payback is a bitch!

dear jon,
siguro naman maliwanag na sa’yo ang lahat, alam mo na ang kaibahan mo sa robot at sa akin. ang una ay kinakailangan lang ng baterya, at ako, kaya kong gamutin ang sarili ko sa pamamagitan lang ng kumpas ng kamay ko. ikaw, hindi.
halos isang buwan din kitang pinagmamasdan, sinusuri ko ang bawat galaw at ikot ng buhay mo. gigising ka ng 7:30 ng gabi, diretso CR sindi ng dalawang yosi habang nakaupo sa inidoro at nagbabasa ng dyaryo, sabay ligo, bihis, alis, wala ng hapunan. siopao lang pagdating mo sa opisina at dalawang tasang kape tatlong oras ang pagitan. 
dadating ka sa inyo ng 7:30 ng umaga kinabukasan, at malimit akong mabigo habang pinapanood kita dahil inaasahan ko na mga alas nuwebe tulog ka na, pero hindi. mas pinipili mo pa rin na ubusin ang oras mo sa internet hanggang ala una ng tanghali, at pagkakain mo ng tanghalian sa mga oras na ‘yun, dun ka pa lang manliligaw ng antok.
nakakailang yosi ka sa isang normal na araw? kalahating kaha. sa tingin mo normal pa ‘yun? gago!
kung naaalala mo, sa ika pitong araw nagpahinga ako. ikaw anong ginagawa mo pag dayoff mo? nagiinom. kelan ka huling nahiga sa kama n’yo na nakainom ka pero normal ka pa rin? hindi mo na natatandaan. bakit? dahil pag bitin ka pa, sa convenient store ka nagpapababa sa naghatid sa’yo para bumili ka pa ng maiinom mong mag isa sa bahay n’yo.
sa lahat ng gawain mo na ‘yan bukod pa ‘yung normal na dalawang kaha sa inuman, dapat mo ba akong sisihin na namamaga ang lalamunan mo, o dapat kang magpasalamat na iyan lang ang napala mo? mag isip isip ka, hindi ka na bata at hindi ka na binata marami ng umaasa sa’yo. kung ganyan pala ang buhay na gusto mo, sana hindi ka na lang nag asawa, sana hindi ka na lang nag anak. nandadamay ka pa.
PS
ayusin mo!

XoXo,
jebus

………..

pare,

oo na!

.
Jon Cabron

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

4 thoughts on “payback is a bitch!”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s