jon cabron po ng IT department

kagabi bago ako matulog nagiisip ako, tama nga ba ‘yung ginagawa kong pag iwas sa mga tao sa kumpanyang pinapasukan ko? ang katwiran ko kase dati andito ako para magtrabaho hindi para makipag kaibigan. hindi naman sa nagmamalaki ako kaya ganyan ang ikinatwiran ko sa sarili ko, ayoko lang magkaron ng kaibigan dahil ayoko na magkaron ako ng obligasyon sa kanila. delikado ang department namin, kami ang utak dito. ayokong dumating ang araw na magkaron ng laban ng tug of war ang pakikisama at ang trabaho ko. simple lang ‘yan. walang kaibigan, walang kumplikasyon.
pero minsan napapaisip ka din, nagyoyosi ka mag isa sa labas, wala kang kakwentuhan man lang. wala ka man lang kabatuhan ng mga simpleng tipikal na usapan ng magkakatrabaho tulad ng ‘putangina talaga ‘yang si ano, napakabobo” o kaya ‘yung mga tipong “napakalaki ng suso nung tao sa ganitong department, ansarap siguro anuhin nun ng paano”
kapag kakain ka mapapansin mo, punuan sa cafeteria pero laging may extra na dalawang upuan dun na walang nakaupo, ‘yung sa kaliwa at kanang upuan mo. hindi ako sumasama sa mga company outing ng kumpanya, hindi ako dumadayo sa ibang department pag merong may birthday. minsan na nakantyawan akong magpakain nung birthday ko ang ginawa ko nagpaluto ako ng pagkain at inihanda ko sa accounting department at pinalabas ko sila lahat para kumain… at ako nasa loob ng department namin at nagtatrabaho.
madalas natitikman ko ang bunga ng ganyang sitwasyon na itinanim ko, katulad ng sa telepono pag kailangan mong tumawag sa ibang department hindi basta p’wedeng jon lang ang sasabihin ko at hindi p’wedeng basta jon cabron lang, kailangan kumpleto… jon cabron ng IT department.
sa security guard, dahil naka polo at slacks ako pag pumapasok konting kapkap lang sa bewang may pabaon pang

1. good morning sir
2. aga natin ngayon sir ah
3. wow gwapo ni sir, kumpleto sa tulog sir?

pero pag naisipan kong mag civilian, maong at  tshirt lang. halos ipagwagwagan na ‘ko ng security guard sa pagkapkap sa buo kong katawan. isang pagpapatunay na mas nirerespeto n’ya ang polong suot ko kesa sa akin mismo.
paminsan minsan dumadating sa akin ‘yung nasisigawan ako dito, at lahat ‘yun tinatanggap kong parte ng trabaho ko, kailangan may masisi sa lahat ng sitwasyon na walang kalutasan. ganun ang takbo ng kalakaran sa trabaho. naiisip ko lang minsan, ano kaya kung mabulgar sa kanila ang blog ko, ang buhay ko sa labas ng hotel, ang mga record ko sa baranggay at mga blotter sa munisipyo ng muntinlupa, ang makapal na record ko sa mga eskuwelahang pinasukan ko.. may magbago kaya? mawala na kaya sa kanila ang imahe ng isang lalaking mataba at maputi na nagsasalita lang pag kinakausap? at ng empleyadong ibinala sa kanyon para bumagsak sa kuta ng mga kalaban at sumalo ng lahat ng galit nila?
bago ako makatulog kagabi, nabuo sa akin ang isang pasya, masaya ako sa sitwasyon ko ngayon at ang tanging babaguhin ko lang ‘yung pagkailang ko sa mga tao dito, hindi na ‘ko mahihiyang umubo sa pagkatakot na baka pumutok ‘yun.. naisip kong lahat naman nakaranas na nun, hindi na ‘ko natatakot magpalakad lakad sa accounting kahit na para kang naglalakad sa entablado dun dahil lahat ng mata nakatutok sa ‘yo at pakiramdam mo lagi kang matalisod sa sariling paa mo. hindi na ‘ko matatakot makipag usap kahit na kanino sa takot na baka lalo akong mabulol o tumalsik ang laway ko.. dahil masipag naman akong mag sepilyo…
at isang bagay ang ibinaon ko sa utak ko, walang dahilan para magpanggap pa ako na malayo sa tunay na pagkatao ko dahil sa totoo lang, wala naman silang pakialam sa akin lahat.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

14 thoughts on “jon cabron po ng IT department”

  1. walang dahilan para magpanggap pa ako na malayo sa tunay na pagkatao ko dahil sa totoo lang, wala naman silang pakialam sa akin lahat.

    atta boy! in the end, wala silang magagawa kung ganyang klaseng tao ko…

    dahil masipag naman akong mag sepilyo…
    pero pag di ka nagsalita, sayang toothpaste…mapapanis lang yan.😆

  2. Hehehe ako din ganyan hindi sumasama sa company outings at kung anu-ano pang event. KJ nga tawag saken e. Pero ok lang.. wala akong pake at wala din silang pake.😀

    Loser ba tayo? lolx :grinnod:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s