sir,

sir,
nangyari ‘to wala pang trenta minuto ang nakakalipas, nararamdaman ko ng male late ako kaya ginawa ko ang pinakatama na pwede kong gawin, ang mag lakad ng patakbo sa daan at makipag patintero sa mga tao at mga sasakyan, mission imposible at amazing race dahil kailangan ko pang dumaan sa convenient store para bumili ng tubig, kape at skyflakes. nakaprogram na ‘yun.
nagmamadali akong tumawid nung nakita ko na ‘yung 711, iyon ang huli kong tatawiran bago makasakay sa huling uri ng sasakyan na maghahatid sa akin sa trabaho. kampante akong tumawid kahit hindi ko na tinignan ‘yung stop light dahil nakita ko naman na malayo pa ‘yung jeep na dumadaan, nasa gitna ako ng kalsada ng pinaharurot nung driver ‘yung sasakyan n’ya eksakto sa akin, mabilis umandar ang utak ko at ginawa ko ang pinakalohikal na p’wede kong gawin, tumigil ako sa paglalakad at humarap sa jeep.
akala mo aatrasan kita? laking highway ‘to! matatakot mo ‘ko sa luka luka o sa ipis pero hindi sa sasakyan, lata lang ‘yan! s’ya din ang sumuko.. mga ilang dangkal malapit sa kinatatayuan ko ‘nung kumabig s’ya.
at dun ko napatunayan na healthy ang makipag shouting match sa umaga, maganda sa puso ‘yun at sa daloy ng dugo mo.

driver: gago ka! nakita mo ng naka GO tumawid ka!
jon: bakit hindi mo ko binangga? ikaw ang gago, haharurot ka hindi mo pala kayang panindigan!
driver: …….blah blah blah’
.. hindi ko na naiintindihan ‘yung sinasabi n’ya dahil naglalakad na ‘ko papalayo at papasok sa 711.
pag lingon ko sa jeep bago ako tuluyang pumasok, nakatingin sa direksyon ko lahat ng pasahero n’ya, trapik na dahil nakatigil s’ya sa kalsada, at mukhang pababa s’ya sa jeep n’ya.
nagiinit pa rin ang pakiramdam ko habang iniisa isa ko ‘yung bibilhin ko, tanginang to’ sa highway ako pinanganak ako pa sisindakin mo na babanggain mo, gago! akala mo aatrasan kita, tarantado! habang nagbabayad na ‘ko nagpasukan sa utak ko ang mga posibilidad na pwedeng mangyari paglabas ko.

1. hahawakan n’ya ko sa damit at ipagwawagwagan n’ya ko sa kalsada sa harap ng mga tao.
2. at hindi s’ya titigil hanggat hindi ako nagso sorry sa kanya.
3. o habang naglalakad ako, bigla na lang may papalo ng tubo sa batok ko.
4. at mako comatose ako.
5. hindi ako makakapasok.
6. gugugulin ko ang natitirang taon ng buhay ko ng nakahiga lang.
7. at mata ko na lang ang gumagalaw.
8. magsasawa sa pag aalaga sa akin si mrs. cabron.
9. iiwan n’ya ko.
10. maiiwan akong mag isa sa madilim na kwarto.
11. hanggang langgamin ako.
13. at mamatay.

.. bumili ako ng siopao sa 711, at kinain ko sa loob nun. ng unti unti. lumabas lang ako nung nasigurado ko ng wala na ‘yung jeep. at ‘yan ang dahilan kaya ako na late.

sorry na.
jon cabron

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

8 thoughts on “sir,”

  1. ay nangyari din sa kin yan last sat. tumawid kami kasi ang layo pa naman talaga ng jeep. mantakin mo naman, nung nakita kami, pinaharurot ba at tipong babanggain kami. syempre, kami na lang ang umilag kasi ang luma at ang pangit na ng jeep nya. baka ma-tetano kami. death by tetanus, it’s not a very good thought. :no:

  2. amshur pag nalaman ni sir yung posibleng mangyari sau kung inuna mo sana na makarating ng maaga sa opisina….hehe, malamang mawalan siya ng masipag na employee of the month na tulad mo hehehe naks naman.

    ‘steeg, lumaki sa highway…ako laking kalye lang, takot ako sa mga latang may gulong.😆

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s