pldt

alam mo kung anong mahirap sa pinas? lahat ng dapat ikilos kinakailangan pa ng follow up. hindi pwedeng naputulan ka ng telepono at internet pwes magbayad ka at maghintay ka ng hapon o kinabukasan. presto, may telepono at internet ka na tulad ng sinabi nung pinagbayaran mo.
simpleng simple lang e, di naman kailangan na may pumunta pa sa amin na tao para pagkunektahin ang dalawang linya ng kable na naputol, tangena lalagyan lang ng check yung pangalan ng nanay ko sa program nila tapos ikiclick nila ‘yung reactivate button. tapos. .. ok pwedeng hindi ganyan pero parang ganyan ‘yun siguro.
kung nakakasakit lang ng pisikal ang mga mura, andami ng tinamaan ng ligaw na mura sa mga tiga sagot ng telepono ng PLDT at kung nakakamatay ‘yun, aalingasaw ang opisina nila sa amoy ng mga nabubulok na bangkay kinabukasan at sa mga susunod pang araw hangga’t wala akong naririnig na dial tone sa telepono namin.
alam ko na sa totoo lang malaki ang posibilidad na pagkatapos namin magusap, magkikibit balikat na lang ‘yung mga agent na ‘yun na parang walang nangyari sabay punta sa starbuck. magkakape at magyoyosi habang pinagkukuwentuhan nila ‘yung mga babaeng disi sais anyos na napick up nila sa bar nung gabi o kaya magpipicturan sila na parang mga retarded. hindi man lang sila mumultuhin ng mga pinakawalan kong masasakit na mga salita.

isang babae lang ang pinalagpas ko kanina.. ang ganda kase ng boses.

jon cabron: taragis kase, ginawa ko na ‘yung part ko nagbayad na ‘ko, ano pa? .. kayo naman.
babaeng may magandang boses: yes sir naiintindihan ko po.
(halata sa boses ang panginginig)
jon cabron: ok, sorry na. bago ka lang ba?
babaeng may magandang boses: (hinga ng malalim) yes, sir pasensya na talaga.
jon cabron: ok, lang.. ahhhmm may friendster account ka?
babaeng may magandang boses: hihihihi meron sir. bakit po?
jon cabron: hmmm pwede bang makuha? iaadd kita.
babaeng may magandang boses: sorry sir, pero hindi po kami allowed  na magbigay ng personal info po.
jon cabron: ganun ba, sinong may sabi?
babaeng may magandang boses: nasa rules and regulations po ‘yun sir.
jon cabron: ah ganun ba.. PWES AYUSIN NYO YANG SERBISYO NYO!!
babaeng may magandang boses: (nginig na boses) yes sir, ipo forward ko po agad.. will that be all, sir?
jon cabron: ahhhm di ba talaga pwede?
babaeng may magandang boses: ok, thank you sir. bye.
sabay putol ng linya.

at syempre tulad ng ibang mga nauna na. nabigo ako.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

5 thoughts on “pldt”

  1. ahahaha. ang cute.

    but i agree with you sa hinaing mo about pldt. ako matindi-tindi rin ang binitawan kong mga salita nung ako naman ay naghihintay ng internet connection dito sa bahay ng asawa ko (pano naman kse, bago pa kami ikasal, sinabi ko magpakabit na, saka na raw. kumusta naman? 3 months lang naman ang pinaghintay ko sa lekat na pldt dsl na yan!)

    ang nakakatawa mo, may mga sinabi silang kesyo, ganito kesyo ganyan. tinawagan ng asawa ko, mabait. eh naririnig ko si hubby ang sinasabi lang: ah, ganun ba. sige. okei.

    inagaw ko ang fone at nagtatalak na naman. at tulad ng ending mo, ganyan din ang ending ng ahente (this time lalaki naman): will that be all ma’am?

    wtf. yes that will be all!

  2. padaan po bos tsip=) ta-kolsenter din ako pero walang istarbaks malapit sa opis at kung meron man yung tagsi-syete lang sa vendomasin ang kaya ko hehe.. caffeine lang kasi ang kailangan mo sa kape bat kelangan pa mga ganun.. pero malamang sa hinde karamihan ng nakakasalamuha ko sa opis pag nagkaroon ng tarbaks sa tabi ng site sigurado hindi na ko pipila at maghihintay para sa vendo.. pero anamputik naman kun kapwa pilipino mga kustmer namin eh di masaya..

  3. Bago lang ako napadaan dito dude, pero nag-enjoy ako!!Hehehe!! Medyo mataray ka pala bro. hehehe!!

    Naging OJT ako ng PLDT, at doon ako nalagay din sa Customer Service. Halos puro mura ang nakuha ko dun. Iba ang pakiramdam na medyo minumura ka sa telepono nakakadegrade pala ng pagkatao. Pero buti na lang bro hindi ka nagmura hehehhe!! Cute pa rin ang dating.

    Merry Christmas bro, enjoy tumambay dito

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s