di ka na blanko, utak ay listo

wala na akong naiisip na mas nakakairita pa sa sitwasyon na kausap mo ang boss mo at ang apat n’yang bisita, nasa may bandang dulo ka nakaupo habang nasa may labas ng opisina n’ya ang celfone mo na nakaset sa tatlong bar ang ringtone na sumisigaw ng “it’s ringing, it’s ringing, the fucking fone is ringing!!” ng paulit ulit. napahinto ang nagsasalita at napatunganga ang lahat ng kasama mong nakikinig sa kanya habang nakapigil sa ere ang dibdib mo sa paghinga. natapos lang ang delubyo sa loob mo nung natapos na ang isang set ng ring at tumahimik na ang telepono mo. umayos ng upo ang apat na bisitang katabi mo, nakatingin sa’yo ang boss mo at tipong nagtatanong ang mga mata n’ya ng “tama ba ‘yung narinig kong sinasabi ng ringtone mo?” yumuko ka bilang hudyat ng pag sang ayon.
at ang senaryong ‘yun ay naulit pa ng ilang sunod sunod na may pagitan lang ng halos limang minuto, pero sa pagkakataon na ‘yun hindi na tumigil ang boss mo sa pagsasalita at tinitigan ka na lang ng matalim sabay senyas sa’yo na lumabas ka munang gago ka at asikasuhin mo ‘yung maingay at bastos mong celfone. at dun mo naisip na nasa alanganing puwesto ka at  wala kang pagpipilian kundi daanan ng puwet mo ang apat na katabi mong bisita ng boss mo, at ang masama, isang linggo ka ng hindi nagpapalit ng pantalon. sucks to be them!
… natapos ang meeting at naka apat pa yatang tawag ang kaibigan mo, pero mas matalino ka na ngayon.. naka vibrate na sa bulsa mo ang celfone mo. hindi ka na bumalik sa dati mong pwesto, tuluyan mo ng ikinahiya ang amoy basahan mong pantalon.
natapos ang lahat at ikaw na naman mag isa sa opisina, “malas!” na lang ang naisigaw mo sa sarili mo, kailangan mong huminga ng malalim at magtanggal ng sama ng loob. kinuha mo ‘yung baon mong iced coffee. inunti unti mo ang lagok sa likidong gumuguhit sa lalamunan mo ng may napansin ka sa pagkakahawak mo sa bote ng iniinom mo

pamilyar ang pagkakasakto sa kamay mo.. pinaikot ikot mo ng konti ang pagkakahawak, tama nga! at nanlumo ka ng sinukat mo ang bote, 3 1/2 inches… gumuho ang tore ng paniniwala mo na sa buong buhay mo, nasa average size ka.
akala mo 4 inches ang lahat lahat.
damnit.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

19 thoughts on “di ka na blanko, utak ay listo”

  1. uhhmm di ko napapansin yun ah. ibang klase ka talaga mag isip. pati lata ng nescafe nasukat mo.

    yung isang linggong di pagpalit ng pantalon nagawa ko na rin yan nung hayskul..haha! pero hindi ko na ginagawa ulit yun.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s