hoy

kung ikaw ay nasa opisina.
walang entry sa araw na ito, asikasuhin mo muna ‘yang trabaho mo at sulitin mo ang ibinabayad sa ‘yo ng mga nagtitiwala sa kakayahan mo . mahalin mo ang trabaho mo at isipin mo na lang ang mga aplikanteng may mga dalang folder na brown na hinahawakan nila ng mahigpit at iniiwas sa mga pasaherong nakakasabay nila sa pakikipag unahan sa bus para lang ‘wag magusot ang resume na laman nun. hindi alintana ang init ng araw o patak ng ulan para lang makapag apply sa mga kumpanyang katulad ng pinapasukan mo, at sa kasamaang palad hindi sila nabibigyan ng pagkakataon dahil sa mga katulad mong nauna ng nakapwesto d’yan.

at kung ikaw naman ay nasa bahay lang at walang hanapbuhay,
pwes, patayin mo ‘yang computer mo at maghanap ka ng trabaho.. batugan!
subukan mong dumungaw sa bintana n’yo at dun mo madidiskubre na may iba pang mundo maliban sa internet.
makipag kaibigan ka sa tunay na mundo, sumubok manligaw, umasa at mabigo, mamrublema at bumangon ulit,
tsumamba sa panliligaw, makipag anuhan.. magkaanak, bumuo ng pamilya.
magkaidad, tumanda, at mamatay.

.. kailangan ko pa bang sabihin na wala akong maisip na mai entry sa mga oras na ‘to?
kaibigan ko pa rin naman kayo ‘di ba? pupunta pa rin naman kayo dito ‘di ba?  😦

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

12 thoughts on “hoy”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s