litol dreamer

nung isang gabi, kakagising ko lang ng napatutok ako sa tv habang nanonood dun si mrs cabron at ‘yung anak namin. may isang batang sampung taong gulang nakarehistro sa tv, sabog ang luha n’ya habang kumakanta. pinoy dream academy little dreamers daw ‘yung palabas. malungkot ang itsura ni mrs. cabron at ni polin, nakikisimpatya sa bata na sumasabog ang boses habang kumakanta dahil sa pigil na emosyon ng pag iyak. dun ko lang nalaman na isa pala s’ya sa natanggal at huling kanta n’ya na ‘yun..
nahabag ako dun sa bata, parang naisip ko dagdag pabigat pa sa loob n’ya na pinakanta pa s’ya, naisip ko ‘yun dahil sanay ako sa paligsahan nung nasa elementarya pa ako, suki ako ng mga quiz bee at mga spelling contest dati at wala akong ibang naiisip pag natatalo ako kundi ang umuwi na sa bahay namin at tumakbo sa loob ng kwarto ko, isubsob ang mukha ko sa unan at umiyak ng umiyak habang isinusumpa ko ng mga malulubhang sakit ‘yung mga nakalaban ko.
nasa ganun akong pag iisip ng napansin ko ang anak namin, naisip ko na kung s’ya siguro ang kasali sa palabas na ‘to at pinapakanta s’ya habang umiiyak at talunan, tapos ipapatawag kami ni mrs. cabron sa stage para yakapin ang anak namin at para pampadagdag sa drama effect, magwawala ako, mandudura ako.. isa summer sault ko si tony gonzaga sa harap ng milyong milyong manonood.
nilapitan ko si polin at hinaplos sa likod, napatingin si mrs. cabron at nakita kong nagliwanag ang mukha n’ya nabasa ko dun ang imahe ng asawang nakakita ng pagbabago sa asawa n’yang sa wakas ay naging affectionate sa anak n’ya.. tumango tango pa s’ya na hudyat na “tama ‘yan.. tama ‘yan”
at pinakawalan ko ang isang tipikal na intro ng isang ama para sa anak n’ya pag binabalak n’yang mag bukas ng baul ng karunungan at mabubuting aral para sa kanya.. ” anak, nakikita mo ‘yang bata na ‘yan… sampung taon, kaidad mo..”
PHAIL!
biglang napalingon si polin sa akin sabay palo ng nakakuyom na kamao sa dibdib ko, hilam ng luha ang mga mata
“daddy, eight years old pa lang ako!!” .. sabay irap ng mga matatalim na mata. napalingon ako kay mrs. cabron na napapa iling at nasa mga mata ang pagkabigo at panghihinayang. at wala akong nasabi kundi ” ahhhm, maliligo na ako. kailangan ko ng pumasok sa trabaho”

.. malay ko ba.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

13 thoughts on “litol dreamer”

  1. markahan mo na kasi yung kalendaryo nyo para hindi ka makalimot. masamang magrebelde ang mga babae. baka maagang magboypren yan at makipagtanan.

    lahat ng yan ay dahil sa hindi mo pagkaalala ng bday nya at kung ilan taon na sya..

    sasabihin na lang nya na. “im old enough dad!”

    brother Jon, ayusin mo!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s