pakiusap sa mga alagad ng medisina

ito ay hindi utos o batas at bihira ko lang gawin ito, nakikiusap ako sa lahat ng mga intern, duktora, o mga nars etc na sumasakay ng bus papasok ng trabaho na kung p’wede bang ‘wag na kayong magsuot ng short para ipanloob d’yan sa mga uniporme n’yo, isipin n’yo na lang hindi naman magiging kawalan sa pagkatao n’yo ang mga titig naming mga lalaki, at isa pa sa maniwala kayo at sa hindi, titig lang ang pinakagrabeng p’wedeng magawa naming mga lalaki sa inyo.
ano nga ba ulit ang isa sa main goal ng trabaho n’yo? ang makapagbigay ng kaginhawahan sa mga tao. naiisip n’yo ba kung anong kaginhawahan ang maidudulot sa katulad kong makakasakay n’yo sa bus at makitang nakabakat ang panty n’yo? sobra sobra! isipin n’yo na lang ang posibleng senaryo na meron kayong makakasakay na isang empleyado na papasok lang ng opisina para bumawi sa boss n’yang wala ng alam gawin kundi maliitin ang pagkatao n’ya at utusan s’ya ng mga imposibleng bagay, at sa araw na ‘yun may dala s’yang matulis na bagay o isang bagay na pumuputok sa bag n’ya at nakatakda s’yang wakasan ang buhay ng boss n’ya at ang pagiging aping manggagawa n’ya at dahil sa kapirasong pabor na hinihingi ko na pinagbigyan n’yo.. napaluhod s’ya sa bus, nakasubsob ang mga mukha n’ya sa mga kamay n’ya at tumatangis s’ya ng pagsisisi sa nakatakda n’ya sanang gawin at pasasalamat sa maliwanag na bukas na naramdaman n’ya ng nakita n’ya ang nakabakat mong panty sa uniporme mo. didiretso s’ya sa opisina at makikipag ayos s’ya sa boss n’ya at magkakaintindihan sila.. at ‘yun miss ay dahil lang sa isang simpleng pagbibigay mo sa kahilingan ko. ‘wag kang magsuot ng short na panloob at maniwala ka sa ‘kin sa bawat araw na ginagawa mo ‘yan may dalawa o higit pang batang may hydrocephalus ang gumagaling ng kusa at bumababa sa kama n’ya para makipag patintero sa mga pinsan n’ya.
nakikiusap ako, please panty ang iterno n’ya sa uniporme n’yo.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

15 thoughts on “pakiusap sa mga alagad ng medisina”

  1. maligaya na ang araw ko pag nakakita ako ng magandang babaeng bakat ang panty. isipin na lang din nila na sa bawat lalaking napapaligaya nila, nagkakaroon ng pangarap ang isang lalaking magmahal nang tunay sa kapwa. *amen* :nod:

  2. may nakita ako dati na student ng nursing na bukas yung zipper ng palda sa likod at syempre..kita panty. maganda rin yung ganun paminsan minsan.

    kabaduyan na maitatawag ang babaeng nakaskirt tapos may short panloob.

  3. nandidiri ako bigla kapag nakakakita ko ng isang babaeng naka skirt pero naka short sa loob, pero kung hindi nila maiwasan dapat man lang e yung pek shorts na lang ang gamitin nila, hindi yung basketbol short ng kapatid nilang lalaki sinusuot nila

  4. so, kasama si docmnel? hehe.
    lagot.

    pantilet. halfslip. yun ang ipinapanloob sa puting uniporme. ganun ako nung college.
    hindi shorts.

    naisip ko tuloy yung mga kaklase kong tomboy, boxers pa ang ginagamit.

  5. ay naku, hindi talaga maganda tingnan ang shorts sa ilalim ng puting pants or dress kasi mainit at makapal masyado. it bunches up, ika nga.

    buti na lang ako, seamless na undies o di kaya t-back ang sinusuot ko. pero nakikipagkumpetensiya din ang aking mga doktor na friends na bading dahil mas madalas pa silang mag t-back na itim sa ilalim ng kanilang white pants kaysa sa akin.

    obviously, walang gustong tumayo sa likod nila pag mapapapulot sila ng bagay sa sahig.:lol:

  6. Naging otomatik na yung mata ko na laging nagaabang ng ganyan sa tuwing nakakakita ako ng mga nakauniporme, sa medisina man o hindi.

    Minsan sa sobrang paghahanap ng ganyang eksena, naooverlook ko ang itsura. Kaya nanghihinayang na lang din ako sa ginawa ko eh.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s