit balikat lang ako at hinayaang magtalunan sa utak ko ang mga gimik at bilihin na kinakailangan kong kunsintihin gamit ang perang natanggap ko.
may mga press release pa nga ako na inilabas tulad ng “matutuyo ang tubig sa dalampasigan pero hindi masisimot ang pera ko” tsaka “namumroblema ako kung papano ko uubusin ang pera ko” hanggang sa nagulat na lang ako nang isang beses na nagcheck ako at 3thousand na lang ang natitirang laman ng ATM ko, at wala pang bagong taon nun, ibig sabihin hindi pa nagsisimula ang countdown ng gastusan para sa susunod na sweldo.
sobrang dami kaseng singit na gastusin na hindi naman kasama sa budget, at hindi kasama d’yan ang ilang beses na pagpapainom dahil putangina ilalaban ko ng patayan ang karapatan kong maginom tuwing araw ng pahinga ko.
andyan ang dalawang beses na kinailangan kong magbayad sa citibank para lang hindi na lumabas sa susunod na bill ko na halos sinusustentuhan ko na ang mga anak ng sampu sa mga empleyado nila.
andyan din ‘yung ipinambayad ko sa labandera nung isang araw at plantsadora kinabukasan, at marami pang etcetera at etcetera.
at sabi ko nga, pag napagtripan ka ni jesas hindi pwede dun ‘yung basta bibiruin ka lang n’ya, madalas may kasama pang batok. slapstick comedy. isandaan lang ang hawak kong pera kanina ng naubusan kami ng gas sa kalan. hindi ako nakapag padeliver, bahala na si mrs. cab mamrublema dun bukas. isandaan lang ang pera ko, nung pumasok ako dito sa trabaho at umasa na lang ako sa ATM machine na bagong install sa may taas namin. at s’yempre, .. OFFLINE s’ya ngayon, lumabas ako OFFLINE din ang ATM sa labas, ayos! ang natitira ko na lang na pera.. KINSE PESOS.
ang payo ng mga kaibigan sa net, mangutang na lang daw ako sa mga tao dito.
tangena hindi nga ako nakikipag usap sa mga tao dito, mangutang pa kaya, kung kinakailangan na magpatsupa na lang ako sa mga bakla mamaya gagawin ko magkapamasahe lang kesa mangutang ako. nakakawala ng moral mangutang.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

5 thoughts on “oh hai thur, year 2009”

  1. at ayan din po ang nararanasan ko nagyon :nod: .ang kaibahan lang ung sahod ko ndi advance kundi delayed ..super delayed..amft!bente n lang pera ko… :no:

    x’s
    makikicomment lang po!tagal n po akong reader ng blog mo.. :blush:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s