ojt

wala akong pakialam dati sa mga babaeng nago ojt dito sa hotel, minsan may nadadaanan o nakakasalubong akong magaganda at seksi pero hanggang tingin lang ako, nagbago ang lahat nung sa kinauupuan ko may inilagay na demo ng surveillance camera na pwede naming controlin ang galaw.. god mode.
dun ko s’ya unang nakita, wala s’yang gandang kumakagat o ‘yung ganda na unang tingin mo pa lang maiinlab ka na, pero nung tinutukan ko s’ya ng camera at izinoom ko habang nakatuwad s’ya at pumipirma ng attendance n’ya.. dun na nagsimulang mahulog ang loob ko sa kanya. pag naghahatid s’ya ng mga memo dito sa department namin, lagi ko s’yang pinapaalalahanan na ‘wag hapitin ang trabaho dahil hindi nauubos ‘yan. relaks lang.
nung minsan na tumawag s’ya sa ‘kin para magpatulong sa computer n’ya, sinamahan n’ya ng tapik sa balikat ang pasasalamat n’ya at hindi naman sa manyak o ano pero iba ang dating ng pagkakatawag n’ya sa akin ng sir.. at dun lang ako na el habang tinatawag ako ng sir… ng hindi babaeng binayaran ko para magmasahe sa kin ang kaharap ko.
at akala ko iyon na, ganito kase ang batas, hindi mo tatapikin ang isang lalaking bagong kakilala mo pa lang sa balikat kung hindi mo s’ya niyayaya sa isang magulo at bawal na relasyon, iyon ang pinaniniwalaan ko kaya sinubukan kong dumiskarte sa kanya, nung minsan na nag abot s’ya ng memo dito at ako lang ang tao.. tinanong ko s’ya kung bakit hindi ko makita ‘yung friendster account n’ya, sinagot n’ya ko ng patanong na ano daw bang pangalan ang hinanap ko.. nataranta ako pero nakita ko ang pangalan n’ya sa name tag n’ya at sinabi ko sa kanya ng buo..
.. at ang sagot n’ya “ah e hindi mo nga makikita sir, dahil apelido ng boyprend ko ang ginamit ko dun” pagkatapos nun, ngumiti s’ya at tumalikod.

kung hindi ba naman bastos ‘yang babae na ‘yan, trainee pa lang mayabang ng mag aasta. seryoso, gusto ko s’yang habulin nung mga oras na ‘yun tapos sisigawan ko..
well, at least hindi ako nagko contact lens na kulay blue para magpapansin! “

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

30 thoughts on “ojt”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s