pards sa unahan ng jeep

pauwi na ako kahapon, tanghaling tapat tirik na tirik ang araw. ilang minuto na rin akong nag aabang sa kalsadang ‘yun, pakiramdam ko umaagos na ‘yung pawis mula sa tuktok ko hanggang sa talampakan ko, wala na akong karapatan pala mamili pa ng jeep, pinara ko agad ang kauna unahang sasakyan na naligaw sa kinatatayuan ko. nakatigil na sa harapan ko ‘yung jeep ng nalaman ko na ang kaisa isang bakanteng upuan na lang pala ay ‘yung sa unahan, mapapagitnaan namin ng drayber ang isang pasaherong nauna sa akin sa pwestong ‘yun. tomboy.
patabi pa lang ako sa kanya, napansin ko ng hindi n’ya ako gusto base sa pagkakasimangot n’ya at pailalim na tingin sa akin, kung may pagpipilian lang din ako ayoko naman sanang tumabi sa kanya dahil napakainit na nga naka jacket pa s’ya at naka polo shirt pa sa loob. pero wala akong magagawa, mahirap sumakay.
at eto bata pa ako pansin ko na ‘to.. kung sino pa ang bakla sila pa ang mas malalandi kesa sa mga babae, at kung sino pa ang tomboy, sila pa ang mas matatapang kesa sa mga kalalakihan, lumalaban s’ya ng titigan sa akin sa side mirror at kung nakakasugat ang matalim na tingin, pakiramdam ko isa sa amin ang babagsak sa mismong kinauupuan namin at mauubusan ng dugo. kumbaga sa isang gera, kung sino ang nauna sa mismong lugar na pagdadausan ng engkuwentro liyamado na s’ya.. ganun ang sitwasyon namin, dahil pagtabi ko sa kanya babahagya n’ya ng ikinilos ang puwet n’ya para bigyan ako ng pwesto. kulang pa ng kalahati ng pwet ko ang nakalapat sa upuan ngayon, at ang natitirang mahigit sa kalahati… naka lambitin sa gilid ng jeep.
hindi ko maibitaw ang kamay ko sa mahigpit na pagkakahawak sa may hawakan malapit sa side mirror ng jeep dahil pakiramdam ko pag ginawa ko ‘yun malalaglag ako at gugulong sa kalsada.. nakakapangilabot na senaryo. pag lumiliko ‘yung jeep pakiramdam ko naiiwan sa kabilang side ‘yung kaluluwa ko. ang pumipigil na lang para malaglag ako bukod sa mahigpit na hawak ng kamay ko, ‘yung kanang paa ko na madiin na madiin na nakatapak sa sahig ng jeep. ang miserable ng dating ko dahil habang maya’t maya nageespadahan ang mga tingin namin sa pamamagitan ng side mirror, hindi maitatago ang mga butil ng pawis ko sa noo, na hindi ko mapunasan dahil nga hindi ako makabitaw sa pagkakahawak ko.Β  at naalala ko ang isang senaryo nung first year college ako sa bahay ng gelpren ko. kung saan harap harapan akong sinabihan ng kaibigan n’yang tomboy na mukha akong manloloko at kung lolokohin ko lang ‘yung kaibigan n’ya mas mabuting sa mga oras na ‘yun pa lang tumalikod na ‘ko at umalis dahil hindi ko raw magugustuhan ang gagawin n’ya. at dahil isa akong alipin ng katotohanan ng mga panahon na ‘yun at talaga naman mahal ko ‘yung babae, nagpasaklob ako sa paniniwalang “dahil mahal kita, obligado akong mahalin ang lahat ng mahal mo at kaibiganin lahat ng kaibigan mo” hindi ko na pinansin na nayurakan ang pagkatao ko.. inilahad ko ang kamay ko sa kanya, para patunayan na seryoso ako at hindi s’ya dapat mag alala sa kaibigan n’ya pero iniwan n’ya lang ‘yun na nakatiwangwang sa hangin, “tsaka na kita kakamayan pag nakumbinsi mo na ako” at wala akong nagawa kundi ipanghawi na lang sa buhok ko ang pakikipag kamay kong inisnab n’ya. hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago ang hangarin ko na masapak ko sa sintido ‘yung sanababitch na ‘yun.. mamatay sana s’ya sa aids at makuha n’ya sana ang sakit na ‘yun sa hindi sekswal na pamamaraan.
at biglang dumapo ang swerte sa akin, nang pumara s’ya ng jeep.. hindi n’ya siguro inakala na una pala s’yang bababa sa akin, at sa puntong ‘yun ng engkuwentro.. kung sino ang nasa malapit sa labasan, siya ang lyamado. hindi ako umurong, hinayaan kong mamilipit s’ya para makalagpas sa akin, wala akong pakialam kung gumagas ang dede n’ya sa mga braso at pisngi ko at wala akong pakialam kung malunok ko man ‘yung hininga at singaw ng katawan n’ya. nakita kong nauntog s’ya at napansin kong tumatama na ‘yung binti n’ya sa may apakan at pansin ko na rin ang mga malalalim n’yang buntung hininga.. pero hindi ako natinag, tama lang sa kanya ‘yun dahil sa pagtatangka n’ya sa buhay ko ng paupuin n’ya ko ng wala pang kalahati ng pwet ko ang nasa upuan, … at dahil tomboy s’ya.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

8 thoughts on “pards sa unahan ng jeep”

  1. Hahah! Ngaun nlang ulit ako nakatawa ng malutong. Sobra ini-imagine ko ang deskripsyon mo sa hitsura mo. At saktong-sakto ang imahinasyon ko sa salaysay mo. Hmmm…at buti nalang pala di ako nagpo-polo shirt na may jacket heheh.πŸ˜† Hahah! Ngaun nlang ulit ako nakatawa ng malutong. Sobra ini-imagine ko ang deskripsyon mo sa hitsura mo. At saktong-sakto ang imahinasyon ko sa salaysay mo. Hmmm…at buti nalang pala di ako nagpo-polo shirt na may jacket heheh.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s