‘krismas

kung tutuusin medyo hindi maganda ang nalalapit na pagwawakas ng taon, tatlong buwan mahigit na kaming hindi naguusap ni mrs. cabron ng maayos at namimiss ko rin si gng. cabron na nagbabakasyon sa china kasama ng asawa n’ya. mahirap ang buhay na walang nag aasikaso, malimit akong pumasok ng opisina na walang laman ang tiyan, bawi na lang sa mineral water o tsitsirya. malimit din akong umuwi ng bahay na wala akong taong dinadatnan, sa bahay ng nanay n’ya natutulog madalas si mrs. cabron kasama ng anak n’ya.
dinaanan ko na dati ang mismong kalsadang dinadaanan ko ngayon, sabi nga ang buhay ay parang laban ng boksing. suntok lang ng suntok, wag mong indahin ‘yung mga suntok na matatanggap mo, basta ‘wag kang susuko.
at sa sitwasyon ko ngayon, dapat alam ko na ang ginagawa ko dahil parehong laro din ‘to na natapos ko na dati pa. hindi naman ako papatol sa rematch kung parehong taktika lang din ang gagamitin ko sa naunang laban.
naisip ko lang din, sa dami ba naman ng pinagdaanan ko ngayon pa ‘ko susuko? ibang tao na ‘ko ngayon, marami ng mawawala at masasayang pag bumigay ako. may presyo na ang buhay ko, may halaga na ako sa mundo.
e ano kung parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa, hindi dahilan ‘yun para umupo na lang ako sa isang sulok at hintayin na tabunan ako ng mundo.

oh at sa mga giliw kong mambabasa, ilang oras na lang at ipagdidiwang na natin ang kapaskuhan. ang araw ng pagbibigayan at kapayapaan. sa lahat ng matitibay kong mga kaibigan at mambabasa.. ibinibigay ko sa inyo ang larawan na ito…

sa hindi malamang kadahilanan.
maligayang pasko sa inyong lahat.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

4 thoughts on “‘krismas”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s