k

ilang beses na rin akong nakapagsulat ng ganito ang tema at alam kong malaki ang posibilidad na ang ilan sa inyo ay nabibingi na sa mga sasabihin ko sa entry na ‘to. pero wala akong magagawa, mahirap tumagal ng isang araw sa interweb ng hindi ka makakasalamuha ng mga taong tulad nila. simple lang naman ang matagal ko ng sinasabi, kung ayaw n’yo sa akin kayo na ang umiwas, burahin n’yo ko sa listahan n’yo.. antitigas ng ulo n’yo, at wala akong naiisip na ibang paraan para mapalambot kayo kundi ang ilaga kayo dito sa blog ko.
sa totoo lang nababaitan ako sa’yo, ramdam ko rin ang sinsero mong pakikipag kaibigan sa akin pero ako ang taong hindi marunong magbigay ng papuri sa katangahan, hindi ko alam kung papano gawin ‘yun. kung nasita man kita dati, wala na sa ‘kin ‘yun kaya nga lumapit ako sa ‘yo na parang wala lang pagkalipas nun dahil normal lang ‘yun at akala ko kilala mo ‘ko. hindi ko inaasahan na nagtanim ka pala ng galit sa akin. alam mo, ang isa sa pinakamalungkot na tao sa mundo ay ‘yung taong sobrang siniseryoso ang mundo ng internet. maniwala ka dun dahil sinabi ko.
sa tono ng pananalita mo, nagdududa ka sa aksyon na ginawa mo at gusto mo kong maliin na katangahan ‘yun, pwes, bibigyan kita ng ilang halimbawa.

1. pag may nasusunog na bahay at pumasok ka sa mismong bahay na ‘yun at nanood ka ng tv dun. katangahan.
2. pag may naghuhurementado sa labas ng bahay n’yo at may dalawang itak. lumabas ka at sumayaw ng otcho otcho sa harap n’ya. katangahan.
3. pag umuulan ng apoy, lumabas ka para bumili ng yosi sa tindahan dala dala ang payong mo. katangahan.
4. pag may nakawalang toro at lumabas ka ng bahay n’yo para makipagkuwentuhan sa toro. katangahan.
5. may nagbabarilan na mga pulis at mga holdaper, pumunta ka sa gitna para mamulot ng mga basyong bala. katangahan.

at walang pinagkaiba ang limang ‘yan sa isang seryosong thread kung saan seryosong galit ang gumawa, at pumasok ka dun para lang mag HI sa kanya. nakuha mo ‘yung punto ko? hindi? katangahan.
sa huli, hindi maiiwasan na magkakita pa rin tayo sa net at malamang hindi mo na ako pansinin, masakit akong magsalita at siguro mali ‘yun. hindi lahat ng tao ay dapat kong asahan na magkaron ng tibay ng loob katulad ng iba. siguro iyon na lang ang ipagpapaumanhin ko. sorry kung hindi pala ikaw ang taong inasahan ko na may bukas na isipan para mapaghiwalay ang seryoso sa hindi, at sorry kung hindi ako ang inaasahan mong kaibigan para sa ‘yo.
d’yan ka na lang sa mga kaibigan na sinasabi mong nagpapayo sa’yo ng laban sa akin, naiimagine ko na kung gaano sila katatapang sa pagpayo sa ‘yo at kung gaano sila parang mga malalambing na kuting pag kaharap ako.
mga walang kredibilidad. katangahan.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

21 thoughts on “k”

  1. Kung gutom ka at tinawag ka ni Wonder Woman para dumede sa kanyang malulusog na boobs at tumanggi ka pa, hindi lang katangahan, kagagohan na iyan. Palay na ang lumalapit sa cock, ayaw pa niyang tumuka, litse, este let us see kung ano ang sasabihin sa kanya, hehehe.😎

  2. kasi naman.. tsk tsk… kung sabagay, marami rin naman ang naooffend sa internet.. madalas kasi dito tayo humahanap ng kaibigan at kung taliwas ang nkikita natin dito, malamang hindi ka magustuhan ng mga tao rito.. yun bang nag eexpect ka na ganito siya pero nabara ka lang ng kaunti eh sira na araw mo.. naku, marami niyan dito.. maraming mga pilosopo at maraming mga mahilig lang talagang mang asar.. e sa magaling mangasar yung tao e,, e sa madaling maasar ka.. tsk tsk.. (ano ba tong comment ko, anggulloooo!! hahaha)

    http://fjordz-hiraya.blogspot.com

  3. at kapag tinanggihan mo ang advances ng isang bababeng hindi naman pangit at handang ialay ang sarili nya sayo ng walang hinihinging kapalit? alam mo kung ano yun jon? you guessed right, katangahan!

    ewan ko sayo..

  4. pasko pa to so malamang, nagbagsak presyo ang katangahan at kilala kokung sinong bumili nun…
    di ako magfefeeling close at sasabihing namimiss kita kase andito lang ako lagi nagbabasa…
    hahahaha, wish ko lang jon naintindihan nya to, pero sa tingin ko, hindi eh! kase tanga nga!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s