aja!

disyembre na at buhay pa rin ako, ambilis ng panahon at nage enjoy pa ‘kong mabuhay, nagbitiw pa naman ako ng salita dati na ayokong tumanda at kuntento na ‘ko sa idad na hindi lalagpas sa 35, at kung sakaling buhay pa ‘ko sa mga panahon na ‘yun, ako na mismo ang tatapos ng lahat. sa sitwasyon ngayon na bente otso na ‘ko at nageenjoy pa ‘kong mabuhay.. mukhang lalabas na sinungaling ako sa binitiwan kong salita, bahala na. ambaduy na kase magpakamatay sa mga panahon na ‘to, potangena kaseng mga kabataan ‘to na mahihilig sa itim at may mga bangs na tumatakip sa isang mga mata nila at mga mababaho ang itsura, ginawa nilang napakakorni ng pagpapakamatay.
minsan naiisip ko na may sariling paraan ang sistema ko na ibinabato ng subconscious mind ko sa kanya para mapagdaanan lahat ng problema at hindi indahin ang ‘santambak na drama at issues na parang mga landslides na humaharang sa byahe ng buhay ko. siguro sanayan nga lang din, mula pa pagkabata naka program na sa isip ko na bago pa lang ako mag inat at maghikab para hudyat sa pagharap ko sa bagong umaga, gawa na at nakalista na sa isang papel ang mga bagong problemang ibabato sa akin at haharapin ko sa araw na ‘yun. at bago pa matapos ang pag ihi ko para patayin ang morning wood ko, pirmado na ‘yun sa kataas taasang konseho, nakanotaryo na, at laminated pa.
sabi nga nila hindi ka naman bibigyan ng problema na hindi mo kakayanin, pagsubok lang daw kase ‘yan. at bilang isang dalubhasa sa mga problemang nakakamatay at humihigop ng kristyanong paniniwala, iba ang tingin ko d’yan.. tipong sa dami ng pinagdaanan n’ya na alam naman natin na sobrang stressful di ba? minsan sa buhay n’ya kailangan n’ya rin maglibang, kaya minsan ibinabato ka n’ya sa gitna ng isang pagkalalim lalim na dagat at pag handa ka ng sumuko sa pagkawag, s’ya rin naman ang magbabato ng pagkakapitan mo. trip lang.
ako, sa sitwasyon ko na ‘to kung lahat ng mga haharang sa akin e katulad din ng mga lumang nasagasaan ko na, hindi na siguro ako papaabala sa byahe ko. titigil ng konti, makikiramdam siguro pero hindi na tulad ng dati na halos takbuhin ko na ang maling daan at iwan na lang ang sasakyan. kung may mga bago naman na mabibigat na sasabay sa byahe ko, mas magiging maingat na ‘ko ngayon, mas matalinong itatabi ko ang sasakyan ko at hindi susugal na makipag sabayan sa kanya.
magulo ang mundo ko ngayon, araw araw akong gumigising na pakiramdam ko wala ako sa tamang direksyon, lagi akong nawawala pero hindi ko nakikitang dahilan ang lahat ng ‘yun para umupo na lang sa dilim, magsuot ng itim, takpan ng buhok ang kaliwa kong mata, at magpakabaho na lang sa isang sulok.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

9 thoughts on “aja!”

  1. wow naman! parang seryoso ka yata ngayon jon.. at magkasing taon pala tayo..

    actually mahilig din ako mag suot ng itim jon at may bangs din ako pero di ako nagpapakabaho hihi😆

    tulad ng sinabi agree ako dyan..

    titigil ng konti makikiramdam siguro pero hindi na tulad ng dati na halos takbuhin ko na ang maling daan at iwan na lang ang sasakyan. kung may mga bago naman na mabibigat na sasabay sa byahe ko, mas magiging maingat na ‘ko ngayon, mas matalinong itatabi ko ang sasakyan ko at hindi susugal na makipag sabayan sa kanya.

    napadaan lang ulet

  2. nagbasa ka ng blog ko? magkadugtong ata post natin e. hehehe
    makinig ka kasi ng boracay baby once in a while. maiisip mo na maswerte ka padin at hindi ka nag end up kagaya ni carlos agassi. puro muscle, wala namang utak. joke lang. napakamapanghusga ko nanaman.

    sali ka sa suicide club. masaya silang nagpapakamatay dun.

    walangya ka di ka na bumibisita sa blog ko. i heitchoo. /offtopic

  3. bigla kong naisip..

    kung sakaling magkakasabay tayo sa daan, at naisipan mong huminto muna sa tabi..

    hihinto din ako. at sasamahan kang panoorin ang mga mabilis na sasakyan na dumadaan..

    yosi tayo pre. at tig-isang beer in can. walang salita salita. senyasan lang.

    tapos punta tayo timog. magpalibre tayo sa isang tao dun.😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s