wating

ako ang taong nararamdaman ko pag may nakatitig sa akin, kahit tulog ako bigla na lang akong nagigising pag may mga matang nagmamasid sa akin. sa bus kanina hindi ako mapakali pamilyar ang pakiramdam na sumasaklob sa ‘kin. panay ang lingon ko sa kaliwa at sa kanan dahil alam ko at sigurado ako na may mga matang kanina pa tumitingin sa akin. hanggang sa maikling pakikipag usap sa kunduktor para sa bayad ko, at ng sundan ko s’ya ng tingin mula sa likod ko nadaanan ng mata ko ang isang pamilyar na mga mata na nagmumula sa isang pamilyar na mukha na pag aari ng isang pamilyar na babaeng kanina pa matalim na nakatitig sa akin.   itago na lang natin s’ya sa pangalang wating (hu – wa – ting), hango sa pelikula dati kung saan wating ang tawag sa mga taong mauutak, matitigas, at palaban. summer graduate ako nung 4th year high school matapos kong ibagsak ang math at english. umakyat pa rin naman ako sa stage nung graduation na pero xerox copy lang ‘yung diploma na natanggap ko. masabi lang. nakilala ko s’ya sa eskuwelahan na pinag summeran ko. iyon ang isa sa pinakamagulong eskuwelahan sa muntinlupa. nagsa summer din s’ya dun para naman makumpleto n’ya ang first year high school n’ya. nagsimula lang ‘yun sa minsang binulungan n’ya ko ng sagot nung naki upo s’ya sa klase namin, at ang simulang ‘yun ay nasundan ng ilang panlilibre ko sa kanya ng soft drinks sa canteen dun, at hindi ko na alam kung papano kami nagtapos sa nakasama namin s’yang maginuman sa isang bahay ng kaklase ko sa summer, ilang araw bago namin makumpleto ang klaseng ‘yun.
mahirap pa ako nun kaya gin softdrinks lang ang tinatagay namin, at sa tuwing dumadaan sa kanya ang tagay tinatanong ko s’ya kung ok lang ba s’ya at kung kaya n’ya pa at buong yabang naman n’yang sinasagot ng “oo naman, hindi tumutumba sa inuman ang wating!” o kaya “hindi mo kilala ang wating, malalasing ang lahat pero hindi ang wating”
ilang beses din kaming nagbatuhan ng ganyang tanungan. tatanungin at kakamustahin ko s’ya at sasagutin n’ya ko na wating s’ya at hindi s’ya nalalasing.
hanggang sa naramdaman na lang ng wating na gumagala na sa katawan n’ya ang kamay ng isa n’yang kainuman. at ang wating wala ng lakas para manlaban, nagpaubaya na lang at nawalan na ng malay.  at ilang araw lang ang lumipas ang wating kasama na ng mga magulang n’ya at umiiyak na nagsusumbong sa munisipyo.
at dun ko unang naranasan ang rehas na bakal.

matalim ang tingin n’ya sa akin kanina at may pakiramdam ako na sinadya n’ya talagang bungguin ang paa ko nung dumaan s’ya sa may harapan ko para bumaba. hindi pa rin s’ya nagbabago… wating pa rin umasta.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

28 thoughts on “wating”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s