gago!

sa totoo lang ayoko na talaga kitang itext pag may lakad ang tropa, sumasama lang ang loob ko at nakakaramdam ako ng awa sa sarili ko pag hindi ka nagrereply. parang pakiramdam ko napakadesperado ko na maghanap ng makakasama sa inuman para sumugal lagi sa’yo kung kelan ka pwede. pero wala akong magagawa, sanay na ang tropa na ako ang laging tiga contact sa lahat pag may gimik na ganito.
nakakasama lang ng loob kse gasino na ‘yung isang text na manggagaling sa’yo para sumagot na hindi ka pwede kung ayaw mo, iniisip mo ba na kukulitin ka pa namin pag tumanggi ka? hindi naman tayo mga bata pa para sa mga kantyawan na ganun. at hindi ka naman artistahin para gumanun pa kami.
eto lang ang pinupunto ko, sana ‘wag kang manghinayang na gumastos ng piso para magreply kung hindi mo trip sumama, at ‘wag mong isipin na parang utang na loob ko sa’yo pag sumasama ka sa gimik dahil kaibigan, ikaw pa nga ang dapat tumanaw ng utang na loob sa akin o sa amin. bakit? dahil kaya ka namin isinasama sa gimik, para magkaron ng sigla ang buhay mo. ang lungkot ng buhay mo.
‘wag kang mag alala, iyon na ‘yung huli, wala ka ng matatanggap na kahit na anong mensahe na manggagaling sa akin, wala na akong pakialam kung hilahin ka man ng kalungkutan sa isang sulok na madilim, o kung madaganan ka ng katotohanan na mag isa ka lang sa mundo, wala na akong pakialam.
basta ngayon hindi na tayo magkakilala, tapos.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

5 thoughts on “gago!”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s