sa timog

makalipas ang dalawang taon mahigit, makalipas ang ilang pagkakaibigan sa net na nabuo at nasira, ng pagpapakita ng kahinaan at pagpapadama ng kalakasan, ng pagmamahal at pagkabigo, pagkasawi, at pagtatae ng wala sa oras at tamang lugar, nakatakda na akong makipag kita sa ibang tao, bilang si jon cabron. hindi lang bilang blogger kundi bilang tao. mataba at maputi.
magkikita kami ni lenggai mamaya sa timog, hindi ko alam kung saan ang timog at hindi ko alam kung ano ang mangyayari mamaya, bahala na. inilabas ko na dati ang listahan ng mga listahan kung bakit hindi ako masayang makita at makausap ng personal at ngayong gabi masusubok ang mga bagay na ‘yun. at dahil bago sa akin ang magaganap mamaya, nagbigay ako ng ilang puntos para kay lenggai.. at ng iba pang tao na makakakita sa akin sa mga dadating na panahon pa.
1. lagi mo lang tatandaan na ito ay isang friendly meet up, hindi ito date.
2. ayokong maging ungentleman pero kaklaruhin ko lang na walang malisya ‘to.
3. ‘wag sanang sasama ang loob mo kung sakaling tatanggi ako.
4. bawal ang hawak.
5. pero depende ‘yun sa napagusapan.
6. hindi ito fans day.. bawal akong interviewin.
7. bawal ang camera.
8. pwedeng magpapirma.
9. hindi ako nakikipag apir.
10. matutong idecode ang ibig sabihin ng paghihikab at pagtingin sa malayo.
11. at paglalaro ng snake sa celfone habang nagkukuwento ka.
12. ayoko ng naghihintay.
13. hindi ako nanlilibre ng malakihan.
14. hindi ako mahihiyang hingian ka ng ambag mo.

at para kay lenggai at sa iba pang baka sakaling dumating ang araw na makadaupang palad ko rin ng personal, gusto ko rin ibigay sa inyo ang ilang trivia, para hindi kayo mabigo sa inaasahan n’yo… at hindi n’yo ako iwasan pagkatapos ng araw na ‘yun.

1. hindi ako madaldal, kinakailangan ko munang makiramdam ng matagal bago ako maging normal.
2. mas guwapo ako sa gabi
3. napakaguwapo ko pag bagong paligo ako at may tatlong oras lang bago ako bumalik sa normal na…. basta gwapo lang.
4. sana umulan mamaya, mas gwapo akong tignan pag medyo umuulan ulan.
5. malamang sa hindi, naka hoodie ako… naaastigan ako sa sarili ko pag naka suot ako nun.
6. ayoko sa masyadong mataong lugar.
7. ayoko ng nagsisigawan tayo dahil sa tugtog
8. soft spoken ako.
9. pag may mga tambay tayong madadaanan, ‘wag mo kong papansinin pag nagpilay pilayan ako.. diskarte ko ‘yun para maawa sila at hindi ako pagtripan.
10. at sa maniwala ka man at sa hindi, mahiyain akong tao.

‘yan lang po at sana ay maging tagumpay ang maging pagkikita natin, oh at kung sakaling malapit ka lang sa timog at halos ilang dipa lang ang layo mo sa amin.. text mo lang ako o kung nagpapaimpress ka, tawagan mo ‘ko. yosi tayo.

+63928 5065 XXX

.. seryoso, itext n’yo ko lagi para maisip ni lenggai na marami akong kaibigan. ktnx.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

19 thoughts on “sa timog”

  1. 9. pag may mga tambay tayong madadaanan, ‘wag mo kong papansinin pag nagpilay pilayan ako.. diskarte ko ‘yun para maawa sila at hindi ako pagtripan.

    😆😆😆

    goodluck sa EB nyo ni Lenggai.. Sana kahit paano mapag-usapan nyo ang plano natin sa DEC.. Gusto ko rin kayong makaharap sa inuman.

  2. mukhang kalahati ng mga nagpunta sa blog ko eh dumaan dun para lang malaman kung sino ang “mapalad” na makaka-EB for the first time ni MJC…

    pero i’m amused, dinayo ako ng isang internet celebrity… bwahah!!!

    akala ko nga stir lang nung tumawag ka, parang yung mga dati nating usapan, pero nung sinabi mong nasa kamuning station ka na, dun ko lang na-realize na seryoso ka nga, tsk, di man lang ako nakapaghanda, hehe!!!

    ahm, sana lang nabasa ko ‘tong entry mo bago tayo nagkita, para naman naabisuhan ako na hindi mo trip ang mga lugar na me banda…

    sana nagpunta tayo sa lugar na pribado, tahimik, tsaka tayong dalawa lang…

    tipong sa templo o di kaya sa simbahan, ganun.

  3. err jon ang daya mo. ang tagal kitang niyayayang lumabas nun ayaw mo:(( ayan tuloy 2 years pa bago ako makauwi ulit:( wala nmn tayong paguusapan sa gastos e.hekhek. ni hindi mo kelangan magambag….:D

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s