an uber friendly reminder

mas matutuwa pa ako kung hindi n’yo ko masyadong seseryosohin. hindi ko naman sinasabi na bastusin n’yo ko minu minuto, iba naman ‘yung salitang respeto sa seryoso. ang sa akin lang, katulad ng ilang ulit ko ng sinabi sa inyo hindi naman ako seryosong blogger na tumatalakay sa gobyerno o patungkol sa diyos, ‘wag n’yong gamitin ang mga salita ko laban sa akin at lalo ng ‘wag n’yong ituring ang lahat ng mga sinasabi ko na para akong santo papa sa inyong harapan.
madalas, wala akong sinasabi na ikakapag pabago ng takbo ng mundo, at madalas sa hindi na magsasalita ako na ikakapag pabago ng pang araw araw na buhay mo. ‘wag mong pahagingan na ganun ang sitwasyon.
ang blog na ito ay tungkol sa kung anu anong bagay na pumapasok sa isip ko, ‘wag kang masasaktan pero hindi ito tungkol sa inyo. pag nakasalamuha mo ako sa iba pang lugar sa internet na ginagamit ang karapatan kong mag isip ng mga bagay na sasalungat sa paniniwala mo at ginamit ko ang obligasyon ko sa sarili ko na ipahayag iyon, nasa iyo ang lahat ng karapatan para salungatin ako, choice mo ‘yun at sana bigyan mo rin ako ng pagkakataon na idepensa naman ang sarili kong paniniwala, at oo, kahit gaano pa kababaw ang pinaguusapan natin, pag sa tingin ko mali ka at tama ako idedepensa ko ang paniniwala ko hanggang sa dulo ng walang hanggan, at oo, kahit kaibigan kita pag sinalungat mo ‘ko kailangan mong panindigan ‘yun dahil sasagasaan kita.Β  ang ibig sabihin, kung magdedeklara ka ng gera, pangatawanan mo. at kung sa minsang enkuwentro na ‘yun ay matamaan ka ng mga ligaw na masasakit na mga salita na susugat sa damdamin mo, patawarin mo ‘ko pero madalas kinakailangan talaga ng mas matinding pwersa para maipasok ang isang bagay sa mas maliit na butas. ‘wag kang umasa na makakatanggap ng mga makukulay at mabulaklak n mga salita sa akin sa mga pagkakataon na ‘yun dahil malabo kang makakatanggap nun sa akin, hindi mo kailangan ang foot spa habang tinuturukan ka ng lethal injection. patawarin mo ‘ko pero iyan ang batas.
ano ang ibig kong sabihin, kung pusong mamon ka at hindi mo kayang makipag usap ng ganun na hindi mo gagawing sahog ang pakiramdam mo, may dalawang bagay kang pagpipilian, umiwas ka sa akin sa mga usapang ganun o maghanap ka ng ibang kaibigan, hindi ako ang para sa iyo.. hindi ka tatagal sa mundo ko.
hindi para sa iyo ang internet, at hindi ka mahal ng internet.

‘wag nating seryosohin masyado ang internet. sa bandang huli lahat tayo dito naglilibang lang at naglalaro. lahat tayo sa kanya kanya nating lugar na ginagamitan ng portal sa virtual world na ito, may kanya kanyang tunay na mundo.
sa labas ng mga bahay natin.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

12 thoughts on “an uber friendly reminder”

  1. kaibigan kita diba. magkaibigan talaga tayo? kahit dito lang kita nakilala? diba? diba? oo. wala ka nang magagawa dun. magkaibigan na talaga tayo. gusto ko lang sabihin sayo na masaya ako na naging kaibigan kita.

    *friendster testimonial to mr.joncabron*πŸ˜‰

  2. ahahha… sa prisinto dapat nag papaliwanagan… iniisip ko pa kung tatawanan ko ba to o sisiryosohin ko… hahaha, nakakata kasi, ayan natawa n pla ko… pro sige sisiryosohin ko na… naisip ko lang sa labas lang ba tlaga ng bahay? pano sa loob? saka, di nmn lahat ng butas maliit.. sa pag daan ng panahon, lalaki din yan ^^ ahahaha… nice… nice… kanya kanya ng opinyun… kanya kanya ng trip at walang basagan! isa pa, nakakatawa tlaga! longlive paps! tungkol sa internet, ay wag n lang, sa next comment ko n lang sasabihin, pra prang series din.. malay mo may magbasa ng comment ko habang binabasa ang blog mo ^^ ahahahaha…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s