sayang nameyn

sa tulad kong graveyard shift, abnormal na nagtatapos ang araw sa oras na mahiga na ako sa kama at ipikit ko ang mga mata ko, at madalas sa pagitan ng alas dose hanggang ala una ng tanghali naisasakatuparan ang lahat ng ‘yun. siguro naman hindi na magiging mortal sin para sa akin na pumili naman ako ng pasaherong makakatabi sa byahe. sinungaling ako kung sasabihin kong mas pinapaboran ko pang makatabi ang isang babaeng mukhang librarian na matandang dalaga na amoy safeguard kesa sa babaeng naka damit opisina at amoy baby cologne.
ganyan na ganyan ang naging sitwasyon kani kanina lang. sa bus.

gaya ng dati, normal ang byahe ko pauwi. maaga akong nakalabas ng opisina at mabilis akong nakasakay ng bus. nagbago lang ang lahat sa bus stop. naagaw ang pansin ko ng isang babaeng naka uniporme na pang opisina sa labas ng bintana ng bus na humalo sa mga aspiring pasahero ng sinasakyan ko. hindi naman s’ya ganun kaganda talaga pero anlakas ng dating n’ya.. kung nakapanood ka na ng hardcore porn na ang setting ay sa opisina, mga tipong sekretarya na pinag overtime ng boss n’ya at pag abot n’ya ng papeles dito para papirmahan ay tinablan at nag init s’ya ng nagkiskisan ang mga palad nila, inihiga s’ya ng boss n’ya sa mesa matapos nitong tabigin at isabog sa sahig ang mga calculator, stapler at iba pang mga gamit pang opisina. eto ‘yung tipikal na itsura ng babaeng ‘yun.
sa may pintuan sa harapan ko s’ya nakita ulit na naghahanap ng mauupuan, medyo nahirinan pa ako ng laway ko nung nakita kong sa pwesto ko s’ya nakatingin, eksakto sa bakanteng espasyo ng inuupuan kong pandalawahang tao. inayos ko ang upo ko at bahagya kong pinapungay ang mga mata ko, kasabay ng matipunong pagbasa ng dila ko sa labi ko.
ilang hakbang na lang ang prinsesa mula sa trono ng kanyang prinsipe ng biglang sumulpot ang isang babaeng mistulang wicked witch na kumumpleto sa isa sanang fairytale na iyon. naramdaman kong may isang bahagi ng pagkatao ko ang nagdilim ng nagmamadaling ibinagsak ng may idad na babae ang sarili n’ya sa tabi ko. natalo ang babaeng pang bed scene ang dating sa laro ng trip to jerusalem, at dahil wala ng ibang bakanteng upuan, tumagos s’ya pababa sa kabilang pinto sa likod.
gusto kong saktan ang babaeng may idad sa tabi ko, kahit hindi sana sa pisikal na pamamaraan. sana pinabayaan n’ya na lang ‘yung isa na makaupo sa tabi ko. mahiwaga ang bawat sandali at hindi natin alam ang mangyayari, baka nagbabasa pala ng blog ko ‘yun at makilala n’ya ang bag ko na ilang beses ko na rin naipakita sa ilang mga entry ko, o baka nakita n’ya na ang picture ko sa flickr account ko nung ibinandera ko dati ‘yun dun at mamukhaan n’ya ako at purihin na hindi naman pala ako ganun ka taba sa personal at nakakatawa akong mag sulat, yung mga ganun. o pwede din na hindi n’ya ako kakilala talaga pero dahil sa kadesperaduhan ay bumunot ako ng bolpen sa bag ko at magpapansin sa kanya habang isinusulat ko sa upuan ang address ng blog ko… napakaraming posibilidad.

at parang sa isang tunay na buhay, nakakainip ang byahe sa piling ng isang taong hindi mo naman gusto.
iminulat ko lang ang mga mata ko nung pababa na ako matapos kong magbayad.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

23 thoughts on “sayang nameyn”

  1. magkaumaling sa kama kasama ang isang magandang babae.

    nagniniig at malapit ng sapitin ang sukdulan ng kasiyahan.

    ng biglang mag-ring ng malakas ang telepono.

    emergency daw.—naputol at di natapos ang lahat.

    ganun ba ang feeling?

    hindi?.

    kei.tnx.bye!
    πŸ˜†

  2. Bakit may halong matalinhaga na paghahambing sa dulo?

    at parang sa isang tunay na buhay, nakakainip ang byahe sa piling ng isang taong hindi mo naman gusto.

    lumalambot na ang puso mo. nakakatakot yan.πŸ˜†

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s