luhod-mandirigma

anong gagawin mo pag nakadiskubre ka ng isang bagay na ikaw lang ang nakakaalam, hindi ito ginto at hindi rin naman kapangyarihan. teknik ang tawag dito, at mas importante pa ‘to kahit na anong ginto at mas malakas pa ‘to sa kahit na anong kapangyarihan.
nung isang ordinaryong tao pa lang ako at hindi ko pa nadidiskkubre ang teknik na ‘to, idinadaan ko lang ang lahat sa dasal at paghingi nga tulong sa nasa itaas.. “sana po sagipin n’yo ko sa delubyong ‘to” epektib naman s’ya nung una, hanggang sa na imune sa dasal ang tiyan ko. sinubukan kong haluan ng tipong panliligaw ang kausap ko “sana po sagipin n’yo ko sa delubyong ito, at pangakong magbibigay ako ng barya sa mga pulubi sa kalsada.” matagal kong nagamit ang orasyon na ‘yan hanggang sa siguro napansin n’yang talk shit lang ‘yan, nawalan din ng bisa pagtagal.
marami pang sumunod na mga bulong at teknik sa buhay ko para lang maiahon ko ang sarili ko sa panandaliang pagkakalubog sa kumunoy, at ito ang tatlo sa mga naaalala ko pa,

1. pagbigkas ng buong panatang makabayan (epektib naman ito pero medyo mabilis mawalan ng bisa, kailangan mong ulitin tuwing 10 – 15 minutes)
2. paglalaro ng shagidi shagidi sha pokpok ng magisa at pabilis ng pabilis (epektib pag nasa byahe)
3. itutulak mo ng madiin ‘yung adams apple mo, tapos lulunok ka ng sampung sunod sunod na mabibilis. (hindi ako ganun ka kumpiyansa dito)

at dahil graduate na ‘ko sa tatlong ‘yan at sa mga iba pang teknik. naisip ko ang isang bagay na makakapag pabago sa sistema ko at makakatulong sa nakakarami ..at naniniwala akong ako lang ang nakadiskubre nito at sa ngayon ay pinaplano ko ng ipa copyright ang teknik na ‘to sa pangalan ko.
simple lang ang teknik na ‘to at halos kahit saan at kahit anong pagkakataon magagawa mo ito ng walang makakahalata sa iyo. para ka lang may pinupulot na isang bagay o para ka lang may naalalang isang mapait na karanasan kaya bigla kang napaluhod.. naiisip mo na ba ang mga posibilidad?
at maswerte ka dahil bilang mambabasa ng blog ko, nakatakda mong malaman ang teknik na ‘yan ngayon. isang teknik na magpapabago ng pagtingin mo sa mundo, tried and tested. at anong malay natin kung pagdating ng panahon maging napakamahal na ng impormasyon na ito, hindi natin alam, at hindi natin masasabi ang hinaharap.

simple lang ang gagawin mo, pag nararamdaman mo na natatae ka na’ lumuhod ka lang ng luhod-mandirigma , tapos ‘yung sakong ng kanang paa mo, medyo ipasok mo sa puwet mo at idiin mo sa paraang depende sa tindi ng pangangailangan mo. pwede kang kumuha ng pwersa sa sakong mismo o sa may parteng itaas ng katawan mo. napakadaling gawin pero magugulat ka kung gaano ito kaepektibo. subukan ng mapatunayan.

at kung sakaling mapatunayan mong epektibo nga ang teknik na ito, nagtitiwala ka sa akin at ninanais mong suportahan ang luhod-mandirigma teknik ni jon cabron, ‘wag kang mahihiyang ipadala ang iyong picture habang naka posisyon na ganyan sa joncabron @ gmail com.
maraming salamat at hangad ko ang kapayapaan sa iyong paglalakbay.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

26 thoughts on “luhod-mandirigma”

  1. Tsk! Saludo ako sau! Nagawa ko yan kanina at kahapon. Nasa E.R. ako at may nagto-toxic na pasyente. At kahit gusto k0ng tumakas para mag CR,wala ako magawa dahil ako ang partner ni Doc. Tumayo na lhat balahibo ko sa katawan at tmatwa na co-nurses ko dahil sa htsura ko. Nagulat cla na bgla “luhod mandirigma” ginawa ko. Alam ko nakakatawa talaga hitsura ko pero nandun na un at un ang unang pumasok sa isip ko. Sh*t epektib. Salamat papa Jon. Salamat

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s