meron akong ano

mag aalas kwatro ng madaling araw, nakikipag laban ka sa antok sa opisina. mainit pa ang kape mo kaya hindi mo pa mainom, wala ng tao sa plurk. naisipan mong magbukas ng friendster account mo para lang salubungin ng ganitong mensahe sa bulletin board.

hindi ka naman ganun ka die hard fan pero nabigla ka sa nabasa mo, napaisip ka pa nga kung saan mo ba s’ya huling nakita, naalala mo sa commercial sa tv. naisip mo mukhang malakas pa s’ya nun. hindi ka naman ganun ka die hard fan pero nagagalingan ka sa kanya. naghahalo ang pagkagulat, panghihinayang, at panlulumo sa loob mo.
kinlick mo ang istorya.

putarages sa kabobohan di ba? d’yan mo maiisip ngayon kung bakit kailangang ipaglaban natin na maging legal ang abortion sa pilipinas, hindi na kakayanin ng mundo ang isandaang ulit pa ng mga taong ganito. at ang masaklap nun dumadami sila. at ang pagsulpot pa lang sa mundo ng mga nilalang na ganito ay malaking kasalanan na.
bakit kailangan nating tutukan ang pagbabawal ng mga porn sites sa internet, dapat ito ang bigyan natin ng pansin. bakit hindi na lang magkaron muna ng exam bago kabitan ng internet connection lahat ng mga taong ‘to. bakit hindi na lang magkaron ng lisensya para makapag internet ang isang tao. masyadong malawak ang internet at delikado para sa kanila ang magpakalat kalat dito.

eto ang lisensya, at dapat mong ingatan ‘yan dahil may kaukulang parusa ang bawat kamalian at kabaduyan na gagawin mo sa loob ng internet, at ang mga ilang halimbawa ay ang mga sumusunod:

1. pagpapalabas ng picture na naka peace sign.
2. pictures sa friendster na nagpapatunay na nasa starbucks ka sa mahigit tatlong magkakaibang pagkakataon.
3.
pagpapapicture habang nakasandal sa kotseng hindi naman sa’yo.
4. pagkakaron ng album sa friendster na may pangalang “me,myself and i”
5. o “simply meeh”
6.
pagreply ng “good morning” sa isang thread sa plurk, maliban sa thread na “kakagising ko lang” ang title.
7.
pagpatol sa mga kalokohang tulad ng nabanggit sa itaas.
8. paniniwalang hindi ka nga magigising o mamamatay ang isang mahal sa buhay pag hindi mo naipagawa ang iniuutos sa’yo tulad ng pagrerepost nung meme na ‘yun.
9. pag gamit ng ” sorry, kailangan kong gawin ‘to ,mahal ko ang nanay ko. ”

maniwala ka sakin, hindi ka iiwan ng nanay mo pag hindi mo naipasa ‘yang nabasa mo na ‘yan. pahiran mo ang mga luha sa mata mo at magtiwala ka.
isipin mo na lang na sa tuwing nagrerepost o nagpapasa ka ng mga ganyang kalokohan, isang bukirin sa mahirap na bansa ang natutuyo.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

40 thoughts on “meron akong ano”

  1. putang inang mga chain msgs na yan.

    may nareceive pa kong ganyan sa txt dati, pag pinasa daw sa 100 na tao magiging sing lakas daw ni pakyaw. totoo daw kasi siya daw sobrang lakas na. sinubukan ko, pero hanggang ngayon lampa pa din ako.

    may nareceive pa ako na pag hindi ko daw pinasa mamatay daw tatay ko, pero pano mangyayari yun? eh matagal ng patay tatay ko?

    puro mga kagaguhan, bwisit na bwisit ako sa mga chain wateber na yan.

    * kapag di mo pinasa tong comment na to sa ibang tao, papanget ka*

    HAHAHAHA!๐Ÿ˜†

  2. pagkatapos ng mga 10 chain letters na pinatulan ko sa takot na mamatay ang mga magulang ko… kasabay ng pag asa na matutupad nga ang mga wish ko at umaasa sa luck na mangyayare daw pag ginawa ko ang requirements sa chain letter… pero wala pa ring pagbabago dun ko lang narealize na nag papauto lang pala ako…

    ..buti na lang wala akong starbucks pics sa friendster
    ..mukhang guilty ako sa me,myself and !
    ..bawal bang magreply ng good morning sa plurk?

    1. mabuti naman at least ngayon alam mo na… :no:

      .. sa totoo lang, ok lang naman e.. ‘wag lang ‘yung tuwing pupunta ka e obligado kang mag papicture dun.

      .. ikinalulungkot kong hindi ko na maipagpapatuloy ang pakikipag kaibigan ko sa’yo

      .. OT kase, at sus nagpapataas ka lang ng karma, walang sinseridad.

  3. binura ko na ang frendster ko.

    buti nalang.

    pero natuwa talaga ako nung inadd mo ko. hehe. lumalambot na talaga ang kalooban mo joncabron. sorry na.

    do the chibi. ^_^ Y

    goodmorning (dance)๐Ÿ˜†

  4. medyo nagloloko ang aking internet connection di ko alam kung nasubmit ko yung sinabi ko.. pero again ipopost ko ulit..

    sabi ko “nakita ko din yan sa friendster ko.. at akala ko talaga totoo.. para akong na wow mali ng harap harapan..” hehehe.. :grinnod:

  5. di bale sana kung “educational materials” ang ifoforward nila.. yang mga chain letters na yan.. amfpt… pero guilty ako sa ibang mga sinabi mo sir jon tungkol sa friendster..

