sanib

minsan dumadating na lang sa buhay ng mga lalaki ‘yung magigising ka na lang na aktibong aktibo ang ano mo, ‘yung tipong hindi ka naman nakapanaginip ng anuhan hindi mo naman magagamit na dahilan ‘yung ihing ihi ka lang at puno lang ang pantog mo kaya ganun dahil nakapaligo ka na at lahat ramdam mo pa rin s’ya.
madalas din na habang nasa bus ka at abala sa pakikinig sa mp3 player mo o sa pagpapahangin ng mukha mo sa labas ng bintana at kung may iniisip ka man, malayo ‘yun sa kamunduhan pero biglang may kung anong mahika ng ka elan kang mararamdaman na sasanib sa pagkatao mo at bigla ka na lang makakaramdam ng init sa batok mo at paninikip ng pantalon mo… o cycling short kung baboy kang bumibiyahe ng nakaganun.ย ย  minsan katalo na e, kahit hindi mo nakikita ‘yung itsura ng babaeng nakatalikod sa harapan ng upuan mo, basta nakikita mong malanding nililipad ng hangin ang buhok n’ya, minsan solb ka na e. ganun pag sinaniban ka ng hindi maipaliwanag na kung ano na ‘yun. kahit matanda pa ‘yang katabi mo, kahit matabang babaeng nagtatrabaho sa isang pabrika, madalas wala ka ng pakialam. ang kailangan mo inspirasyon, at basta nakakita ka ng magagamit mong inspirasyon.. maamoy mo lang ang buhok n’ya o kahit pa malayo pa s’ya sa’yo at walang kontak, magiimbento ka na lang ng mainit na senaryo sa isip mo, sapat na ‘yun para pagdating mo sa opisina at pang umaga ka o panggabi.. walang tao dun kundi ikaw lang, kahit mag imbento ka na lang ng pangalan ng babae. bakanteng cubicle sa cr, stick na putol para mailock ang pinto. solb ka na.

at minsan nga dumadating pa ‘yung kahit lalaki ang katabi mo, basta naramdaman ng siko mo na malambot ang bewang n’ya … minsan nga, pati ‘yun sapat na para mag init ka.

.. at lahat ng nabanggit ko ay walang kinalaman sa akin, ahhhm gusto ko lang talagang mag entry sa araw na ‘to.
‘wag n’yo kong husgahan.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

22 thoughts on “sanib”

  1. hahaha! ngyayari naman talaga yan sa buhay ng tao. pero teka..lalaki tapos siko sa malambot na bewang? uhhhmm…hindi yata applicable sa lahat. lols! parang ano ang ah..walang pangit sa ….ng galit.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s