ang nagsasabi ng tapat, nagsasama ng maluwag

gusto kong saktan ang nakaimbento at nagpasikat ng kasabihang  “ang nagsasabi ng tapat, nagsasama ng maluwag” sa kahit na anong posibleng paraan. tatlo lang ‘yan wala sa tamang pagiisip ang nagsabi n’yan o isang taong binata na hindi pa nakakaranas sa buong buhay n’ya ng isang seryosong relasyon bukod sa anak s’ya ng mga magulang n’ya at kapatid s’ya ng mga anak din ng magulang n’ya kaya hindi n’ya alam ang panganib na maidudulot n’yan sa pagsasama ng isang magsyota o mag asawa at pwede din na isa s’yang may asawang tao.. pero pilay at bulag s’ya at lagi lang s’yang nakahiga sa kama kaya wala s’yang paraan para magkaron ng kasalanan at wala s’yang dahilan para magkimkim ng kahit na anong gusto n’yang sabihin. either way, sad to be him.
isa ang araw kahapon sa mga iilang senaryo na masasabi kong umuulan ng rosas sa bahay namin at kung may puno lang sa loob nun, obligado akong gumuhit ng puso sa katawan nun at ilagay ang pangalan ko at pangalan ni mrs. cabron sa loob nun, kasama ang salitang “forever” at ang date kung kelan namin isine celebrate ang monthsary namin noon (na sa kasamaang palad ay hindi ko na maalala) nakahiga kaming dalawa sa kama at kumakain ng chichirya habang nanood sa computer ng pelikula ni john lloyd at bea alonzo “one more chance” , nasa labas ang anak namin at solo namin ang kwarto. halos mahigit dalawang linggo din kaming galing sa pag aaway at hindi pagpapansinan kaya nakadagdag ‘yun sa may limandaan mahigit na dahilan namin para maghalikan paminsan minsan at maghaplusan ng mga bagay na hindi ko na dapat pang sabihin pa dito.
nabanggit ko na dati na talaga namang may man crush ako kay john lloyd cruz, hindi ko alam kung bakit at hindi rin naman ako ganun kaseryoso sa sinabi ko na ‘yun pero basta may anggulo s’ya na kinikilig ako pag nakikita ko, at naisipan kong sabihin kay mrs. cabron ang mga bagay na ‘yun.

Jon: ang gwapo ni john lloyd, iyan ang man crush ko.
Mrs. Cabron: ano ka ba’ sinisira mo ‘yung moments tigilan mo nga ako sa kabaklaan mo.
Jon:
ano ka ba’ normal lang sa lalaki ang magkaron ng man crush, tsaka wala namang malisyang crush ‘yun
Mrs. Cabron: nakakadiri ka! kakapanood ko lang ng brokeback nung isang araw.
(sa puntong ‘yun lumuwag na ang pagkakayakap n’ya sa akin at umayos na s’ya ng upo sa kama)
… biglang ipinakita si derek ramsey sa screen
Jon: ahhhh iyan si derek ang potangenang kahit anong oras akong hilahin n’yan para makipag anuhan makikipag anuhan talaga ako d’yan!

.. at naramdaman ko na lang ang ilang butil ng chichirya na dumapo sa mukha ko at pag mulat ko, wala na akong katabi at nakatanggal na ang saksakan ng computer.

hindi man lang shinutdown ng maayos.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

13 thoughts on “ang nagsasabi ng tapat, nagsasama ng maluwag”

  1. 😎 itong entry na toh… una pa lang toh babasahin ko ammaya ang ibang entries… sorry bago lang ako.

    Natawa ako sa Misis mo na hindi shinut down ng maayos ang PC. Wahahaha Sobrang napikon siguro. Kase naman ikaw sinira mo ung moment nga naman! wahahahaha😆

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s