ang lihim ng 6288

may kasabihan na manakawan ka na, ‘wag ka lang masunugan. pero sa katulad ko minsan mas mabuti ng masunugan at least walang ebidensya kesa manakawan ka ng celfone at kumalat ang lagim. naaalala ko tinext ko pa si lenggai isang text na hindi ko na maalala sa ngayon, malamang e kaplastikang obligasyon na bati ng pakikipag kaibigan. s’ya ang huli kong tinext bago ako umakyat sa taas para mag assist sa isang koreanong hindi makakonek sa internet.
may kulang dalawang oras na ang lahat ng ‘yun at habang abala ako sa pagpa plurk, may otomatikong hinanap ang kamay at ang mga mata ko na isang parte ng sistema ko na normal na hindi nalalayo sa akin ng matagal, nawawala yata ang celphone ko.
relax pa rin ako, ang katwiran ko nakapag text pa ‘ko kanina kaya nasa loob ng opisina lang ‘yun, at isa pa hanggat hindi sa kalsada nawala ang isang bagay.. malaki pa ang posibilidad na makita pa ‘yun. abot kamay lang ‘yan, hindi lang makita ng mga mata mo. tinignan ko sa table ng boss ko dahil dun ako kalimitang nagcha charge, wala. tinignan ko sa may whiteboard, dahil minsan dun ko inilalagay ‘yun para maalala kong bitbitin pag lalabas ako, wala.
sa bag, sa ilalim ng table, wala. takbo ako sa taas.. sarado na ‘yung business center na pinanggalingan ng koreano, nanghiram pa ‘ko ng susi sa front office, wala.
at sabi ko nga, ako ang taong mabilis tumanggap ng isang bagay na wala ng kalutasan. habang sakay ako ng elevator pabalik ng opisina, iniisip ko na kung ano kayang mumurahing celphone ang pwede kong ipalit dun. p’wede na naman siguro ‘yung may flashlight o kahit na ‘yung double liner lang na walang kulay sus’ hindi naman siguro makakabawas sa pagkatao ko kung mumurahin ang celphone ko.
balik ako sa opisina ng wala kahit konting nararamdaman na pang hihinayang. e sa nawala e anong gagawin ko? maglupasay? ..ย  balik na ‘ko sa plurk at nakikipag biruan na ‘ko ng naisip kong iparing ang celphone ko. wala talaga. nag riring pa naman daw pero hindi ko naririnig. naisip ko nagriring pa so malamang wala pa sa masamang kamay ang aparato ko.,ย  at dun sa puntong ‘yun nag sink in sa akin ang mga sikretong bagay sa celphone ko.. tangena!!!!
biglang umabante ng ilang buwan ang utak ko, hindi ko kinaya ang naaninag kong senaryo. mula dun iniatras ko ng ilang linggo, ganun pa din… at ganun pa din s’ya makalipas lang ang ilang araw mula nung gabing ‘yun.
habang nasa bus ako nagbubulungan ‘yung mga kasakay ko, nagtatawanan.. puro palihim na nakatingin sa akin.
sa opisina, puro napapailing ang mga tao pag nakikita ako.. at napapahagikhik pagtalikod ko. hanggang sa ako na mismo ang makatuklas ng ugat ng lahat ng ‘yun.. kumalat na raw at kasalukuyang pinagpipiyestahan sa internet ang isang video ng isang lalaking mataba na may dala dalang unan sa banyo
… nakaka rimarim na limang minutong palabas.

lumipas ang ilang minuto na nakatunganga na lang ako, blanko na ang tingin ko sa monitor.. gusto ko ng magresign at dalhin sa probinsya ang pamilya ko. gusto kong mag ibang bansa, mag ipon at mag paopera ng mukha.
nang bigla kong napansin ang plastic na may mga lamang pagkain ko na isinimple kong itago sa kapalitan ko ng shift na dinatnan ko kanina.. at dun malungkot na nangungulila ang telepono ko, may pitong miss call galing kay lenggai.
nakahinga ako ng maluwag, nanlamig ang buo kong katawan dahil sa mabilis na pagkatuyo ng pawis dun.
at napangiti ako.. hindi pa rin nakatakdang mabunyag ang lihim ko!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

17 thoughts on “ang lihim ng 6288”

  1. eh pano yan? iblinog mo na, edi alam na namin lihim mo.

    isang lalaking mataba na may dala dalang unan sa banyo
    ๐Ÿ˜†

    mahusay ang entry na ‘to. at wtf?!?! pangatlong post sa isang araw! GENIUS!

  2. naalala ko yung cellphone ko nung college ako, yung may flashlight na 1100.

    napaisip tuloy ako ng mga posibleng scenario kung bakit ang isang tao ay may dalang unan sa banyo, at pinaka-tame na dun ang nag-sleepwalk siya.

  3. tsk, sayang kala ko may bagong scandal na! hahaha, pero inperness naranasan ko din yan, nakita ko na lng ang selpon ko nalulunod sa ilalim ng drum na puno ng tubig, kung paano nangyari di ko din alam..

  4. Naku masamang pangitain iyan. Ngayong bata ka pa lang e kung saan saan ka na natutulog. Ano pa kaya kapag ulyanin ka na. Baka sa ibang kama ka nang mapunta, sa halip na sa kuarto mo ang iyong tungo, sa kuarto ng isang dalaga. Hindi ka kaya lugi niyan? H :grinnod: ehehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s