si binibining ojt ulit

update lang kay binibining. ojt
nakasalubong ko s’ya kahapon nung iihi ako, tinanguan ko lang s’ya nung nag good morning s’ya sa akin with matching kaway at ngiting nakakabighani, pag balik ko s’ya pa rin ang makakasalubong ko malayo pa lang nakangiti na s’ya kaya wala akong choice kundi ngumiti na rin habang malayo pa ako..
pagtapat ko sa kanya, binitawan n’ya ang salitang hindi mo magugustuhang marinig sa mga panahon na ‘to na halos lahat ay may celfone na at halos lahat ng bahay ay may computer at dsl connection na. patawang sumikat nung katanyagan ng palabas na john n marsha at lahat ng bahay ay may termos pa sa kusina, negro pa si michael jackson, at hindi pa nadidiskubre ni german moreno na bading s’ya.

aba sir, bagong gupit kayo ah’ .. buhay pa ba ‘yung gumupit n’yan?

halos ganyan ang reaksyon ko nung lumingon ako sa kanya at pumasok sa tenga ko ‘yung sinabi n’ya. at hindi ko na maalala kung saan ako humugot ng kaimposiblehan para mapilit ko ang mga labi ko para magpakawala ng isang pekeng ngiti.
seryoso, kung sa mga panahon ngayon at binibitawan mo pa ‘yang patawang ‘yan, nangangahulugan lang na nabubuhay ka sa lumang kahapon at hindi ako magtataka kung nagsusuot ka pa ng lola panty at hindi ako magtataka kung nababastusan ka sa pakikipag halikan na may kasamang hawakan.. at sa madaling salita, tinatamad na sa’yo ang boyprend mo at matagal na ang tatlong buwan para iwan ka n’ya.
.. at pag nangyari ‘yun, ‘wag kang lalapit sa akin ng umiiyak.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

14 thoughts on “si binibining ojt ulit”

  1. ang malupit sa entry na to e may nakahandang litrato para maipakita ang naging (halos) reaksyon. :nod:

    kala ko nagpakalbo ka hehe, pero matatawag ba na nagpagupit ang nagpakalbo?

    sana next entry may picture na ni binibining ojt na may blue contact lens.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s