ding! dong!

ito ay isang malaking rebelasyon, na pag si dingdong dantes ay naputulan ng paa, hindi n’ya iindahin makakatakbo at makakatakbo pa rin s’ya.. sa pamamagitan ng betlog n’ya. seryoso, ano ang iniisip ni dingdong dantes at ng mga tao sa paligid n’ya para pumorma s’ya ng ganito? ansagwa! marami na naman  akong nakitang mga model din ng mga underwears pero ibang klase ‘yung dating nito, meron akong nadadaanan na ganito dati pag uuwi ako galing sa trabaho ng umaga at maniwala ka sa ‘kin nakakasama ng sikmura pag sa araw araw na ginawa ng diyos, habang puyat ka galing sa trabaho, wala kang kain at antok na antok ka at sa araw araw na dadaan ka sa lugar na ‘yun parang nag aalmusal ang mga mata mo ng betlog ni dingdong dantes. siyet! tignan ko kundi ka maumay.
kung ang intensyon n’ya e para ipaalam sa sambayanan kung saan nakuha ang pangalan n’yang ding dong sa pagpopose n’ya ng ganyan sa mga posters at billboards. pwes, nagtagumpay s’ya. at kung ako ang tatanungin, at kung ang pagbabasehan ay ang bagay na ‘yun.. sabi nga, hindi ding dong ang dapat ipinangalan sa kanya, KALEMBANG.  naisip ko lang, wala kaya s’yang kamag anak o kahit kaibigan man lang na kahit pabiro sinasabihan s’ya na “pare baka naman p’wedeng tigilan mo na ‘yung kakapa bakat ng isang kilong betlog mo sa kalsada, maawa ka naman sa mga motorista”
sino kayang magaling ang nag apruba ng poster na ‘to para ma iposte sa kalye at ng maipangalandakan nito ni dingdong ang deformed siamese twin n’ya, hindi kaya naisip nitong mga ‘to na hindi naman mga kababaihan lang o mga kabaklaan ang dumadaan sa kalsadang ‘yun? siyet!
kung ginawa na lang sanang rebulto ‘to imbis na billboard, malaking tulog pa sana.. para pag sobrang mainit o kaya umuulan pwedeng sumilong ang mga tao sa betlog n’ya.

seryoso, mr. dingdong gusto kita nung bata ka pa at lagi kitang pinapanood sa TGIS, may bakal ka pa nga sa mga ngipin mo n’un, pero demet hindi ko alam na ganyan pala kalaki ‘yang betlog mo, at hindi rin maabot ng isip ko kung bakit ganyan ka kaproud sa mga ‘yan na tuwing dumadaan ako sa kalsadang ‘yun kinakabahan ako na baka isang araw bigla na lang magkaron ng sariling buhay ‘yang betlog mo, tumalon sa kalsada at mang harang ng mga sasakyan at maghasik ng lagim. nakakapangilabot na senaryo.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

21 thoughts on “ding! dong!”

  1. may naalala akong kanta. ewan ko kung pamilyar sayo pero parang kahanay nya yung mga background music sa mga ads ng mga breast enhancer sa home tv shopping.

    “OOOOH YOU TOUCH MY TRA LA LA! MY DING DING DONG!”

    ewan ko kung sino ding sira ulo ang nagcompose nyang putanginang jumping jologs slash pang-gym slash pang-disco slash pang-gay bar na song na yan.

    ang pangit ni inyaki. gimik talaga pinapanood ko non. hahaha. hindi ko alam talaga kung bakit gwapong gwapo din sya sa sarili nya.

  2. ay putanginang poster yan…

    di ba dati meron din yan na parang nagpupush up ang posing na halos mabuntis na nya ang sahig at mga puno sa ilalim ng poster nya? yung nakalagay sa me clover leaf interchange months and months ago…

    baka naman lahat ng nakapaligid sa kanya slash adviser slash kapamilya slash kapuso eh pawang mga badingky wingky…

  3. tama! parang may halong inggit itong post na ito hahaha!
    pinagkatitigan ko tuloy ung litrato..parang eksaherado nga yata ang laki nung mga dalahan ni dingdong..para siyang may luslos! hahahah..

    pagkatapos ng “t_te..tungkol naman sa bet_ogs ang post ni sir john..hahaha! bakit kaya?!🙂

  4. Haha buti naman at nabring-up mo yan kuya.. Kadiri tlga eh, di ka-aya aya lolz.. Naalala ko may ganyan sa edsa dati, sobrang laki talaga..nung billboard..nakakadagdag badtrip lalo na at trafik. Pero tinanggal din naman, madami yata nagreklamo haha

  5. aysus!pati yun pinakialaman? eh bakit naman yung mga billlboard ng mga babae na nakalabas ang mga kuyukut kinatutuwa-an pa ng iba?naalala ko pa nga minsan nag entry ka ng tungkol sa isang magandang babae na billboard din.syempre hindi lang mga lalaki ang dapat may pagnaasaan,meron din dapat para sa mga babae. :nod:

  6. may filiriasis yata sya eh. yung sakit na nakukuha sa isang species ng lamok na kapag kinagat ka nito eh nagiiwan ng bulate na titira sa katawan mo at swerte mo kung paa lang lalaki sau. malas ni dingdong baka betlog nya ang naapektuhan hahaha.

  7. bumalik na naman ba yang mga billboards na yan?meron kasi niyan dati sa edsa-guadalupe na lagi kong nadadaanan, na ipinaalis daw ng ilang mga grupong konserbatibo.paano, siya lang ang underwear model na naka-bukangkang.

    malayong-malayo ito kay Inyaki…

  8. > hindi kaya naisip nitong mga ‘to na hindi naman mga kababaihan lang o mga kabaklaan ang dumadaan sa kalsadang ‘yun?

    kahit sa mga kababaihang tulad ko hindi nakakatuwa ang billboard na yan. madalas naming mapag-usapan dati to sa opisina at sa pagkakatanda ko wala pa kong taong nakilala na natuwa sa billboard na to. masagwa talaga eh.

  9. at shempre ang hindi ko naman normal na pinapansin eh napansin ko ng walang kalaban laban. wahahah nagmamalinis? hahahah!!

    oongaaa, kung lalaki may pinagnanasaan, dapat babae din! agree agree!!😀 :grinnod:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s