naranasan mo na bang mabutasan?

madalas sa paglalakbay natin dito sa tinatawag na buhay, marami tayong nakakasalamuha na iba’t ibang personalidad, at dahil ang buhay ay walang hanggang paglalakbay marami sa mga personalidad na ‘yun ang maiiwan natin sa isang parte ng buhay natin. maaaring sa tagal ng panahon makakasalubong natin ulit sila, maaaring hindi na, at meron ding putang ina sana hindi na ulit.
normal na sakay ako ng bus na pabyaheng opisina kagabi, normal ang byahe, maluwag ang bus, walang traffic, at madami pa akong oras para hindi ma late. abalang excited akong nakikinig sa mp3 player ko dahil bagong bili ang earfone n’ya ng biglang may tumabi sa akin na nanggaling sa likod ng bus, hindi ko pinansin nung una dahil nahagip na ng mata ko na lalaki s’ya.. at madalas wala naman akong pakialam sa mga lalaki sa bus. nakitingin pa rin ako sa labas ng bintana, inuunahan ng utak ko ang byahe ng bus, sana wala masyadong trabaho at sana walang aberyang mangyari sa opisina.
naramdaman ko na lang ng may kumakalabit sa balikat ko. nilingon ko ‘yung katabi ko at dahil nakasalpak ang in ear ng player ko, hinulaan ko na lang na nagsasalita s’ya at kinakausap ako dahil bumubuka ang bibig n’ya habang nakangiting nakatingin sa akin. minukhaan ko s’ya sabay tanggal ng aparato sa tenga ko, bahagya ko ng naabutan ‘yung sinasabi nung lalaki.

…. dun sa may highway di ba? dun kami kila mang crising nakatira.

nag isip muna ako ng konti bago nagrehistro sa akin ‘yung itsura ng kausap ko. tama! dati silang nangungupahan sa mga pinsan ko, at madalas ko nga s’yang nakakasalubong sa kalsada at madalas ko s’yang napapansin na napapadaan sa tambayan namin. pero wala akong natatandaan na nagkaron kami ng kahit na maikling paguusap dati. ang totoo n’yan gusto ko pa nga s’yang ipagulpi sa mga barkada ko dati dahil nagagaguhan ako sa itsura n’yang payat na nakasalamin na ngiti ng ngiti kahit magisa lang naglalakad sa kalsada at flat top na kulot ang buhok na mahaba sa likod. weirdo.

.. ahhh oo, naaalala ko na. o kamusta, san kayo ngayon?” (matabang pa sa panlasa ng may trangkasong tanong ko)

hindi ko na maalala kung saan na daw sila nakatira ngayon at wala akong pakialam. sa call center daw s’ya nagtatrabaho at may asawa na ‘yung kapatid n’ya na hindi ko naman kilala. at binata pa raw s’ya. hindi ko alam kung ano ang maiaambag sa pagkatao ko ng mga impormasyon na nalaman ko pero basta sinabi ko na lang “aaaaaaah ganun ba?” bilang respeto na rin sa kausap ko.
sa wakas dumating din ang hinihintay kong sandali, ang pagdaan ng anghel sa pagitan namin, pansamantalang katahimikan matapos n’yang hugutin sa pouch na nasa balikat n’ya ang celfone n’ya at nagbasa at sumagot s’ya sa isang text na hindi mo na kailangan maging sobrang talino para mahulaan na nanggaling sa isang malungkot na weido din na katulad n’ya. madali kong sinamantala ang pagkakataon na ‘yun para ipahalata sa kanyang naiinip ako sa byahe. lumingon ako sa bintana at kinapa sa balikat ko ang dulo ng earfone ko.. naisip kong magbilang muna ng hanggang lima  para masiguro na wala na s’yang sasabihin sa akin, at bilang respeto na rin bago ko tuluyang wakasan ang hindi inaasahang reunion namin.     isa… dalawa…. tatlo.. apat….

… madami kang piercing dati di ba?”

napamura pa ako ng mahina sa sarili ko, sayang sana pala hanggang tatlo lang ang bilang na naisip ko. sinabi ko na kinalimutan ko na ‘yun buhat nung nag kapamilya ako. tinira ko lang ‘yung sa magkabilang tenga pero tinanggal ko na rin nung nagkatrabaho ako. at sinagot ko s’yang ako lang ang nagbubutas nun nung tinanong n’ya ko kung sino daw ang gumawa.

… ako pare isa lang ang hikaw ko.”

otomatik na hinanap ng mga mata ko ang hikaw sa magkabila n’yang tenga. wala, at mabilis din na iniscan ng mata ko ang mukha n’ya pero wala din akong nakita. naisip ko na lang na baka sa utong, nauso kse dati ‘yun. at naisip ko din na baka sa pusod, alam kong masagwa para sa isang lalaki ‘yun dahil parang sa babae lang babagay ‘yun pero sus! douchebag ‘tong kausap ko e, anong imposible dito.
nakita ko sa mga mata n’ya na parang inaasahan n’ya na ang bigo kong paghahanap ng hikaw sa mukha n’ya matapos n’yang sabihin na may isa s’yang hikaw, para pala ‘yung trap na binuksan n’ya sa harapan ko. at dahil hindi na n’ya nahintay na itanong ko kung saan ang hikaw n’ya. s’ya na ang nagboluntaryong isiwalat ang impormasyon na ‘yun para sa akin.

… sa etits pare, kumakayod ‘to. solid! (sabay bukaka at turo sa ilalim ng pusod n’ya)

blangkong napalingon ako sa mukha n’ya. napabilis ang pagnguya ko sa matabang na babolgum sa bibig ko na may isang oras mahigit ko na yatang nginunguya. “ahhh ganun ba” sabay, lingon sa bintana at salpak ng earfone sa magkabilang tenga ko.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

20 thoughts on “naranasan mo na bang mabutasan?”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s