ms. jamparound

alam mo ‘yung pakiramdam na bigla ka na lang natigilan sa paghinga tapos kumabog ang dibdib mo ng sunod sunod habang nakabara ‘yung paglunok mo ng laway sa lalamunan mo? at hindi ito isang usapin na tungkol sa siyensya, ito ‘yung tinatawag na pag ibig, eto ‘yung kung isalarawan nila ay pinana ka ni kupido at ito ‘yung inihahanlintulad ko sa pagtatae na walang pinipiling oras at lugar, aatake at aatake sa mga panahon, pagkakataon, at lugar na hindi mo inaasahan.
dito sa pinapasukan kong opisina, pagbaba mo ng bus obligado kang sumakay pa ng jeep para ihatid ka sa mas malapit at mula sa bababaan mo galing dun, may option ka ng pumili kung magpe pedicab ka ba o lalakarin mo na lang. malapit lang ‘yun hindi ka tatagal ng 5 minutes maglakad at ang singil ng pedicab sa maikling byahe na ‘yun, bente pesos.
pinag aagaw agawan ako ng mga pedicab drayber sa lugar na ‘yun, antawag nila sa akin “biyaya” kwarenta kase ang ibinabayad ko sa kanila, doble. ewan ko basta isang araw lang naisipan kong doble ang ibayad sa sinakyan ko tapos hindi ko na binago mula nun, ok lang naman malaking ginhawa naman sa kin na malayo pa lang ako sinusundo na nila ako bago pa ako umabot sa pila nila. tsaka malaking tulong sa akin ‘yung mga ‘yun dahil kung maglalakad ako baka bago ako umabot ng opisina, dehydrated na ‘ko sa dami ng pawis naaagos sa buong katawan ko. tsaka amoy corduroy na hindi natuyo sa araw ang labas ko nun.
nagulat pa ako nung walang pamilyar na mukha ng drayber na sumalubong sa akin kaninang umaga, ang sumundo sa akin ay isang babaeng nasa idad kinse hanggang disisyete at sakay ng pedicab, itsurang tipikal na babaeng hiphop gangster.

1. maitim at dry ang kutis. (‘yung may pumuputi pag kinamot mo)
2. may kulay ang buhok.
3. may tatlong baller id sa kamay.
4. may mga tungkab na kutiks sa paa.
5. naka short na maluwag at lagpas tuhod.
6. tshirt na maluwag.
7. sira ang unahan ng ngipin.

tinanong ko pa s’ya kung kaya n’ya bang pumadyak hanggang sa opisina, at hindi n’ya ko binigo sa inaasahan kong pabarubal na sagot n’ya “oo naman kuya, sisiw ‘yan” nagyoyosi ako sa loob at pinipilit kong utuin ang sarili ko na hindi ako inaantok at masiglang masigla akong dadating sa opisina para bugbugin at paluhurin lahat ng trabahong makakasagupa ko. nawala na sa isip ko si babaeng jumparound na drayber ng pedicab na sinasakyan ko.
habang nasa byahe kami, may biglang lalaking kabataan din na tumakbo at umangkas sa likod ng sinasakyan ko, at oo dalawa nak aming lalaking ipinagpapapadyak ng isang maliit na babae sa pedicab n’ya. napaka ungentleman.

tambay na nakahubad at nakamaong na short: hay naku maribeth kung alam ko lang na pagpepedicabin ka lang ni robert sana hindi na lang kita ibinigay sa kanya
babaeng jamparound:
gago, wala akong pakialam sa nararamdaman mo!

napaka astig na pananalita galing sa isang batang babae, naging instant tagahanga n’ya ako. at habang nagpapadyak s’ya ng pedicab n’ya kung saan ako nakasakay, nasilip ko s’ya sa pagitan ng kilikili n’ya at ng dede n’ya at wala sa loob na napagmamasdan ko ang mukha n’ya.. hindi naman pala s’ya mahirap mahalin..

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

21 thoughts on “ms. jamparound”

  1. huh ang edad eh tipong tipo ni jon … pag nagkataon at nagkaroon kayo ng relasyon, may instant drayber ka na. patawad kung masyadong advance ang iniisip ko, di ko lang mapigilan ang sarili ko..(LOL)😆

    1. ‘yang mga grupong ‘yan ang masarap magmahal.. walang tanggi at lahat kaya nilang tanggapin, ganyan din yung ex kong nagtitinda ng sampaguita. kundi lang nasira ang pag aaral nun kami pa rin sana ngayon, babalikan ko ‘yun pagtuntong n’ya ng high school

  2. isang bagay lang ang naisip ko kung baket limang minutong lakaran eh mas pinipili mo pang mag-pedicab at magbayad ng doble…

    doble rin ang size ng katawan mo

    pero mahal kita kaya kalimutan mo na lang ang sinabi kong yan

    1. mahirap sumang ayon o kontrahin yang obserbasyon mo, ginoong azrael.. hayaan mo ‘kong magkuwento,

      nung nagkita kami ni lenggai sa qc, umuulan at baha sa kalsada nung pauwi na kami, at bilang isang likas na maginoo binuhat ko s’ya ng mga ilang kilometro, gamit ang isang kamay ko lang.

      at nung nangalay ako, naglimbo rock ako habang nakatuntong s’ya sa abs ko.

  3. “masarap lang maginom kase kinabukasan may hangover ka… masarap asahan ang sakit ng ulo para pagtakpan ang sakit na nararamdaman mo sa loob mo” — Jon Cabron

    ANG DRAMA NITO!!! Syet! Ayoko na nga dumaan dito…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s