wag ka na!

matagal ko ng hindi nararamdaman ‘to. sa totoo lang ang alam ko nga pambata lang ‘yung pakiramdam na ganun na bigla ka na lang kikiligin pag nagtama ang mga mata n’yo ng isang taong hindi mo naman kakilala at unang beses mo pa lang nakita. normal akong sumakay ng jeep at nauna s’ya dun, maluwag sa jeep nung oras na ‘yun. kabilaan kami, tapatan.ย  pag tingin ko sa mukha n’ya nakatingin s’ya sa akin at otomatik na kumawala ang isang ngiti sa isang sulok ng mga labi ko at nagulat pa ako ng bahagya ng gumanti din s’ya ng isang ngiti. ngiti na may halong hiya. nahiya siguro s’ya na nahuli ko s’yang nakatingin sa akin o pwede din na nagulat s’ya dahil hindi n’ya akalain na ngingitian ko s’ya.
at sapat na ang palitan ng ngiting iyon para umandar ng mabilis ang utak ko sa mga posibilidad na p’wedeng mangyari. gagamitan ko s’ya ng gasgas na pakagat na:

JON: ahhhm miss, bakit ka nakatingin.. may dumi ba ako sa mukha?
MISS: ah eh wala..
JON: coffee?
MISS: k.

at iyon ang posibleng maging simula ng isang relasyon na pwedeng mauwi sa pagkakaron ko ng pamilya sa kanya. at kung naiimposiblehan ka, ipapaliwanag ko sa ‘yo.
dahil gastos ko ang kape na iinumin namin sa mismong araw na ‘yun kontrolado ko ang takbo ng usapan, ako ang bangka at hindi naman lingid sa kaalaman n’yo kung papanong parang pabrika ng mga mababangong rosas ang utak ko sa paglalabas ng mga salitang nakakapag palambot at nakakapag patirik ng paa ng mga kababaihan. hindi naman siguro s’ya robot para hindi bumigay dun, at sa dakong huli maaaring mangisda ako matapos namin lagukin ang kapeng iyon ng:

JON: o papano hanggang sa muling pagkikita..
MISS: ahhhm bukas?
JON: k.

at masyado ng personal ang mga susunod na malamang sa hindi ay mangyayari.

nasa ganyan akong pag iisip nung napabaling ang mata ko sa sahig ng jeep medyo madumi at kinakalawang na ang ibang parte ng latang iyon. at sa hindi maipaliwanag na pagkakataon, tinangay ng hangin ang mga mata ko papunta sa sapin n’ya sa paa… at sabihin mo ng eksaherado o ano pa man pero wala sa loob na nakagat ko ang hinlalaking daliri ng kanang kamay ko, pinilit kong paglabanin ang sakit ng pagkakakagat ko sa daliri ko sa hapdi na nararamdaman ko sa puso ko nung mga oras na ‘yun. kung may pakiramdam na tinatawag na “parang binugbog ng panghihinayang”
.. iyon ang eksaktong naramdaman ko kanina.

vctm

 

stockings sa de ipit na tsinelas sa pampublikong lugar? .. wag ka na!

related entries:
1. misyon 1 n 2
2. misyon v1.1

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

14 thoughts on “wag ka na!”

  1. hahaha. bago ko pa tingnan ang picture, napredict ko na ganyan nga ang nakita mo. major turn-off pa naman sayo ang ganyan. baka naman galing sya sa maghapong trabaho. tapos, naka-high heels. tapos pauwi na sya at di na nakayanan mag-heels ulet kaya’t nag-tsinelas na lang. eh baka pantyhose pa ang suot, mahirap hubarin. tsk tsk. kuro-kuro ko lang naman. hehe.

  2. napadaan lang mighty jon. pers taym ko mag kucomment dito. madalas na mapadaan pero hindi makapag iwan ng marka.

    sos. isa na namang nilalang ang nagpalutong sa halakhak ko.. putek. yun lang masasabi ko sa pektyur.๐Ÿ˜†

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s