dengue

namisinterpret yata nung boss nating lahat ‘yung huling entry ko, akala n’ya yata naghahamon ako. nasa trabaho ako nung tumawag sa celfone si mrs. cabron, kasama n’ya daw magpacheckup ang anak namin, may sintomas daw ng dengue. lilipat pa sila ng ospital para sa lab test. totoo pala ‘yung mga kakornihan na nababasa natin sa komiks, nangyayari pala talaga ‘yung parang tumitigil bigla ang mundo sa paligid mo. halos mabingi ako sa sobrang katahimikan, antagal ko na palang nakatulala.
alas siyete pa lang nun, may tatlong oras pa ‘ko para makauwi at isang oras para sa byahe, hindi ko na alam kung papano ko napadali ang isa sa pinakamatagal n a apat na oras na ‘yun sa buhay ko.
andun na sa bahay ‘yung resulta pagdating ko, ang masama bukas pa daw mababasa ng duktor ‘yun. dun pa lang malalaman kung dengue nga ‘yung sakit ni polin. napakabigat sa dibdib nung ganun na kailangan mo pa ulit maghintay at nakakalito sa utak kung ano ang tamang reaksyon na ipakita ko sa sitwasyon. kailangan ko na bang mag panic o uupo na lang muna sa isang tabi at makikiramdam.
nalito din ako kung tama bang mag leave ako sa trabaho para pumagitna sa gera, minsan naiisip ko na sana diniretso ko na lang ang pasok, at least malilibang ako, at least hindi ako makakapag isip masyado. pero mag isa lang si mrs. cabron dito, nasa bakasyon ang nanay ko kasama ng tatay ko.
kinabukasan namin na kumpirma na dengue nga ang sakit ni polin, pagkatanggap ko ng tawag, confine na agad ang naisip ko tsaka dextrose.. at tsaka salin ng dugo. kawawa naman si polin. pag dating nila galing sa ospital ang sabi daw nung duktor hindi pa kailangan na iconfine, imonitor na lang daw ‘yung bata kung dudugo ‘yung ilong o susuka ng dugo. napakagaling na duktor. naisip ko, napakawalang kwentang magulang siguro nung duktor na ‘yun. kumbaga sa basketbol no blood, no foul. hindi ko alam kung tama ba ‘yung desisyon n’ya o nakukulangan s’ya ng pagkataranta kay mrs. cabron nung nakaharap n’ya kaya gusto n’yang gulatin.
nung pangalawang lab test ni polin namin natanggap ang magandang balita, naagapan ng gamot. ok na raw sabi ng duktor, kailangan na lang ituloy ‘yung iniinom n’ya. pero babalik pa s’ya sa sabado para matignan ulit.

at sa bossing nating lahat, ang tinutukoy ko po sa entry ko nung nakaraan e ako.
nililinaw ko lang.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

13 thoughts on “dengue”

  1. naco. i’m glad to hear na okei na prinsesa mo. isa kse sa nakakatakot talaga yang dengue. wala man lang warning minsan. basta-basta ka na lang kinukuha eh di ka pa naman ready.

    dito sa lugar namin mga ilang bata rin ang tinamaan ng lagnat. sabi ng doctor, bigyan ng paracetamol, observe for a few days. one day pa lang, natigok na yung bata. ang balita ko gusto raw ata ihabla ng pamilya ng bata yung duktor. yung duktor naman kse di man lang pina-lab test yung dugo ng bata. e final stages na pala ng dengue.

    katakot talaga yan.

  2. Haay ang hirap pa naman ng dengue na yan lalo nat sa mga bata. Kawawa talaga at peligroso ang kalagayan nila.

    Ganun naman po talaga paumanhin lang po pero dahil meron din pong tinatawag na Dengue Fever iba rin po ang DHF (dengue hemorrhagic fever) kung san kelangan ng drastic na paraan ng pangagamot. Ang DF ay mas madali imanage at hindi talaga kelangan ng confinement. Kelangan po talaga may simptomas ng pagdurugo para masabi DHF ito- tulad ng rashes, pagdugo ng ilong, gums, pagsuka ng dugo etc. Kasali na rin ang blood results nya. Saka pa lang po pwedeng iconfine o masalinan ng dugo.

    Sa tingin ko medyo pangit (masakit sa tenga) ang ginamit na term ng doktor. Sana’y naexplain nya ng maayos para nga naman hindi mangamba ang mga magulang.

    goodluck sa paggaling ni baby.

  3. nabasa ko na effective na pangkontra daw ang kamote tops sa dengue. mainam daw ito na pakuluan at ipainom sa taong may dengue. di masama kung susubukan, malay mo makatulong. sana tuloy tuloy ang pagbuti ng lagay ni polin.😦

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s