paalam cyber ex

bago ang lahat gusto kong humingi ng paumanhin sa lahat ng mga sama ng loob na hindi sinasadyang naibigay ko sa ‘yo sa loob at labas ng relasyon natin, sa mga normal na pagkakataon bihira kong ihingi ng tawad ang mga bagay na hindi sinasadyang nagawa ko, pero bilang kristyano humihingi ako ng tawad sa ‘yo. sorry kung masakit akong magsalita tulad ng sinasabi mo pero naging totoo lang ako sa sarili ko, para sa akin ang katangahan ay katangahan at ang kabobohan ay kabobohan., sorry.
hayaan mo ‘kong pag aralan muna kung papano sasahugan ng sinseridad ang paghingi ko ng tawad kung bakit hindi ko natupad ang pangako ko sa’yo na ikaw lang at wala ng susunod pa. hindi ko alam kung papano ko ipapaliwanag sa ‘yo na parte lang ng relasyon ang lahat ng mga sumpa at pangako at kasamang ikinukulong ‘yun sa bote at ipinapaanod sa malalim na dagat pag tapos na ang relasyon na ‘yun.
sabihin mo ng brutal pero ganun ang takbo ng buhay at iyon ang batas sa isang relasyon, ‘wag tayong mabuhay sa mga style pocket books na tagalog na kung saan sa hinaba haba ng panahon, isang sumpa at pangako ang maguugnay sa bidang si milfe at kay rogelio.. malayo sa katotohanan.
pasensya na rin sa reaksyon ko kanina, hindi lang kse ako sanay na pinagpapaalaman pa ng babae na papasok na s’ya sa isang puno ng pag asa at bagong relasyon. seryoso, hindi na kailangan ‘yun. hindi mo na kailangan na padalhan ako ng fruit basket para lang magpaalam dahil ang suma total n’yan e nakahanap ka na ng lalaki na mas nakakahigit sa akin… at s’yempre pa, hindi ako naniniwala.

related entry:

cyber ex

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

3 thoughts on “paalam cyber ex”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s