darayber

nakakabuwisit ‘yung ang aga aga mo ng nagising, naunahan mo pa nga ‘yung tunog ng alarm clock mo, sakto sakto ang lahat pero male late ka ng dahil lang sa drayber ng jeep na parang naglalaro lang ng pac man kung mamick up ng pasahero. naranasan mo na ba ‘yung nakasakay ka sa jeep tapos kada kanto tumitigil ‘yung sasakyan tapos parang nag aabang s’ya ng kumakaluskos sa dilim sa pagbabakasaling pasahero ‘yun? tapos pag may naglalakad kahit nasa kadulu duluhan pa ‘yan hihintayin n’ya pa ‘yun.. taena’ kulang na lang katukin n’ya sa mga bahay ‘yung mga naliligong papasok ng madaling araw para sa mga pabrika tapos alukin n’yang sumakay sa sasakyan n’ya. taena! kung hindi lang mga anlalaki ng katawan at sanay sa bugbugan ‘tong mga drayber na ‘to ansarap sanang pagsasampalin sa mga batok nila habang nagmamaneho sila tapos pag lingon nila ipupulupot mo ‘yung mga good morning towel nila sa leeg nila tapos kukutusan mo sa sintido sabay sabi ng “tangena ka kanina ka pang ‘ndot ka!” … pero ‘yun nga madalas e anlalaki ng katawan n’yang mga ‘yan at mga sanay talaga sa bugbugan at paluan ng yabe tubo kaya ‘wag ka na!
at seryoso, kung meron mang may pinakamabahong sense of humor na nilalang sa mundo, sila na ‘yun.
pwera na lang kung natatawa ka sa mga banat nilang pamacho epek tulad ng:

1. maluwag pa maluwag pa, galing japan!
2. maluwag pa kakaraspa lang
3. diretso upo para makabuo

o ‘yung pag sinabayan ng mga pasaherong pasakay ‘yung mga pababa naman, “wag n’yo silang salubungin.. hindi n’yo sila kamag anak!” mapapangiti ka siguro sa mga unang beses mong maririnig ‘yan pero kung sa kinse minutong nakaupo ka sa jeep na ‘yun e halos pitong beses n’yang ibabanat ‘yang pamatay n’yang linya na ‘yan.. sus! nakakaumay.

dalawang drayber habang nagkakape
drayber1: repaks, grabe ‘yung sumakay kanina anlaki ng dyoga
drayber2: ay sana repaks kinuha mo ‘yung number o kaya kinodakan mo sa selpown mo
drayber1: nahiya ako repaks e, kasama kase ‘yung siyota
drayber2: ah ganun ba, oo nga pala may bago tayong patawa sa asosasyon natin. “lalaking drayber kung magmahal ay poreber”
drayber1: wow! repaks, ambigat! sige ipapalagay ko sa tapalodo ko ‘yan
drayber2: sige ako din’
drayber1:oh tera ubos na ‘yung kape ko, mag shabu na tayo!
drayber2: kk

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

13 thoughts on “darayber”

  1. naco. ito naman ang i could totally relate. malimit akong biktima ng mga drayber na ganito. ang tawag namin ni hubby eh “buwaya drivers”. lahat ng kanto titigilan. wala naman taong sasakay. lahat ng taong madaanan titigilan din eh hindi rin naman sasakay.
    minsan humirit ang kasama ko: manong pare-pareho ho tayong naghahanapbuhay. gusto po naming abutan ang mga asawa namin bago sila pumasok sa trabaho. daig nyo pa pumarada sa terminal ah.
    ang ginawa ni manong driver, harurot ng pagmamaneho. akala mo driver from hell. akala siguro matatakot kami. e mas natuwa nga kami kse makakarating kami ng maaga sa bahay. inabutan pa namin mga mister namin. hahaha.

  2. pagnapabiglang preno yang drayber na yan basag kinabukasan nyan!
    isinusumpa ko rin ang mga drayber na yan nalahat ng kanto tinitigilan at lahat ng makitang tao eh feeling nya eh sasakay sa kanya.nakakainis!malimit akong mabiktima nyan eh.

    5 stars po sa conversation ng dalawang driver sa ending!😆

  3. ako naman, hindi nagje-jeep pero naiinis sa mga drivers na haharangan ang daan mo dahil akala sasakay ka kahit hindi mo naman pinapara. grrr. isang beses, tumigil ang jeep sa harap ko, tyempo na may taxi at dahil nakaharang na nga ung jeep, hindi na ako nakita ng taxi driver. paulit ulit ulit akong tinatanong ng jeepney driver if san ba ko kahit dinededma ko na sya. pabalang ko kayang sinagot, “japan!”

    alam kong corny sya pero natawa ang ibang pasahero, infairness. hehe. :grinnod:

  4. gusto nyo pa lang mapabilis byahe nyo eh. edi mag taxi kayo!!!!!!

    joke lang.

    hindi nakakatawa? ok. binabawi ko na.

    tangnang mga drayber na yan. kung makahinto sa bawat kanto parang magsyotang naglalakad lang sa luneta.

    hindi pa din nakaktawa? payn!😦

  5. napadaan lang. natuwa naman ako sa entry na to. naranasan ko na rin ang mga gnyang drayber na buwaya nga minsan ang bansag sa karamihan.. kaso tatay ko kasi jeepney drayber kaya mejo naiintindihan ko sila. pero hindi naman ganon tlga ka-ganid sa pasahero si ama… ok yun lang… kung mei maipadala akong piktyur seo, eh di ok…kung wala pasensyahan..nakita ko kasi ang pibertdei mo ehh…🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s