    1. legal naman dito sa japan ag peace sign eh..
    2. pwede naman pag sa ibang bansa diba.. mas sosyal ang dating.. starbucks japan!

    1. kung ang educational materials na sinasabi mo e porn, naniniwala ako d’yan sa sinabi mo na ‘yan.

      1. may maliit na porsiyentong karapatan ka siguro dahil andyan ka, pero sa itsura mong ‘yan tapos maggaganun ka at itatabingi mo pa ng bahagya ang ulo mo… tinatapos ko na kung ano mang uri ng pakikipagkaibigan meron ako sa ‘yo.

      2. again, hindi masama mag starbucks.. ang masama kung tuwing pupunta ka dun obligado kang magpakuha ng picture at ipost ‘yun sa friendster mo.

  6. ang nakakalungkot pa, 85% yata ng nasa friendster ko e naniniwala sa mga ganyan. ang sarap burahin sa list e. mga walang bait sa sarili. nakakaasar din yung mga chain messages na nagsasabing pag pinasa mo e mahal mo na daw si papa jesas. tae sila.

  7. sa lahat ng pinaka gusto kong mamayapa ay ang mga nagpapasa ng mga chain letters na yan.at napakasama naman ng ugali nung naggawa ng chain latter sa itaas at buhay pa ang tao gusto na agad nyang patayin.napatawa naman ako dun sa chain message na nagiging tinapay. :grinnod:

    sana magkaron ng batas na pwedeng ipahuli lahat ng nagpapasa ng ganyang chain message tapos hhatulan agad ng bitay.tuwing may bagong repost na bulletin sa friendster ko 90 porsyento chain message yun.kakapikon.dami ko nang minura na ganyan!

  8. the last time na pumatol ako sa chain letter eh nung elementary ako at gumawa ako ng sampung kopya ng isang sulat sa 1/4 intermediate pad dahil daw magkakacrush din sakin ang crush ko pag ginawa ko yun. pero inisnab niya pa rin ako hanggang graduation, waaah!

    hindi ako nagpapasa ng mga chain e-mails, text messages o kung anu pa man as a general rule. kahit na health warning, tungkol sa Diyos, “pass this if you are my real friend,” o posibilidad na manalo ng laptop, hindi ko pinapansin. lalo na ang mga may kinalaman sa swerte o malas gaya ng ganyan.

    1. oo nga no’ ngayon ko lang naalala na sa papel pa lang pala dati meron ng ganyan.. pero hindi talaga ako kahit minsan pumatol sa mga ganyan mas naniniwala akong mas malaki ang posibilidad na mapansin ako ng crush ko dati kung magaaral ako ng mabuti at magpapakatalino kesa kumpletuhin ko ang misyon na ‘yan

      … at oo, i phail! nabuntis ng iba ang crush ko bago pa kami mag graduate.

  9. Napakadali na lang kasi magpakalat ng impormasyon na madaling paniniwalaan ng mga tao tulad nga ng balita na patay na si Hulk Hogan o kaya si Maila Gumila diba.

    Pasakan mo lang ng tungkol sa magulang o kaya eh Diyos ang mensahe, instant katatakutan na agad sa makakatanggap.

  10. putragis na mga chain letter pati si “seemless haydol” na nananhimik sa ospital at nagpapagamot ginagawan ng kalokohan eh..taenang mga yan…dpat jan binibitin patiwarik eh.. buti na lang kahit klan na sa akhit anong paraan hindi ako pumatol sa chain letter..yuck!

  11. ito rin dapat ang ipopost ko. sakto. pati yung thought tugma. pero dahil pinost mo na, bibigyan na lang kita ng libreng advertising space sa blog ko. haha. salamat sa pagpapadali ng buhay ko. haha.
    ๐Ÿ˜†

  12. nabu-bwiset talaga ako sa mga taong nagkakalat ng chain letters/text/wateber. sa panahon ngayon madali lang gumawa nyan, ang hindi ko lang maintindihan bat may naniniwala pa sa mga ganyan sa panahon ngayon. parang paurong ata.

    lahat ng nabanggit mo sa friendster ayaw ko din. pag may nakikita akong ganyan automatic decline agad. tapos pag public yung profile pinapakita ko sa mga pinsan ko yung pictures para madami kaming sasakit ang tyan sa kakatawa.

    pero kaya kong palusutin yung una, may mga friends kasi akong chinese at japanese๐Ÿ˜€

  13. Matagal ko na nga rin balak gawin yan. Takot lang akong magtampo ang mga friends ko. Sa araw araw ba naman makareceive ka ng forwarded emails na kesyo tatawagan ka ng taong mahal mo, may darating na swerte in 7 minutes after mong iforward ang email sa 50 contacts mo. Isang beses may binara na ko…ayun awa ng Diyos wala pa ring tigil sa kakasend ng mga pakengshet na email na yan๐Ÿ˜

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s