hmmmback!

pagpasok ko pa lang nung miyerkules may duda na ako, biglang nanakit ‘yung joints ko sa paa at gininaw ako habang nasa bus ako, ganyan ako pag tatrangkasuhin. medyo masakit na rin ang lalamunan ko nun pag lumulunok ako. pag uwi ko ng huwebes ng umaga nanginginig na ‘ko, akala ko makukuha sa tulog, bagsak agad ako pag kakita ko sa kama pero nagising ako bago magtanghali.. nanginginig na ‘ko sa ginaw, pero pawis na pawis naman ako. antaas na pala ng lagnat ko.
abnormal ‘yung pakiramdam na ang init init ng pakiramdam mo at pawis na pawis ka pero pag gumagalaw ka mangingilabot ka sa ginaw, muntik na ‘kong masiraan ng ulo. nagtext ako sa bisor ko. baka p’wedeng hindi muna ako pumasok, sinabi ko ‘yung kalagayan ko, ang sagot hindi daw pwede kse naka sick leave din s’ya. kahapon pa raw s’ya nilalagnat. naalala ko, tinawagan ko kagabi ‘to tapos may kumakantang performer sa background ah! .. hmmmm ok lang.
tinantya ko ang sarili ko, wala akong pagpipilian kundi pumasok. pinoproblema ko kung papano ako maliligo at kung papano ako bibyahe. bahala na. inaway ako ng lahat ng tao sa amin, syempre ayaw na akong papasukin dahil iba na talaga ‘yung itsura ko nun, pero ako pa rin syempre ang may hawak sa sarili ko. pumasok ako at nakadating naman ng maayos, pero sobrang dusa ‘yung walong oras ko sa opisina.  pumunta ako sa clinic para humingi ng gamot, binigyan naman ako pero para lang sa lagnat. paracetamol. pagbalik ko sa opisina pakiramdam ko lalo akong napasama, mainit sa labas at sobrang lamig sa loob, lalo akong nanginig.nakausap ko na ‘yung bisor at pumayag na s’yang mag duty kinabukasan kapalit ko, sakto off ko sa sabado kaya may kulang tatlong araw akong pahinga.friday, bagsak na ‘ko. hindi na ‘ko makakain ng kahit ano,  kahit pag inom ko ng tubig pahirapan na. kailangan ko pang isipa ‘yung kanang paa ko para malunok ko ‘yung mismong laway ko. hanggang sa nagiisip na ‘ko kung kailangan ko na bang magpa ospital, sumasakit na ‘sya kahit hindi ako lumulunok o nagsasalita, ‘yung sakit n’ya apektado na pati ‘yung kaliwang tenga ko, may bukol na rin ako sa leeg.
at nalaman lang ng mga tao dito sa bahay na malala na ‘yung lagay ko talaga dahil maghapon na akong hindi nagbubukas ng pc. kaya naalarma na si mrs. cabron at tinawag ang nanay ko, at sa awa ng nanay ko sa akin, inutusan n’ya akong bumili ng sarili kong gamot sa mercury drug.
sabado ng umaga lang medyo umayos ‘yung pakiramdam ko, pero minsan may mga lunok pa rin ako na sumasabit. ngayon masakit pa rin pero hindi na ako nilalagnat. ok, na. handa na akong pumasok mamaya. at balak ko na rin icancel lahat ng leave ko para sa buwan na ‘to dahil wala na akong kabalak balak mag inom o manigarilyo.
ang alak na dating iniinom ko ay papalitan ko na ng calamansi juice, at ang usok na dating naglalaro sa mga labi ko… ngayon ay mga dasal at papuri na sa kanya.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

24 thoughts on “hmmmback!”

  1. napakadakila mo namag ipilt na pumasok kahit gumagapang ka na sa sakit. pagaling ka. uso yata. pero yung akin di matuloy-tuloy.

    wala na akong kabalak balak mag inom o manigarilyo
    hanggang kelan?

    sa awa ng nanay ko sa akin, inutusan n’ya akong bumili ng sarili kong gamot sa mercury drug.
    GNG Cabron, isa kang alamat! :p

  2. mabuti naman. pamilyadong tao ka na kasi kaya wag ka na magbisyo. pambili din ng bigas yung yosi money mo. natutuwa ako para sayo. pero kailangan mo pa palang masaktan para marealize yun ano?

    ang seryoso ng comment ko? di bagay sa blog mo.

  3. at sa awa ng nanay ko sa akin, inutusan n’ya akong bumili ng sarili kong gamot sa mercury drug. – Napatawa ako dito

    dahil wala na akong kabalak balak mag inom o manigarilyo Lalo akong napatawa ng husto dito!!!

    ngayon ay mga dasal at papuri na sa kanya Hysterical na ako john!!!hystercal naaaaaaaaaaaaaa!!!!!wwwwwaaaaaa!!!!!!! :grinnod:😆

  4. naco, ang hirap talaga magkasakit. ako i tried doing what you did, pumasok kahit maysakit na. ayun, after 2 hours bumigay na ang katawang lupa ko. buti na lang mabait si hubby at sinundo ako sa opisina.

    classic talaga at walang katulad ang nanay mo.

  5. ulirang ina awardee goes to….Gng. Cabron! walang katulad!

    natawa talaga ako dun sa hindi ka na mag iinom dahil imposible yun matanggal ng ganun ganun na lang..saka yung mga banat na

    “ang alak na dating iniinom ko ay papalitan ko na ng calamansi juice, at ang usok na dating naglalaro sa mga labi ko… ngayon ay mga dasal at papuri na sa kanya”

    utang na loob. haha! calamansi juice? dasal at papuri? I’ll drink to that!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s