para sa mga chinese bisnesmens

lauriat

dear chinese bisnesmens,
sana’y nasa mabuti kayong kalagayan habang binabasa n’yo ang liham kong ito, ako po si jon cabron, tiga muntinlupa at nagtatrabaho sa isang hotel na mas mahal pa sa sogo hotel. hindi na po ako magpapaligoy ligoy pa. ang sulat kong ito ay may kinalaman sa kung ano mang kalokohan ang pumasok sa isip n’yo kung bakit n’yo tinanggal sa hanay ng mga lauriat n’yo ang sweet and sour. kung medyo hindi n’yo napapansin iyon ang pinaka best seller sa lahat ng mga paninda n’yo. ok, wala akong basehan sa sinabi ko na ‘yan pero naniniwala ako d’yan.
gusto kong ipaalam sa inyo na halos gumuho ang mundo ko nung sabihin ng bakla n’yong tiga sagot sa hotline na tinanggal n’yo na raw ito at pinalitan ng breaded pork at isda. seryoso, sinong nasa matinong pagiisip ang kakain ng isda kapartner ng pancit canton nila? THE FUCK sir, the fuck!!!
at lalo akong nadismaya nung nakuha ko ang inorder ko, wala na ang masarap na butchi at siomai. napalitan na ng isang siopao na ube na kasing liit ng dede ng tinedyer na koreana at isang piraso ng parang fortune cookie na matigas at may parang laman sa loob. at ‘yung breaded pork n’yo maniwala kayo sa ‘kin kaya kong isubo ng isang subuan lahat at habang nasa loob ng bibig ko ‘yun pwede pa ‘kong sumipol sa kakontian.
at putarages hindi pa sinamahan ng rider n’yo ng kutsara’t tinidor ‘yung order ko, kumuha pa tuloy ako sa cafeteria namin. seryoso, mr. bisnesmen eto na ang kahuli hulihang maririnig n’yo ang pangalan ko sa hotline n’yo. matagal na akong suki ng produkto n’yong ‘yan at masakit sa akin na kahit man lang isang text hindi man lang ako nasabihan na tatanggalin n’yo na pala ang kumbinasyon ng butchi, siomai, at sweet n sour. MAG ISIP NA KAYO NG BAGONG NEGOSYO!!

kung hindi kayo naniniwala na punum puno ako ng kredibilidad para magsalita at kausapin kayo tungkol dito, tignan n’yo sa database n’yo ang pangalan ko at ang bilang kung ilang ulit ako nagpadeliver ng sweet n sour lauriat na ‘yan. .. at oo nga pala, ‘kung sakaling makita n’yo ang address ko dun at kung sa’n ako matatagpuan, ‘wag n’yo kong sasaktan.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

18 thoughts on “para sa mga chinese bisnesmens”

  1. Tinanggal na pla jan? buti dito sa dubai, hindi pa naman, kasi naka order pa ako last week ng sweet and sour lauriat eh.. tapos may butchi pa din.. i mean yun pa rin walang nagbago maliban sa presyo na dinagdagan ng 5 dirhams or 65 pesos, dati ang presyo lang ng sweet and sour lauriat dito at 22 dirhams or 286 pesos pero ngaun ginawa na syang 27 dirhams or 351 pesos.. Yun lang ang nagbago ang presyo…
    OO nga pala ang sweet and sour na tinutukoy ko dito ay fish…bawal kasi ang abboy dito..

  2. at oo nga pala, ‘kung sakaling makita n’yo ang address ko dun at kung sa’n ako matatagpuan, ‘wag n’yo kong sasaktan. —> panalo!haha

    pareho tayo ng paborito,wala akong ibang inoorder jan kundi ang sweet and sour lauriat , century egg, extra soup and soft drinks.wala nang iba.nakaprogram na sakin yan na pag pumasok ako at nasa harap na ako ng counter ay kusa nang bumubuka ang aking mga bibig at yan ang maririnig ng counter sakin.tapos ganun lang pala ang gagawin nila?paksyet talaga.KFC na nga lang ako!hmmmppp…

  3. at oo nga pala, ‘kung sakaling makita n’yo ang address ko dun at kung sa’n ako matatagpuan, ‘wag n’yo kong sasaktan

    ahaha! yun yun eh!

    pero, wah. gusto ko pa naman yung lauriat na yun. asar! di ba sila gumawa ng sarbey bago sila nagdesisyon? malulugi sila niyan. tsk.
    yaan na, baka ibaling din yan pag maraming naghahanap nun at nagrereklamo. :nod:

  4. Malay mo bukas ibalik nila yang favorite mo. Papayag ka ba, pero kailangan masaktan ka muna nila? (ano bang address mo?)heheh :blush: Malay mo bukas ibalik nila yang favorite mo. Papayag ka ba, pero kailangan masaktan ka muna nila? (ano bang address mo?)heheh

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s